Chapter 51

1036 Words

Kinakabahan man si Ruby nang makabalik na sila sa kanilang paaralan ay nagawa pa rin niyang magmasid sa kanyang paligid. Ang kanyang kapaligiran ay napalilibutan na ng mga estudyanteng mukhang nakahanda na para sa isasagawang elimination. Mayroon pa rin namang mga nagsasanay ng kanilang mga abilidad at mayroon din sa kanila ang mga mistulang walang pakialam sa gaganapin na elimination, na para bang napipilitan lang sila upang manatili roon sa Majikaru High. Iniintindi niya ang kanyang sariling kapasidad kung talaga bang kakayanin na niyang makipaglaban sa ibang mga Mirage nang hindi naman kinakailangan maging seryoso, dahil nga hindi naman iyon totoong laban at sadyang nilikha lang para sa kapakanan ng kanilang paaralan. Sa pamamagitan ng elimination na gagawin nila ay magkakaroon ng kaala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD