Ang laban na inaasam ng magkaibigang Ymir at Rian ay muling sinimulan sa pamumuno ni Draxi— ang dragon na siyang tagapamahala sa elimination na iyon. Pumagitna si Draxi sa dalawang estudyanteng nakahanda na para sa kani-kanilang laban. “Para sa ngayon, ang elimination niyo ay magaganap na lamang sa isang minuto. Kung sino ang siyang makakapagpatumba sa kaniyang kalaban o makakapagpasuko roon ay ang siyang magwawagi,” panimula ni Draxi sa mga paalala niya ukol sa alituntunin ng elimination na siyang nagbago na muli dahil sa kanilang sitwasyon. “Samantala naman ay hindi kayo maaaring gumamit ng kahit na anong kapangyarihan niyo para maging patas lang ang laban, tanging ang inyong mga sariling kamay o kahit na anong parte ng inyong katawan na sa tingin niyo ay mapapakinabanagan niyo, ay ang s

