Puno ng pagkakadismaya ang ekspresyon ni Rian nang mapagtanto niyang hindi siya ang nagwagi. Nang marinig niya mula mismo sa bibig ng batang lalaking kalaban niya na naaalala niya ang lahat patungkol sa Elimination ay unti-unti nang nadurog ang kanyang puso. Bagamat hindi iyon nagtagal ay hindi pa rin naman niya maitatago sa kanyang sariling labis nga siyang nalulungkot sa tinamong resulta ng kanyang paggamit ng katangi-tangi niyang abilidad. Ni minsan sa kanyang buhay ay hindi pa siya pumalpak sa paggamit ng Reset kaya’t hindi niya magawang paniwalaan ang kanyang pagkatalo sa isa lamang bata. Nanghina ang mga binti ni Rian nang marinig na niya ang tunog ng isang bell, hudyat na tapos na ang kanilang Elimination. “Ymir… is the victor,” mahinang anunsyo ni Draxi sa pagdedeklara kung sino a

