"Fire—" Hindi na tuloy ni Ruby ang balak niyang gawin. Babatuhin na sana ni Ruby si Rian gamit ang kapangyarihan niya ngunit nahuli siya. "Masyado ka pang mabagal at mahina para kalabanin ako, Ruby," sabi ni Rian na agad na nakalapit sa kanya at kasalukuyang nakatutok sa leeg ni Ruby ang isang daliri niyang may napakatalim na kuko, kusa niya itong napahaba at napatulis gamit ang isa sa kanyang kakayahan. Nang dumikit iyon sa balat niya ay tumulo agad ang mapula niyang dugo at kahit pa hindi iyon ganoon karami ay naalarma pa rin si Ruby. "Kung papayag at susunod ka sa kagustuhan ko..." Nilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ni Ruby, ang mainit niyang hininga ay dumadapo roon. "Baka magbago ang isip ko at palayain ko kayo lahat," dugtong pa ni Sammuel gamit ang katawan ni Rian. Tuluyan na

