CHAPTER 2

3169 Words
     Mainit-init ang tubig na lumalabas mula sa Jacuzzi na nagbibigay ginhawa sa pagod na katawan ng negosyanteng Intsik na si Mr. Rodolfo Lee. Ang makapal na usok mula sa tabako ay tila mga lason na ulap na bumalot sa loob ng VIP room. Abalang-abala naman ang dalawang babae sa kanilang ginagawa sa pagpapaligaya sa mayamang matabang Intsik.     "Ohh that's it baby, yeah baby, yeah!" Ang napapangiwi sa sarap na si Mr. Lee habang sarap na sarap sa ginagawang pagpapaligaya ni Trish sa kanya.     "Do you like it?" Ang mapanuksong tanong ni Trish habang tila nagdedeliryo sa sarap ang negosyanteng Intsik sa kanyang ginagawa.     "Yeah baby, you are super f*cking good." Ang nanggigigil na tugon ng negosyante na halos tumirik ang mga mata sa sarap na nararamdaman.     Maya-maya ay pumaimbabaw na si Trish sa negosyante. Parang isang hinete ng kabayo na nakikipagkarerahan ang babae saginagawang pag-indayog nito sa matabang negosyante. Sa bigat na dalawang-daan at limampu’t-pitong kilo, ay hirap nang maglakad at hinihingal kaagad si Mr. Lee, kahit malapit lamang ang nilalakad. Makailang ulit na rin siyang nagkaroon ng mild stroke sa loob lamang ng isang taon.  Kaya pinag-iingat na siya ng kanyang doctor na iwasan na ang labis na pagpapagod at kumain ng matatabang pagkain. Pero, matigas ang ulo ni Mr. Lee. Kung ano ang bawal, ito ang gustong-gusto niyang gawin. Sabi niya, maikli lang ang buhay ng tao. Kaya hangga’t nabubuhay gawin na ang kailangang gawin, kainin na ang dapat na kainin. Hindi mo nga nga naman ito magagawa pa o matitikman kapag malamig na bangkay ka na.     Magkahalong sakit at sarap ang nararamdaman ni Mr. Lee. Sakit na hindi niya maipaliwanag at sarap na parang ayaw na niyang matapos pa. Pakiramdam niya ay parang idinuduyan siya sa kaligayahan na siguradong hahanap-hanapin na naman niya. Hanggang nakaramdaman siya ng biglang pagkahilo. Ang kanina'y magkahalong sakit at sarap ay puro sakit na lamang ang nangingibabaw sa kanyang nararamdaman. Napansin ding umiikot na ang paningin kaya't minabuti niyang umahon na muna mula sa Jacuzzi para makainom ng gamot at magpahinga.  Laking takot niya nang hindi siya makatayo at maramdamang namamanhid ang dalawang paa. Sa sobrang laki ng tiyan ay hindi na niya makita ang mga namamanhid na paa.      Biglang nakaramdam ng sobrang pagod at pagka-antok si Mr. Lee na pilit na niyang nilalabanan. Nakakaramdam siya ng labis na panghihina sa kanyang katawan. Maya-maya ay nahihirapan na siyang huminga at nagsimula na ring mamanhid ang mga kalamnan sa buo niyang katawan. Biglang naglaro sa kanyang isipan ang takot na baka inaatake na siya sa puso gaya ng paalala ng doktor nang huling nagpakunsulta siya. Hindi nakinig si Mr. Lee sa payo ng kanyang doktor na magpahinga na muna sa trabaho, pero tulad ng dati ay binalewala lamang ito.     Pinilit niyang magsalita at igalaw ang kanyang ulo upang humingi ng tulong sa dalawang babaeng kasama niya sa silid. Tahimik sa loob ng silid at parang siya na lamang ang mag-isa ang naroroon. Naisip niya na baka umalis na ang dalawang babaeng kasama sa kuwarto. Ngunit wala siyang maalala na nakitang umalis ang dalawa. Sumagi rin sa isip niya na baka nakatulog siya at hindi na ginising ng dalawang babae sa kanilang pag-alis.Pero wala ding maalala si Mr. Lee na nakatulog habang pinapaligaya siya nina Trish at Chelsea. Kung nakatulog man ay gaano ba ang kanyang pagkaka-idlip para hindi mapansin ang pag-alis ng dalawang babae? Maaaring nasa loob pa rin ng kuwarto ang dalawa at nakatulog na rin sa sobrang pagod.     “Hung…huuuh..” Ang tanging lumalabas sa bibig ni Mr. Lee para makahingi sana ng tulong kung naroroon pa rin sa loob sina Trish at Chelsea. Biglang nakaramdam na naman ng matinding pagkapagod ang lalaking negosyante. Parang dinadaganan ang dibdib ng napakabigat na bagay na lalong nagpapahirap sa kanyang paghinga. Pilit na hinahabol ni Mr. Lee ang kanyang paghinga at nagsisimula na ring dumilim ang kanyang paningin. Pinipilit niyang tumayo mula sa Jacuzzi pero wala na siyang lakas para gawin tumayo. Napako ang paningin niya sa mapulang tubig sa Jacuzzi at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Ang pulang kulay ng tubig ay dugo, hindi siya puwedeng magkamali dahil amoy na amoy niya ito. Ang amoy ng dugo na nakasanayan na niya kapag may inililigpit siyang kaaway sa negosyo. Dugo na bumabalot ngayon sa kanyang katawan. Ngunit kaninong dugo?     Nagsimulang bumalot ang takot kay Mr. Lee nang makita ang isa sa mga babaeng kasama niya ang biglang tumayo sa kanyang paanan. Nababalutan ng sariwang dugo ang bibig ni Trish na sarap na sarap habang nilalasaan ang dugo sa mga labi nito. Tumingin sa kanya ang babae na nanlilisik ang pulang mga mata. Gamit ang maitim at mahabang dila, tila sarap na sarap nitong dinidilaan ang paligid ng bibig habang nakatitig ito kay Mr. Lee. Lumapit ang babae sa negosyante at inamoy-amoy nito ang halos atakihin na sa pusong negosyante. Sinubukang sumigaw ni Mr. Lee para tawagin ang dalawang bodyguard, pero, wala ng boses ang lumalabas sa nanunuyo nitong lalamunan.     "Hmm... you're so delicious Mr. Lee." Ang takam na takam na wika ng babae habang dinidilaan ang leeg ng matandang Intsik. Gustong magmakaawa ng negosyante sa kanya na huwag siyang patayin, ngunit pautal-utal na lamang ang kanyang pagsasalita at hindi siya pinansin ng babaeng aswang.     "Hmm... Yummy..." Ang sarap na sarap na sabi naman ni Chelsea, ang ikalawa sa babaeng kasama niya sa silid.     Dahan-dahang ibinuka ni Chelsea ang kanyang bibig at unti-unting nagsisihabaan ang tila napakaraming karayom na ngipin sa bibig nito. Parang mabangis na hayop na sinakmal ang kaliwang leeg ni Mr. Lee at buong ganid na sinipsip muna ang natititra pang dugo nito sa katawan. Halos lumuwa naman ang mga mata ng kawawang negosyante sa ginagawa sa kanya ng dalawang aswang. Nagsimulang kinumbulsiyon ang malaking katawan ng negosyanteng Intsik. Nagsitalsikan ang mapulang tubig sa Jacuzzi dahilan upang tumayo si Trisha at sumali kay Chelsea sa pagsipsip ng dugo sa leeg ni Mr. Lee. Tumayo naman si Chelsea at umupo sa matatabang hita ng matandang negosyante para pigilan ito sa pangungumbulsyon.  Gamit ang matalim na kuko sa hinlalaki, dahan-dahang hiniwa ni Chelsea ang malaking tiyan ng negosyante na sa mga sandaling iyon ay naghihingalo na. Parang gutom na mababangis na hayop na pinagsaluhang nilapa nina Trisha at Chelsea ang katawan ni Mr. Lee.     Mag-iisang oras na ring naghihintay ang dalawang bodyguard na sina Randy at Bert sa labas ng VIP room. Nakakailang piraso na rin ng sigarilyo ang kanilang nauubos. Kanina pa naiinggit si Randy sa amo, kaya gayon na lamang ang inis nito sa among Intsik. Kung sabagay body guard lamang sila ng kanilang amo, kaya wala siyang karapatan para magalit ito sa kanya. Mas mabuti nang may trabaho kaysa wala dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon.     "Mukhang di mo na kaya yang init ng katawan mo 'tol?" Ang pabirong tanong ni Bert sa kanya. "Tila di ka na makapaghintay ha?" Ang dagdag pa nito.     "Gago.” Ang natatawang tugon ni Randy. “Nasigawan pa ako kanina nang sabihin ko sa kanya na... alam mo na." Sagot ni Randy habang hinihitit ang sigarilyo.     "Masyado rin kasing mahilig yang matandang Intsik na yan eh." Sabi ni Bert na tatawa-tawa.     "Tama, para ngang mauubusan eh, tatatlong babae pala ang kinuha, kaso nga lang di sumipot yung isa." Sabay buga sa usok ng sigarilyo. "Sayang type ko pa man din yong pangatlo."     "Di ba siya yung pinahahanap ni Mr. Lee dun sa Manager kanina?" Ang tanong ni Bert.     "Oo, siya nga." Ang tugon ni Randy, sabay pitik sa upos na sigarilyo sa kanyang kamay.     "Sayang, hindi ko siya nakita kaninang pinatawag sa akin ni Mr. Lee ang manager. Maganda nga siguro yun eh nakita ko kung paano magalit ang amo natin nang di makita sa mga pinapasok na babae sa VIP room." Sumandal si Bert sa pintuan at sabay sipsip sa kanyang sigarilyo.     "Sayang nga eh... tsk! Mukhang mauunsyami ang gabi natin nito 'tol." Ang napailing na sabi ni Randy.     "Bakit naman?" Ang usisa ni Bert.     "Eh ayaw nga niya eh. Magtrabaho daw tayo dapat sabi niya kanina. Buwisit na matandang yan, gahaman sa babae. Paano pa kaya niya nagagawang makipagsex sa sobrang laki ng tiyan at sobrang katabaan niya ayt aatakihin na yan sa puso? At ang pinakamahirap baka kapag nadaganan niya yung babae eh, magkandalasog-lasog pa ang kawawang babae." Ang saad ni Randy. Biglang napahalakhak nang malakas ang dalawang body guard na ginawang katatawanan ang pagiging mataba ng kanilang amo.     "Shhh...baka marinig tayo." Ang natatawa pa ring wika ni Bert.     Muling napahalakhak ang dalawa pero kaagad namang napawi iyon ng panandaliang katahimikan sa pagitan nilang dalawa na tila napa-isip.     “Sabagay posible yun sa sobrang bigat ni Mr. Lee baka di na makahinga yung mga babae." Ang seryosong wika ni Bert. Pero hindi nito napigilang tumawa at napaso sa upos ng kanyang sigarilyo. Nabitawan niya ang sigarilyo na nagpahalakhak naman kay Randy. Tinapakan kaagad ni Bert ang nabitawang sigarilyo para patayin ang sindi nito.     Parehong nakamaong na pantalon at nakasuot ng puting T-shirt ang dalawa. Matangkad at matipuno si Randy samantalang katamtaman lamang si Bert, ngunit mas bata siya sa kanya. Namumutok ang mga kalamnan sa braso at dibdib ni Randy, balbas-sarado at mabuhok ang dibdib. Si Bert ay maputi higit na may hitsura kay Randy, chinito ang mga mata at malinis ang hitsura. Halos sabay silang nagtrabaho kay Mr. Lee at naging matalik na magkaibigan.     "Maiba pala ako, kailan uwi mo sa Baguio niyan 'tol?" Ang tanong ni Randy kay Bert na tila naiinip na sa kakahintay kay Mr. Lee.     "Baka sa makalawa pa siguro. Kailangan ko munang pumunta sa agency natin, aasikasuhin ko yung loan ko sa SSS. Alam mo na, malapit nang manganak si misis kailangan ng malaking gagastusin sa ceasarean, kaya magastos 'tol." Ang sagot ni Bert sa kaibigan. "Saka ninong ka pala sa panganay ko ha?  Kaya ngayon pa lang sinasabihan na kita." Ang pahabol na sabi ni Bert.     "Walang problema 'tol basta ikaw. Sabihan mo na lang ako uli kapag malapit na." Ang nakangiting tugon ni Randy sa kaibigan.     "Mag-asawa ka na kasi 'tol, hindi ka na bumabata alam mo naman na-"     "Aahhhhh!”     Isang nakapangingilabot na sigaw ng babae ang kanilang narinig sa may restroom ng bar. Nagkatinginan sina Randy at Bert sa narinig na malakas na sigaw at mabilis na tinungo ang lugar kung saan nila ito narinig. Nadatnan nilang nagkakagulo na sa loob ng restroom ang mga kababaihan na kanina'y abala sa pagsasayaw, pero ngayon ay takot na takot at umiiyak na tumatakbo papalabas ng comfort room. Ang ilan sa mga parokyanong naroroon ay unti-unting nakiki-usyoso papasok sa palikuran ng mga babae.     "Si Lily! Anon'ng nangyari kay Lily?!" ang sigaw ng isang babae na mabilis na pumasok sa CR at napasigaw nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng kasama.     "Lily! Sinong hayop ang gumawa nito sa’yo?!" Ang malakas na sigaw ng babae sa mga taong nakikiusyoso sa pangyayari. Pumasok din sa loob ang Manager ng bar na si Mr. Cruz at halos bumaligtad ang sikmura pagkakita kay Lily. Hindi niya nakayanang tingnan ang patay na katawan ng babae sa loob ng cubicle ng comfort room.     "Tumawag kayo ng pulis dali!" Ang muling sigaw ng manager ng bar.     Mabilis na pumasok sina Bert at Randy sa loob ng CR at di makapaniwala si Randy nang makita ang patay ng babae. Kanina lamang ay nagsasayaw ito sa harapan ng kanyang amo at ipinahanap sa manager ng bar. Ang babaeng parehong pumukaw sa kanilang paningin ni Mr. Lee na ngayon ay malamig na bangkay sa loob ng cubicle. Naliligo ito sa sariling dugo, wakwak ang tiyan hangang sa dibdib at nakalabas ang lahat ng lamang loob. Nakaramdam ng sobrang pagkaawa si Randy sa sinapit ng babae na ang pangalan pala ay Lily. Napayuko siya sa pagkadismaya sa nangyari sa kawawang babae.     Biglang kinutuban nang masama si Randy na maaaring nasa loob pa rin ng bar ang salarin. Sa tingin niya ay hindi pa roon natatapos ang pagkamatay ng babae at naroroon lamang ang killer para muling makapang-biktima. Tumingin si Randy kay Bert nang maalala ang kanilang amo.     "Si Mr. Lee?" Ang biglang nasambit ni Randy kay Bert.     Hindi na nagdalawang-isip pa ang dalawa at mabilis na tinungo ang VIP room para balikan si Mr. Lee. Mabilis na itinulak pakaliwa ni Bert ang antigong aparador at sinubukang katukin ang pinto.     "Mr. Lee?!" Ang may kalakasang tawag ni Randy sa amo kasabay ng malalakas na pagkatok nito sa pinto.     Nakisabay na rin si Bert sa kanyang kasama na ngayon ay nababalutan na rin ng kaba ang dibdib. Kahit na hindi mabuti ang pakikitungo ni Mr. Lee sa kanila ay kailangan pa ring gawin ng dalawa ang trabaho na protektahan ang negosyante dahil iyon ang sinumpaan nilang tungkulin. Pinasusuwelduhan naman sila ng tama ng matandang Intsik, di tulad sa iba nitong mga empleyado na di patas sa pasuweldo.     "Sir! Buksan niyo po ang pinto! Emergency lang po!" Ang malakas na sigaw pa rin ni Randy kasabay ng mga sunod-dunod na pagkabog nila ni Bert sa antigong pinto     Nananatiling wala pa ring tugon si Mr. Lee sa kanila pati na rin ang dalawang babaeng kasama nito sa loob ng VIP room. Kaya naisip nila na baka abala pa rin ang matanda sa dalawang babae. O baka nakatulog na ang tatlo sa sobrang pagod sa kanilang pakikipagtalik. Pero imposibleng hindi sila naririnig ng tatlo sa loob ng kuwarto dahil sa lakas ng ginagawang pagkabog nila sa pinto.     "Sir!" Ang muling tawag ni Bert na halos mamaos na ang boses.     Tumingin si Bert kay Randy na agad namang naintindihan ng kasama. Sabay silang humakbang paurong para bumwelo sa pagsipa sa lumang pintuhan ng silid.     "Isa... dalawa... tatlo!" Ang pagbilang na ginawa ni Randy at buong puwersa nilang sinipa ng sabay ang pinto. Dahilan para magiba ito at lumikha nang malakas na ingay pagbagsak nito sa konkretong sahig.     Sumalubong sa kanila ang malamig na hangin na nagmumula sa air-condition unit ng kuwarto. Kakaiba rin ang amoy na nagmumula sa loob ng silid. Nagkatinginan sina Randy at Bert na parehong kinakabahan kinakabahan. Agad silang pumasok sa makulimlim na VIP room at kaagad na tinungo ang Jacuzzi room. Halos bumaligtad ang kanilang sikmura nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng wala nngg buhay na si Mr. Lee. Tirik na tirik ang mga mata nito at kitang-kita sa mukha nito ang sobrang takot. Pinigilang masuka ni Bert sa lansa ng amoy ng dugo at lamang loob na nagmumula sa katawan ng kanilang amo. Nanlumo ang dalawang magkaibigan sa nakitang kalagayan ng negosyanteng si Mr. Lee.     Sabay nilang bimunot ang kanilang baril at mariing pinagmasdan ang kabuuan ng paligid. Wala roon ang dalawang babae na kasama ni Mr. Lee. Iginala ni Randy ang kanyang mga mata sa paligid para hanapin ang dalawang babae. Napansin niya ang mga patak ng sariwang dugo sa sahig papunta sa walking closet. Sinenyasan ni Randy ang kasama para samahan siyang sundan kung saan papunta ang mga bakas ng dugo. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ni Randy dahil na rin sa sobrang takot na nararamdaman. Sa tingin niy ay maaaring naroroon pa rin sa loob ng silid ang pumatay kay Mr. Lee. Posibleng patay na rin and dalawang babaeng mananayaw at itinago ang mga katawan nila sa loob ng comfort room ng silid.     Kung tutuusin ay hindi na nakapagtatakang makitang pinatay si Mr. Lee.Sa dami kasi ng mga ginawan niya ng kasalanan at kasamaan, hindi na nakapagtatakang marami rin ang gustong pumatay sa kanya. Maraming galit kay Mr. Lee. Pero sino kaya sa mga ito ang gumawa ng ganitong klaseng pagpatay? Parang hindi tao ang gumawa nito sa kanilang amo, pero anong kaugnayan naman ng pagpatay din kay Lily? Ilan lang yan sa mga katanungang naglalaro sa isip ni Randy habang sinisiyasat nila ni Bert ang VIP room.     Napansin ni Bert ang mga bakas ng paa na may bahid ng dugo sa makinis na sahig ng silid. Kaagad na kinalabit ni Bert si Randy at itinuro ito sa kanya. Mga bakas ng dugo na ang direksyon ay patungo sa walking closet ng kuwarto. Kapansin-pansin na sariwa pa ang dugo mula sa mga bakas ng paa na tila nagmamadaling tinungo nito ang bahging iyon ng silid nang marinig ang kanilang pagpasok sa VIP room.     Marahan ang mga pagkilos ng dalawang body guard. Mahigpit ang pagkakahawak nila sa .45 mm na revolver na baril habang sinusundan ang bakas ng mga paa. Halata ang kaba at takot sa nanginginig na pagkakahawak ni Bert sa kanyang baril. Nag-aalala siya sa kanyang asawang malapit ng manganak kung may mangyaring masama sa kanya.     Madilim ang daan papunta sa walking closet na maaaring naroroon ang salarin at ang dalawang babae. Sa tingin ni Randy ay ito na ang pinakamahabang lakarin na ginawa niya sa kanyang buhay. Tagaktak ng pawis ang kanyang noo kahit sobrang lamig ng air con sa loob ng silid. Hanggang sa marating nila ang madilim na bahagi ng silid papasok sa walking closet.  Kaagad na hinanap ni kinapa ni Randy ang switch ng ilaw, ngunit hindi niya iyon makita dahil na rin sa may kadiliman na ang lugar. Pawis na pawis namang nasa likuran niya si Bert dahil rin sa takot na nararamdaman. Ilang saglit lang ay nakapa na ni Randy ang switch ng ilaw at mabilis niya itong binuksan.     Unti-unti nagliwanag ang lugar at tumambad sa kanila ang napakaluwang na espasyo para sa mga damit at sapatos ng mayayamang kostumer. Maingat nilang sinimulang halughugin ang lugar ngunit tila bigla na lamang naglaho ang mga bakas ng dugo malapit sa dingding ng walking closet.     Ibinaba ni Bert ang kanyang baril ng masigurong walang tao sa loob. Nagkatinginan ang dalawa dahil tila naglaho na parang bula kung kanino man galing ang mga bakas ng paa. Halos hindi na humihinga sa kaba si Randy dahil masama ang kutob niya sa puwedeng mangyari sa kanila ng matalik niyang kaibigan. Kailangan alam nila kung ano ang susunod na gagawing hakbang para hanapin ang pumatay sa kanilang amo. Kinuha ni Bert ang dalang cellphone para tumawag sa himpilan ng pulisya upang ireport sana ang mga nangyayari sa loob ng bar, nang may maramdaman pumatak sa kanyang balikat. Kaagad na kinapa niya ang maiit-init at malapot na likidong pumatak sa kanyang balikat. Manginig-nginig na tinignan ni Bert ang mga daliri at halos lumundag ito sobrang takot nang makita ang sariwang dugo sa kamay. Nanginginig niya itong inilapit sa ilong para makasiguro kung dugo ang pumatak sa kanyang balikat.     "Dugo..." Ang mahinang sabi nito at hinawakan sa balikat si Randy.     Tumingin si Randy sa kanya at ipinakita nito ang dugo sa kanyang kamay. Biglang nakaramdaman ng matinding kaba ang dalawa at dahan-dahang tumingala sa kisame nang kuwarto. Mula roon ay nakita nila ang dalawang katawan ng hubad na babae, nanlilisik ang mga mata at naglalaway na nakatitig sa kanila. Napasigaw sina Bert at Randy nang biglang lumundag sa kanila ang dalawang babae mula sa kisame. Tanging mga putok na lamang ng mga baril ang umalingaw-ngaw sa loob ng VIP room. Sa labas ng bar ay kitang-kita ang ang pagdami ng mga nakikiusyosong tao na nakikibalita sa karumaldumal na pangyayari sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD