Ang pagkakahampas ni Rian sa kadenang iyon ay walang dudang tumama nga sa iilang parte ng malaking ulo ni Sammuel pero agad din naman iyong bumalik kay Rian dahil tumalbog lang iyon doon, kaya siya pa ang muntikan na maulanan ng dugo na manggagaling sa kanyang mga sugat kung nagkataon. “Lumaban ka ng patas, Sammuel! Huwag kang magtago riyan sa katawan ng kaibigan namin, masyado ka na bang naduduwag ha? Boost! Boost!! Boost!!!” Ulit-ulit niyang ginamit ang kapangyarihan niyang maging mas mabilis pa sa kidlat ang sarili niyang kilos kaya kung saan-saan na tumatama ang dala-dala niyang kadena pero hindi pa rin iyon tumatama nang maayos sa higante. “Kung hindi dahil sa iyo… Kung hindi dahil sa kayabangan mo pagdating diyan sa kapangyarihan mo..! Haaa!!!!” Sumugod si Rian mula sa likuran ni Sam

