CHAPTER 1

2719 Words
MANILA, Present Day     Nakakatukso ang bawat indayog ng mga kababaihang sumasayaw sa saliw ng mapang-akit na tugtugin sa entablado. Mga naggagandahang katawan na gumigiling sa loob ng isang bar sa bahagi ng Ermita sa Maynila. Ang mga malalambot na balakang ng mga kababaihan sa entablado ay lalong nagpapadagdag sa init na nararamdaman ng mga parokyanong naroroon. Ang nakakasulasok na amoy ng naghahalong pabango, pawis, alak, at mapanghing palikuran ay lalong nagpadagdag sa p*******t ng ulo ni Mr. Rodolfo Lee. Isang mayaman at maimpluwensyang negosyanteng Intsik dito sa Pilipinas si Mr. Lee. Kaibigan siya ng president ng bansa kaya madalas kapag nasasabit sa mga kaso, laging nadadawit ang pangulo. Marami kasing mga bulung-bulungan na leader ng malaking sindikato ng droga sa bansa ang matandang negosyante. Nasali rin ang kanyang pangalan sa mga kidnaping ng mga mayayamang Intsik sa bansa. Maraming nalusutang malalaking kasong kinasangkutan si Mr. Lee. Pero lagging nakakalusot dahil na rin sa pagiging malapit nito sa president.     Nakaupo ang negosyanteng Intsik sa may gitnang harapan ng entablado habang minamasahe nang isa sa mga staff ng bar ang kanyang sintido. Nang makitang nagsilabasan na ang magaganda at nagseseksihang mananayaw ay biglang nawala ang sakit na nararamdaman. Halos lumuwa ang singkit na mga mata ni Mr. Lee at napapasayaw pa sa bawat indak ng mahaharot na tugtuging sinasayaw ng mga belias sa entablado.     Titig na titig ang matabang negosyante sa mga kababaihang maalindog na nagsasayaw. Kani-kaniyang pagpapakitang-gilas ang mga ito sa mga manonood na kostumer lalong-lalo na sa mayamang negosyanteng tulad ni Mr. Lee. Halos tumulo ang laway sa nakangangang bibig ng negosyante lalo na nang lumapit at mapanuksong umupo ang isang babaeng walang saplot sa kanyang kandungan. Dahan-dahang iginiling-giling ng babae ang kanyang balakang bago ito tumayo at itinapat ang dibdib sa mukha ng matabang negosyante. Napahawak si Mr. Lee sa kanyang harapan na nagpagising sa kamunduang naglalaro na rin sa kanyang isipan. Basang-basa na ng pawis ang suot na pink na polo na paboritong gamitin sa mga business meetings.     Iginala ni Mr. Lee ang kanyang mga mata para hanapin ang manager ng bar. Kanina lang ay nakita niya itong may kausap na ibang kostumer sa kanyang likuran. Matagal nang suki sa naturang bar si Mr. Lee. Kilalang galante sa mga babae ang negosyante kaya gayon na lamang sa pagkandarapa ang mga mananayaw kapag bumibisita siya rito. Ang ilan sa mga ito ay isinasama niya at nagiging karelasyon sa maikling panahon. Ang iba naman ay binibigyan ng malaking halaga kapalit ng lahat ng hihilingin nito sa babaeng nagustuhan niya. Walang problema ang pera sa matandang negosyante. Basta nasiyahan sa serbisyo, kahit magkano ibibigay niya.     Dalawa sa personal na body guard ni Mr. Lee ang nakatayo isang metro ang layo sa sa kanyang likuran. Tulad ng kanilang amo, kanina pa nag-iinit ang dalawa sa mga eksenang nagaganap sa loob ng bar. Kapwa armado sila ng baril, at hindi nawawala sa tabi ng negosyante para sa kaligtasan nito. Hindi kagandahan ang ugali ng negosyanteng Intsik sa mga empleyado nito at madalas hindi tao ang turing sa kanila. Hindi rin ito nagbibigay ng tamang pasahod at benepisyo sa mga manggagawa, kaya tambak ang kaso sa DOLE. Para sa dalawang body guard ni Mr. Lee ay kailangan na muna nilang magtiis dahil na rin sa hirap ng buhay at kawalan ng trabahong mapapasukan.     Sinenyasan ni Mr. Lee ang dalawang personal na body guard. Nagkatinginan ang dalawa at nagtuturuan kung sino sa kanila ang lalapit sa amo. Minabuti nilang mag-jack-and-poy para kung sino ang matalo ay siyang pupunta sa kanilang amo. Tatlong ulit na natalo ang mas bata sa dalawa na si Roberto Ramirez o Bert. Kaagad siyang lumapit sa kanyang amo at binulungan siya nito. Pagkatapos ay kaagad na umalis ang body guard na parang may hinahanap sa loob ng bar.     Muli ay ibinalik ni Mr. Lee ang atensiyon sa mga kababaihang nagsasayaw sa gitna ng entablado upang makapili na rin sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Halos lahat sa mga kababaihan ay magaganda, bata, at mapang-akit ang mga galaw kaya't hindi nya alam kung sino ang pipiliin. Natuon ang pansin ni Mr. Lee sa isang babaeng kakaiba ang mga mapanuksong galaw at ang mga titig nito na parang tumatagos sa kanyang kaluluwa. Ang maganda at napaka-among mukha nito ay tila tumatatak sa kanyang isipan. Ang magandang hubog ng katawan ng babae ay lalong nagpapatakam sa kanyang pagkagutom sa makamundong pagnanasa. Sinundan niya ng tingin ang babaeng nagustuhan, na tumitig din sa kanya.     Lalong nagpasidhi sa pagkagutom sa laman ng negosyanteng Intsik nang makitang unti-unting lumalapit sa kanya ang babaeng nagustuhan. Pinagpawisan nang husto si Mr. Lee nang makaharap na ang babaeng umagaw sa kanyang atensiyon. Titig na titig sa kanyang mga mata ang mananayaw at nginitian siya nito. Makailang ulit na iginiling ng magandang babae ang balakang sa harapan niya at hinawakan siya sa mukha. Dahan-dahan ay tumalikod ang magandang mananayaw sa kanya habang inaalis ang natitirang saplot na suot nito. Muling iginiling ang balakang ng babae at dahan-dahang ikiniskis ang likuran nito sa napakalaking tiyan ni Mr. Lee. Nanlalaki ang mga mata ng matandang negosyante sa mga ginagawa ng mananayaw sa kanya. Pakiramdam ni Mr. Lee ay mababaliw na siya sa nararamdamang pagnanasa para sa babaeng patuloy na gumigiling sa kanyang harapan.     "Whoah! I like that baby! Give me some more! Come on, show some more!" Ang malakas na sigaw ni Mr. Lee at sabay hawak sa bewang ng babaeng nagsasayaw.     Animo'y hinete ng kabayo ang matandang Intsik na pinapalo-palo pa ang balakang ng babae habang maalindog na gumigiling sa kanya. Inilapit ng babae ang mukha sa kaliwang tenga ng negosyante at kinagat-kagat niya iyon dahilan para lalong sumidhi ang pagnanasa ni Mr. Lee sa kanya.     "Oh gosh... F*ck! F*ck! F*ck!" Ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Mr. Lee habang nakikiliti ito sa ginagawa sa kanya ng babaeng mananayaw.     "You want some more skin, baby?" Ang bulong ng babae sa kanya habang nilaro-laro ng kanyang dila ang tenga ni Mr. Lee.     Hindi na makontrol ng negosyanteng Intsik ang kiliting nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Kaya nakipagsabayan na rin ito sa ginagawa sa kanya ng mananayaw.     "Yeah! Baby give me more skin, and I'll give you what you want." Ang halos mawalan ng ulirat na sabi ng negosyante dahil sa sobrang pagkasabik na maangkin na ang babaeng mananayaw.     Ipinasok ng babae ang kanyang daliri sa bibig ni Mr. Lee. Umupo ito sa kandungan ng matandang intsikat muling inilapit ang kanyang mukha sa namumula nitong tenga.     "Then come and get me..." Ang mapanuksong bulong nito sa kanya.     Tumayo ang babae at unti-unti nang bumalik sa may entablado. Lumingon ito kay Mr. Lee habang nilaro-laro ng kanyang dila ang mapupula nitong mga labi. Kinindatan niya ang negosyante at binigyan pa ng flying kiss bago tuluyang bumalik sa entablado ang babae.     "Boss, baka naman?" ang malakas na sabi ni Randy Evaristo, ang isa sa kanyang bodyguard habang nakatakip ang kamay nito kanyang harapan. Tumingin sa kanya si Mr. Lee na namumula na ang malaking pisngi sa pangigigil.     "Aw, Shut up! You! Go back to work!" Ang sigaw nito kay Randy at kaagad na ibinalik ang atensiyon sa mga nagsasayawang mga kababaihan sa entablado.     Tila binuhusan ng malamig na tubig si Randy sa pagkapahiya mula sa matandang Intsik.  Mabilis na bumalik sa kanyang puwesto ang binata at nakasimangot na itinuon ang mga mata sa mga sumasayaw.     "Pabebeng pig!" Ang sambit niya Hindi siya narinig ni Mr. Lee dahil na rin sa malakas na tunog ng musika sa entablado at nakasentro ang atensyon nito sa pagpili ng mga babaeng makakasama.     Lumapit kay Mr. Lee ang matangkad at may kapayatang manager ng bar at kaagad na nagkamayan ang dalawa. Seryosong nakikipag-usap ang manager sa negosyante na punong-puno ng ngiti ang mukha, na kanina lamang ay idinadaing ang p*******t ng ulo. Tumango-tango lamang si Mr. Lee na puno ng ngiti ang matabang pisngi, habang kausap ang Manager ng bar.     Tumayo si Mr. Lee at nagsimulang maglakad sa isang maliit na pasilyo sa gawing kaliwa ng entablado. Sumunod naman sa kanya ang manager at dalawang bodyguard na sina Bert at Randy. Pumasok sila sa isang pasilyo patungo sa isang sikretong pinto na nakukublihan ng isang antigong cabinet. Itunulak ito ng manager pakaliwa at bumungad kaagad ang isa pang pasilyo na kung saan naroroon ang kanilang mga VIP rooms. Ang bahaging ito ng bar ay pribado na para lamang sa mga mayayamang kostumer na katulad ni Mr. Lee.     Maluwang at tahimik ang lugar sa loob ng VIP room. Napakabango at hindi mo iisiping bahagi ito ng isang bar. Sa hitsura nito ay aakalain mong nasa loob ka nang isang mamahaling hotel. Walang ibang tao ang naroroon sa loob ng VIP room maliban lamang sa kanila. Katulad ng dati ay magbabayad ng mahal ang matabang Intsik para lamang sa complete privacy ng silid.     Mamahalin ang mga kagamitaan sa VIP room. Mga muwebles na tila iilan pa lamang ang nakakagamit na kostumer. Maluwang ang banyo nito na may sariling Jacuzzi at walking closet. Mayroon din itong private bar na pinakapaboritong lugar ni Mr. Lee sa VIP room. Hindi rin basta-basta ang brand ng mga alak na nakadisplay sa pasamano ng private bar. Makulimlim ang mga ilaw at nakakadagdag sa kagandahan nang lugar ang mga naglalakihang mga paintings nina Amorsolo at Luna na nakasabit sa mga dingding ng silid. Mula sa pinaka sala ay tumutugtog ang klasikong musika ni Beethoven na "Moonlight Sonata" na lalong nagbibigay misteryo sa ganda ng kwarto. Sa gawing kaliwa naman ay naroroon ang napakalambot na king size bed, na maayos na lapat na lapat ang pagkakalagay ng mga mamahaling kobrekama.     Madalas ay maririnig na nagtatawanan sina Mr. Lee at ng manager ng bar habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga babae. Magkasundong-magkasundo ang dalawa na animo’y matagal ng malapit na magkaibigan.     "As always sir, the best that we can offer to our customers like you, Mr. Lee." ang nagmamayabang na sabi ng Manager kay Mr. Lee.     "Indeed, Mr. Cruz, kaya nga binabalik-balikan ko ang lugar ninyo, alam kong mag-eenjoy ako dito." Ang nakangiting sagot ni Mr. Lee sa manager at sabay tapik sa balikat nito. "Now, if you excused me Mr. Cruz, I am a very busy man and you know that, don't you?" Ang saad nito sa Manager. Nakangising tumango naman si Mr. Cruz sa nanggigigil na matandang negosyante.     "So where are the girls?" ang halos pasigaw na tanong ni Mr. Lee kay Mr. Cruz na nanggigigil na sa pananabik sa mga piniling babae.     "Pasensya na po sir. Sandali lang po at naririyan na sila." Sabay kuha sa cellphone at pumindot ng makailang beses saka inilagay ito sa kanyang tenga. Tumingin siya sa negosyante. "Excuse me sir." At bahagyang naglakad papunta sa may pintuan.     Marahang pinagmamasdan ni Mr. Lee ang kabuuan ng VIP room. Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang huling pumunta siya rito. Naalala pa niya ang mga pangyayari sa loob ng silid na iyon nang huli siyang bumisita. Naalala pa ang dalawang babae na kanyang kinuha na sina Cassandra at Nathalia. Hinding-hindi niya makalimutan si Nathalia na naging kabit niya sa loob ng isang buwan. Nagkunwaring nabuntis niya ito para magkaroon ng mana ang magiging anak nila sa kanyang mga ari-arian. Pero nalaman ni Mr. Lee na ang ama ng ipinagbubuntis niya ay hindi pala sa kanya. Ang ex-boyfriend ng babaeng bayaran ang tunay na ama ng ipinagbubuntis nito. Patuloy pa rin kasi ang relasyon  ng dalawa kahit na kabit na siya ni Mr. Lee. Noong araw ding iyon ay naglaho na lamang na parang bula si Nathalia kasama ang kanyang ex-boyfriend. Natigil ang mga alaala ni Mr. Lee ng marinig niyang muli si Mr. Cruz. "    Sir, here are the girls, they're all yours now to enjoy, sir!" Ang malakas na wika ng manager, sabay turo sa nakabukas na pintuan.     Dahan-dahang pumasok mula sa pintuan ang dalawang magagandang babae na nakasuot lamang ng kapirasong tela na tumatakip sa maselang parte ng kanilang katawan. Nakangiting naghihintay si Mr. Lee habang papalapit ang mga babae sa kanya. Pero biglang nawala ang ngiting iyon nang mapansing wala roon ang babaeng may maamo ang mukha. Kumunot ang mga kilay nang negosyante at tinignan ng masama ang manager.     "Mr. Cruz, nasaan yung isa sa kanila?" Ang medyo naiinis na tanong niya sa manager.     "Sir, di po ba ang sabi po ninyo yung dalawang sumayaw sa harapan niyo? Yan po sila." Ang sagot ni Mr. Cruz.     "No! What I mean is, yung babaeng maamo ang mukha, yung ikalawang sumayaw sa harapan ko." Ang pasigaw na sabi ni Mr. Lee.     "Sir, Siya nga po yan si Trish, yung pangalawang lumapit at sumayaw sa harapan ninyo." Ang pamimilit na sabi ng manager na lalong nagpa-init sa ulo ng negosyanteng Intsik.     "No, she's not the one I saw dancing in front of me on that stage!" ang matigas na sabi ni Mr. Lee.     "But sir..."     "No buts, I need her and I want her right now!" Ang pasigaw na sabi ni Mr. Lee. Napayuko si Mr. Cruz nang marinig ang nagagalit ng negosyante sa kanya.     "I'm so sorry sir, sige po. Pasensya na po sir baka nagkamali lang sa pagtawag kay Trish. Ipapahanap ko po siya sa bar." Ang mahinahong sagot ng manager.     "I want her now!" Ang pasigaw na utos ni Mr. Lee sa manager. Mabilis na kinuha ni Mr. Cruz ang kanyang cellphone at lumabas ng VIP room.     Dahan-dahang lumapit kay Mr. Lee si Trish. Natatakpan ng kanyang mahaba at kulot na buhok ang kanyang dibdib at maganda ang hubog ng katawan. Mapula ang kanyang mga labi na may mapupungay na mga mata na tila nang-aakit sa kanya. Hinawakan niya ang dibdib ng negosyante at kagat-labi itong tumingin sa mukha ng limampung taong gulang na negosyanteng Intsik.     "Ayaw mo ba sa akin, pogi?" Ang mapangahas nitong tanong sa negosyante habang dahan-dahang bumababa ang kanyang kamay papunta sa mga butones ng polo ng negosyante.     Pinagpawisan ng husto si Mr. Lee lalo na nang maamoy  ang kakaibang halimuyak ni Trish. Mapanukso ang bawat ngiti ni Trish sa kanya habang isa-isa nitong inaalis ang butones ang suot na polo ng negosyanteng Intsik.     "Wa-wala a-kong sinabi na ayaw ko sa'yo." Ang nauutal na wika ni Mr. Lee habang nakatitig kay Trish. Lumapit na rin ang isa pang babae sa kanya at nagsimulang mapalunok dahil sa kakaibang alindog at bango rin nito.     "Kung ganon, bakit may hinahanap ka pang iba?" Ang tanong uli ni Trish sa namumulang si Mr. Lee.     Hindi na makasagot ang negosyanteng Intsik kay Trish at natuon ang kanyang pansin sa dalawa niyang bodyguard na kanina pa titig na titig sa dalawang babae. Sinenyasan ni Mr. Lee ang dalawa para lumabas na sa VIP room, pero hindi siya napansin ng dalawa.     "Kaming bahala sa'yo pogi, aaswangin ka namin ni Trish dahil kakainin ka namin ngayong gabi." Ang wika ni Chelsea, ang ikalawang babae sa loob ng silid. Maganda rin ang hubog ng katawan at makinis ang mamula-mulang balat nito. Hawig siya kay Trish pagdating sa hitsura.     "Woah! I like that baby!" Ang sabi niya at saka humalakhak ng malakas. "Tara na, aswangin na ninyo ako, dali!" Dagdag pa ng sabik na sabik at nanggigigil na si Mr. Lee. Sa mga oras na iyon ay nakalimutan na nang negosyante ang babaeng ipinapahanap niya sa manager.     Nagkatinginan sina Trish at Chelsea at saka nag-iwan ng makahulugang ngiti sa isa’t-isa. Itinuon nila ang kanilang mapanuksong mga mata sa dalawang body guard ng matandang negosyante na naroroon pa rin at nakapako ang mga mata kina Trish at Chelsea.     Napakagat labi naman sina Randy at Bert nang makitang nakatitig ang dalawang naggagandahang babae sa kanila. Hindi maikubli sa kanilang mga mukha ang inggit sa kanilang amo na nagagawa ang lahat nang gusto nito dahil maraming pera.     "It's time for both of you to work now! What are you waiting for? Go outside and guard that damn old door! I am now with my angels!" Ang malakas na bulyaw ni Mr. Lee sa dalawang personal na bodyguard at sabay halik sa mga pisngi ng dalawang babae.     Mabilis namang lumabas sina Randy at Bert sa VIP room na nagkakamot ng kanilang mga ulo dahil na rin sa pagkadismaya sa kanilang amo.     "See you later guys!" Ang tila nanunuksong sabi ni Trish sa dalawa habang mabilis na papalabas ng VIP room ang mga ito. Nag-iwan ng misteryosong ngiti si Chelsea kina Randy at Bert nang lumingon ang dalawa sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD