Sumulpot si Sammuel sa itaas ni Ruby tsaka niya ipinalupot ang babae gamit ang kanyang maitim na pakpak. Nabuhat niya si Ruby sa tulong ng pakpak niyang iyon at pilit naman nagpupumiglas si Ruby ngunit agad siyang nakaisip ng paraan kung paano siya makakawala roon. “Ignition!” bigkas niya at mabilis na nag-isip ng apoy kahit maliit lamang iyon ay sapat na. “Not too fast!” Pinaikot ni Sammuel ang nakakulong na babae sa pakpak tsaka siya lumipad palayo, papunta sa itaas at sa lupa; pabalik-balik siya sa kanyang paglipad para hindi makakilos ng maayos si Ruby. “Hindi kita papayagan na gamitin ang kapangyarihan mo laban sa akin. Ang kailangan ko ay ang ibigay mo ang kapangyarihan mo sa akin ng hindi na kinakailangan pa ng kahit anong klaseng pamumuwersa,” sabi niya bago siya huminto sa kanyan

