Ilang sandali pa ay umabante na si Lian papunta kay Sammuel pero hinawakan siya ni Rian sa braso. “Li, sigurado ka bang pangalan lang ang kailangan mong malaman? Paano kung hindi na naman gumana o baka maunahan ka niyang umatake bago mo matapos ang chant? Mapapahamak ka lang, Li. Hindi mo ba pwedeng gawin o subukan iyan mula sa malayong lugar?” napakabilis na tanong ni Rian sa kapatid niyang desidido na sa kanyang balak gawin. Pinisil ni Lian ang kamay ni Rian para mabawasan man lang ang pag-aalala niya rito. “Kung pwede, edi sana ay ganoon na lang ang ginawa ko. Kailangan ko pa rin ng tulong mo para mas mapadali ang plano natin,” aniya tsaka na niya hinatak si Rian paalis sa kanilang pinagtataguan. “Kakailanganin kita para istorbohin o agawin ang atensyon niyang nilalang na ‘yan na tinat

