Hindi inaakala nila Draxo at Luis ang gagawin ng lalaki sa dragon kaya’t tunay ang kanilang pagkabigla ng makita nila ang pangongoryente sa buong katawan ng dragon. Ang kulay asul na may halong kulay puti ay patuloy sa pagdaloy sa katawan ng dragon na siyang nakakapagpangisay kay Draxo, halos gustuhin na lang niyang bumagsak sa lupa pero hindi naman niya magawa dahil gumagana pa rin naman ang mga pakpak niya. “G-G-Gusto mo bang… ma-disqualify?” naiiritang tanong ni Draxo pagkatapos magkaroon ng epekto sa kanya ang paggamit ng Electrokinesis ng lalaki. “Hahaha, ikaw ang naghahanap sa akin, ano ba ang gusto mong mangyari? Nandito na nga ako sa harapan mo ngayon, tapos may gana ka pa rin magreklamo? Sino ka ba?” pabalang na wika ng lalaking iyon na hanggang sa pagkakataong ito ay hindi pa ri

