Tila ba’y nakalimutan na ng magkambal ang tunay na problemang dapat nilang pinagtutuunan ng pansin. “Ako? Walang lakas ng loob? Ha!” Halos matawa na lang siya sa mga sinasabi nito dahil hindi makapaniwala si Rian sa sinabi sa kanya ng kapatid niya na para bang wala siyang nagawang mabuti para kay Lian. “Okay,” tipid niyang komento tsaka niya tinuro ang walang tigil sa pagbabagong anyo na si Luis. “Tutal, malakas naman ang loob mo. Edi sige, pumasok ka na lang doon sa isipan ng lalaking iyan! Bahala ka na sa buhay mo at wala na akong pakialam kung babalik ka pa ba o hindi!” sinigawan niya si Lian at hindi naman siya nagpatinag doon. Hindi na lingid sa kaalaman ni Lian na kahit ganoon ang mga pinaparating sa kanya ni Rian ay alam niyang kabaligtaran ang gusto niyang mangyari. Sa halip na wa

