Lingid sa kaalaman ng magkambal na sila Rian at Lian na nagsisimula na ang higanteng nilalang na hindi na nila mabakasan na iyon pa rin ang kanilang kaibigan sa kanyang paghihimagsik. Masyado na nilang napagtuunan ng pansin ang kanilang mga sarili. Inangat ni Luis ang kanyang mga kamay at mabilisan din itong ibinagsak sa magkabilang gilid ng magkapatid. Nang dahil doon ay gumuho ang lupa at ang lahat ng hangin na may kasamang mga kagamitan at dumi ay nagsipagliparan sa direksyon nila sa gitna. Inalalayan ni Rian si Lian na makatayo dahil kanina pa ito nakaluhod at namamanhid na ang kanyang mga binti. “S-Salamat, Ri…” Niyakap niya ang kambal niyang tumulong sa kanya at tsaka tinitigan ang nilalang na higit na mataas kaysa sa kanila. Kahit anong titig pa ang gawin niya kay Luis ay hindi niya

