Chapter 49

1077 Words

Isang nag-aalab na pana ang diretsong tumama sa umiilaw na crest ng higante na siyang simbolo ng kanyang pagkakakilanlan. Nanatili ang apoy roon hanggang sa puntong mangitim na ang crest at tuluyan na itong naglaho ngunit ang apoy ay hindi pa nawala at naglakbay lang iyon hanggang sa iba’t iba pang parte ng katawan ng higante. Tiningnan ni Ruby ang naging epekto ng kanyang ginawa kay Sammuel at natulala siya nang makitang nasusunog si Rian habang ang kamay nito ay pilit na inaabot sana ang crest kahit pa wala naman na iyon. Dahil sa labis na taranta niya sa maaaring maging dulot niyon kay Rian ay nilapitan niya agad ang katawan nito. Ngunit, huli nang nakarating si Ruby sa kinaroroonan ni Rian at nakita na lang niya na ang mga nasusunog na parte ng katawan ni Rian ay nagiging abo na nilili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD