Lingon doon, lingon dito at kung saan-saan pa lumingon si Lian sa kanyang paligid nang makapasok na nga siya nang tuluyan sa isipan ng higanteng si Sammuel, na inakala niya ay si Luis pa rin kaya't ngayon lang siya nagtagumpay sa pagpapagana ng kapangyarihan niya. Hindi katulad ng kay Ruby, ang laman ng isipan ni Luis ay napakalinis at napakaputi. Nang dahil doon ay hindi naging mahirap para kay Lian na magpatuloy sa kanyang paglalakbay roon at mas madali na niyang nakikita ang kahit na ano pa man sa kapaligiran. Kahit pa nakalimutan na ni Lian ang buong nangyari noong niligtas niya si Ruby ay hindi maaalis sa kanyang isipan ang napakadilim na memorya ng kanilang kaibigan. Hindi pa natutuklasan ni Lian kung ano ang kondisyon para maunawaan ang depinisyon ng kulay na itim at puti na nasa is

