Sumakit ang ulo ni Ruby nang marinig ang pangalan ni Sammuel. Sa gitna ng p*******t niyon ay bumalik sa alaala niya ang panahon kung saan kasama niya si Sammuel sa paaralan nila sa mundo ng mga tao, ngunit napakalabo ng mga iyon kaya hindi rin naman niya gaano maaninag ang itsura ng nakakausap niya at kung siya ba talaga ang nakikita niya sa kanyang isipan. Hinawakan ni Ruby ng pagkahigpit ang parte ng kanyang ulo kung saan iyon sumasakit. "Igniti—" Napigilan siya ni Rian sa balak niyang sindihan ng apoy ang kanyang ulo. "Nahihibang ka na ba agad?! Ni hindi mo pa nga nakikita nang malapitan si Sammuel pero nagkakaganyan ka na!" Bulyaw ni Rian kay Ruby, hindi siya makapaniwalang wala pa ngang ginagawang aksyon laban sa kanya ang higante ay nawawala na agad siya sa huwisyo. "Ano, masasagot

