Mula sa ‘di kalayuan ay namataan ni Lian ang isang anino ng matangkad at payat na lalaki kaya’t kinutuban agad siya na maaaring si Luis na iyon. Tumakbo nang tumakbo si Lian hanggang sa rumagasa na ang pawis niya sa buong katawan ay hindi pa rin niya naaabot si Luis maski ang anino man lang nito. Tila ba’y napakalayo pa ng kinakailangan niyang takbuhin para lang mahawakan niya ito. “Ano ang gingagawa mo rito, Lian?” tanong ni Luis na narinig ni Lian sa buong lugar dahil naglikha iyon ng echo habang patuloy pa rin siya sa kanyang pag-abante patungo sa kaibigan niya. Puno ng pangamba ang tinig ni Luis na tila ba’y hindi niya gustong makita si Lian na naroroon at kulang na lang ay ibalibag niya si Lian paalis para lang itaboy nang tuluyan. “Bakit ka pumasok sa isipan ko?! Si Ruby… Bakit mo in

