“Acceleration!” Gumamit si Rian ng kanyang abilidad para saluhin si Ruby. “Boost!” bigkas niya para ilayo si Ruby sa lugar kung saan siya nasikmuraan ng hindi alam kung sino ang may kagagawan. “Ano na naman ang nangyayari sa iyo, Ruby? Sumasakit na naman ba sikmura mo kagaya noong bago ka mahimatay?” mabilis na usisa ni Rian sa kanya para agad siyang matulungan ng mga ito. Tumakbo sila Luis at Lian patungo sa direksyon kung saan ginamit ni Rian ang kanyang abilidad at agad din nilang tinanong at tiningnan kung kumusta ang kondisyon ni Ruby, dahil ayaw na nilang maulit pa ang kanilang pinagdaanan kamakailan lang. “Ruby? Ano nangyari?” usisa rin ni Luis sa kanya kaya umayos na ng pagkakatayo si Ruby para hindi na sila gaanong mag-alala pa sa kanya. “Sabihin mo na kaagad kung saan mo nararam

