Binawi na ni Evan ang kanyang mga anino at nawala na uli ito sa kanilang tabi. Isa na namang paghikab ang ginawa ni Evan na siyang nakakainsulto na para kay Luis kaya tumaas ng bahagya ang kilay nito nang hindi naman napapansin ni Evan. “Magsimula na tayo, Draxo,” sabi ni Luis sa dragon kaya’t naglabas na ito ng isang malaking orasan tsaka siya bumuga ng apoy roon upang sumindi ang oras at gumalaw na nga iyon, huminto ang mga kamay nito sa tapat ng ikatlong numero. “Three minutes lang?” nagtatakang tanong ni Luis, alam na niya ang tinutukoy ng orasan na iyon dahil ilang beses na siyang nakasubok sa Elimination ng mayroong presensya ng parehas na orasan. “Oo, simula ngayong Elimination ngayong taon na ito, wala nang lalagpas pa sa tatlong minuto, pero mayroon pang mas mababa sa gano’n kaya

