Hindi nakapagsalita si Ruby pagkatapos ng ibintang sa kanya ni Rian. May halong katotohanan ang pinarating ni Rian kaya’t hindi rin naman niya magawang itanggi pa iyon dahil alam din niyang mas lalo lang iinit ang ulo ni Rian sa oras na kontrahin niya pa ito. Tinalikuran na lang niya si Rian tsaka humarap sa direksyon kung nasaan naroroon si Sammuel. Lumunok siya ng ilang beses matapos makita ang higante at hindi pa dumaraan ang isang minuto ay nagsimula na si Ruby sa pagtakbo niya patungo sa kinaroroonan ng nilalang na iyon. Bagaman ang isipan niya at pati na mismo ang kanyang utak ay kumikirot, walang humpay pa rin siya sa pagiging matulin niya sa pagsugod palapit doon. Breathing in as much air as she could, inumpisahan na niyang mag-isip ng isang imahe ng mas malaking apoy, nagbabaka sa

