Isang buong minuto na ang nakalipas mula nang simulan nila Luis at Evan ang kanilang Elimination nang wala pa rin silang ibang magawa kundi ang magbatuhan ng libro, kakaunti na lamang ang natitirang libro kaya sila napahinto sa kani-kanilang kinatatayuan. “Ano na ang gagawin mo ngayon? Wala ka nang maikokontrol para ipanglaban sa akin,” sinubukan asarin ni Luis si Evan para sana mawalan na ito ng pag-asa at lakas ng loob ngunit nagkakamali lang siya, dahil biglaang napangisi ng patago si Evan at agad naman din niya iyong inalis para hindi siya mahalata ni Luis. “Wala na nga…” mahinang tugon ni Evan, ngunit, sa likod niyon ay purong kasinungalingan lamang. Tumakbo si Evan papunta sa sulok ng silid na iyon para hindi siya makita ni Luis at ang kanyang pinaplanong gawin. Itinapat ng lalaking

