Hindi nagawang tapusin ni Draxo ang kanyang sasabihin nang bigla na lamang umatake ang lalaking niluwa ng lupa mula sa itaas. “Terrakinesis,” diretsahang bigkas ng lalaking papalapit nang papalapit sa direksyon nila Luis at ng dragon. Dali-daling umangat ang lupang kanilang tinatapakan at pumorma itong hugis ng parang isang kweba. Nanlaki ang mga mata ni Luis nang makita niya iyon. “Sinasabi ko na nga ba, kasabwat ka rito eh,” komento ng lalaki na may halong pagdududa pa rin sa kanyang pananalita. Dumiretso ang malaking hugis ng kweba patungo sa pwesto ni Luis. “Ang aga-aga ko naman yatang matalo? Ni hindi ko pa nga nalalaman kung sino ang kalaban ko,” sabi pa niya nang iilang metro na lamang ang layo ng lupang kuweba na iyon mula sa kanyang ulohan. “Ewan ko sa ‘yo, Luis. Napakahirap mon

