Savannah Claire POV:
" Masama ang timpla natin ngayon ah? May nangyari ba?" Nandito ako ngayon sa bar kasama ko si Lucho. Usapan kasi namin na dito kami magkita. " Bukas na bukas hindi na ako ang CEO ng Fortalejo group of companies. Dahil bukas na bukas din isa na akong yaya. Isang mayamang yaya na papasok sa kilalang tao na si Mathew Serbantes." Nagulat man si Lucho sa sinabi ko. Nakaintindi naman agad siya. "Paano ang trabaho mo bilang agent?" Alam niya na isa akong agent. Pero katulad ni Stephanie hindi niya rin alam na pumasok ako sa mafia world after kong pumasa sa training ng NBI. " Paano yan hindi na kita makabonding kung ganun?" Tumingin ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. " May day off ako Lucho, pwede tayo magkita kahit umagahin pa ako. Pumayag na akong maging yaya dahil malaki ang sahod. 500 thousand a month." Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. " Totoo? Bakit ganyan naman kalaki ang bayad?" Nanghinayang pa siya sa ibabayad sa akin ng Serbantes na yun. " Nanghinayang ka ba sa ibabayad sa akin?" Hindi naman siya kumibo at lumingon sa akin. " Bakit gusto mo pa pumasok na yaya sa mga Serbantes kung CEO ka naman sa sarili mong kompanya?" Hindi ko kasi masabi sa kanya na kailangan ko din bantayan ang bata para maprotektahan sa taong gahaman ng kapangyarihan na siyang pumatay din sa boyfriend ko. " Ahm, wala na kasing makita ang mga Serbantes, alam mo naman na hindi yun basta basta kukuha ng hindi kilala nila ang magrecommend." Tumango siya at nagsmile. Gwapo si Lucho pero kahit kailan hindi ako nahulog sa kanya. Para na rin kasing kuya ko na siya. " Mag ingat ka sa Serbantes house, balita ko matinik daw yan sa babae." Paalala naman niya sa akin. Tsaka ako nagsmile sa kanya.
' Samantala habang umiinom kami, may namataan ako. Si Roman ang ninong ni Mathew. " Dyan ka lang muna sa pwesto natin huh. Magbabanyo lang ako." Umupo na siya at umalis na rin ako para sundan si Roman. " Andito ako sa bar, pumunta kayo dito para kung may masamang mangyari maagapan agad. " Yan ang narinig ko habang kausap niya ang lalaki sa kabilang linya. Siguro tauhan niya ito. Dadaan ako kunyari pero hinawakan niya ako. " Miss, saan ka pupunta? Gusto mo samahan kita sa loob?" Napakamanyakis nitong taong ito. " Wag na po, kaya ko naman po, at saka hindi na rin ako bata para samahan sa loob. Kayo ba, bata pa ba kayo at nagpapatulong ka pa sa mga alagad mo para sagipin ka kapag may nangyari?" Dumilim ang kanyang mukha at nasaktan ako sa paghawak niya. " Walang hiya ka ta....." Hinawakan ko ang bibig niya at para hindi siya makasigaw habang pinaikot ko siya gamit ang kanyang jacket at sinipa ko siya papaunta sa loob ng cr. Doon ko nilublob ang mukha niya sa inuduro. " Magbabayad ka sa bandang huli sa mga kasalanan na nagawa mo sa mga pamilya na sinaktan mo. Hindi ka sisikatan ng araw at hindi na yun magtatagal pa. Ito tandaan mo Roman, ang balck butterfly na kinatatakutan mo ay alam ang pinaggagawa mo. Kitang kita niya kung papano mo intusan ang tauhan mo na patayin ang kumidnap sa anak ng negosyanteng Serbantes, ang pagpatay mo kay Noel Alejo, at marami pang iba." Tila nagulat siya sa nalaman ko. " Kilala ko si black butterfly, kaya wag kana magtaka kung bakit alam ko ang mga ginagawa mo. Tandaan mo ito, may mga taong nagbabantay sayo na inutusan ni black butterfly. Isang pagkakamali mo lang pupugutan ka ng ulo katulad ng pagpugot mo sa ulo ni Noel Alejo." Sinipa ko siya at binuhat ko siya at binagsak sa sahig. Saka ako lumabas ng cr. Pagdating ko sa inupuan namin ni Lucho may kasama na siyang babae. Ang bilis naman yata niyang makakakuha ng nilalang dito sa bar. Tinawagan ko siya at sinabing uuwi na ako at magkita nalang kami next time. " Okay, mag iingat ka huh? Better to message me if anything happen okay?" Ako pa talaga ang binilinan niya, samantalang siya dapat ang bilinan ko dahil sa mga babae na nakasama niya. " You too, Magkita tayo sa day off ko. Tomorrow I will start to work as nanny of Mathew's son Marcus." Binaba ko na ang tawag ko at nakita ko pang nakipaghalikan sa nakuhang babae. Mga lalaki talaga, basta babae kahit anong klase makaraos lang okay na sa kanila. Tumawag ako sa mga kapatid habang nasa sasakyan na ako. " Mabuti at sinagot niyo agad ang tawag ko.?" Itong mga kapatid ko, ang mhalaga lang sa kanila ay ang trabaho nila. "Oo naman, Ikaw ang black butterfly ng buhay namin eh, Takot lang kami kung magalit ka." Inaasar na naman ako ng mga ito. " Nabugbog ko si Roman sa bar kung saan kami ni Lucho nagkita." Balita ko sa kanila. " Anong nangyari at nabugbog mo? Teka hindi mo ba siya napatay?" Pakialam ko ba kung napatay ko siya, sa kasamaan niya kulang lang ang nagawa ko sa kanya. " Wala akong pakialam kung napatay ko siya, o buhay pa siya o may nagdala sa kanya sa ospital. Tama lang ang ginawa ko sa kanya, isa pa kulang pa nga yun eh? S pagpatay niya kay Noel, pagpakidnap kay Marcus at pag agaw sa kapangyarihan ng Serbantes at pagbenta niya ng mga druga. Lahat yun kulang pa ang nagawa ko sa kanya bilang kabayaran." Sa pag iisip ko ngayon, inapakan ko ang break at pinahinto ko muna baka hindi ko matantsa ang mood ko ngayon madisgrasya pa ako. " Sis, relax ka lang huh, alam naman namin na kaya mo siyang patumbahin, pero hindi pa oras okay?" Alam ko naman yun kaya nga hindi ko siya pinatay. Balang araw magbabayad siya sa mga nagawa niya. " Uuwi ka ba ngayon dito sa bahay?" Gusto kasi nila kuya na uuwi ako ng bahay kapag galing ako ng bar. Papano kasi, gusto din nila makipag inuman sa akin. Sa condo ako uuwi, para walang istorbo sa akin mamaya sa pagpunta ko sa bahay ng mga Serbantes. Tawagan ko nalng sila mommy at daddy para magpaalam. Ibaba ko na ang tawag para makapag focus ako sa pagmamaneho. Don't worry about the incident today, everything was clear and clean." Tumawa pa sila sa sinabi ko. " Iba talaga ang laking mafia girl, mahirap man ang pinagdaanan mo sa training, but at the end it's worth it. See you next time sis, regards ko kay Mathew. Mag iingat ka sa pagdrive." Si kuya Paul talaga mapagbiro, hindi ko nga ipapaalam kay Mathew na ako ang magbabantay sa anak niya regards pa kaya.
' Kinabujasan, maaga ako sa bahay nila Mathew para pumasok billang yaya ng anak niya. " Manang, pakibuksan ang pinto." Rinig kong may sumigaw sa loob. Boses ng matanda. " Hello po, ako po si Claire, papasok po ako dito bilang yaya ng anak ni sir Mathew." Kailangan ko din magsabi ng totoo dito. " Manang, sino yang dumating?" s**t, kinakabahan ako ah, ang matandang Serbantes walk toward me at smile. Bweset ang gwapo lang niya tingnan kahit bagong gising. Ano ba naman yan self, kailangan mo magrelax matanda ang Serbantes na yan sayo at bata ka pa para sa kanya. " Good morning po sir." Kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng maayos. " Ikaw ang papasok na yaya dito sa bahay?" Ang lakas naman yata ng boses niya at parang nabingi na yata ako. " Bakit masama ba?" Nilakihan ko na ang mata ko para tumigil na siya, " Mayaman ka Claire, bakit pumasok kang yaya ng anak ko? Anong plano mo huh?" Asus, kunyari pa siyang galit pero gusto din naman niya na andito ako sa bahay niya. Sasagot na sana ako ng may bumaba sa hagdan at muntik ng mahulog sa pagtakbo. " Daddy, I want to see my new yaya. Where is she daddy?" Ang cute lang kasi ng batang ito. " Nasa harapan mo ang yaya mo apo." Turo ni Mrs. Carissa sa akin. Tinawagan ko kasi sila na ako ang magiging yaya ni Marcus at happy sila doon dahil magkakilala ang pamilya namin. " My miss hero?" Lumapit ako at pinisil ang mukha niya saka kinurot kurot. " Kumusta na ikaw?" Nagsmile siya sa akin, kamukha lang talaga niya ang ama niya. " Yes, I am, darling. Ahm, tita pwede na po ba kaming umakayat sa taas?" Paalam ko kay tita Carrisa." Pero hinawakan niya ang kamay ko. Bigla nmang may dumaloy sa katawan ko at hindi ko ito mawari kung ano ito. Ang puso ko malakas ang kabog at may tummy has butterfly inside. Matanda na siya para sa akin. " Remove your hands on my wrist band, you might regret when you still hold me." Binulong ko sa tenga niya para hindi nila tita marinig at umakyat na ako sa taas at sumunod ako kay Marcus. Sosyal ang bahay nato huh, infairness.
' Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay nila. Malaki nga naman ang bahay na ito. Pero kunti lang ang nakatira dito. Habang si Marcus nasa loob naghihintay sa akin, kinuha ko ang phone kong isa at kinontak lahat ang tauhan ko. " Nandito na ako sa bahay ng Serbantes. Magmasid lang kayo at antayin niyo ang tawag ko kapag pupunta dito si Roman. Tandaan niyo kapag nabayaran na niya ang mga kasalanan niya. Bakasyon kayo ng month, papauwiin ko kayong lahat sa probinsya para makapiling ang pamilya ninyo. Ador, salamat sa paglalagay ng mga cctv monitor dito sa bahay nila Mathew. Natanggap mo na ba ang pera na binigay ko sayo? That amount can help you to transfer to another house near me. Malaki ang gagawin nating mission pagkatapos niyo magbakasyon." Gusto ko na rin kasing pagbakasyunin ang mga tauhan ko. Katulad ko, kailangan din nila ng pahinga. Pinapunta ko siya dito kaninang madaling araw para lagyan ng mga CCTV monitor itong bahay. " Yes, boss, at salamat." Eksaktong pagbaba ko ng phone lumabas si Marcus sa kwarto nito. " My miss hero come here, I have something to show you in my room." Hinila niya ako at dinala sa loob. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ni Marcus, may kunuha siyang maliit na painting. Pintor yata itong batang 'to paglaki. " My miss hero, look at this. It seems so nice to give it to you since you're my nanny now. I ask dad to bought this when were at mall during my birthday celebration and mommy's death anniversary." Maganda ang painting na pinakita niya isang babae na nakaupo sa beach na lumilipad ang buhok hawak ang isang violin. Namiss ko rin mag tugtog ng violin. " So, very pretty baby. But why did you give this to me?" Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit niya ibibigay ang painting sa akin. " It's because you've save my life from the bad guy. I was scared that time. But then you showed up and you save me. That's why I bought this for you." Ang bait naman ng batang ito. " Alam ba ng dad mo, who save you by that time?" Umiling siya. " No, because I don't want him to steal you from me. You are my only nanny. Actually, I ask him to find you. And then, boom! your already here. Grand dad and grand ma knows that you are that lady because they saw you at the news." Ang daldal pala nitong batang ito. Inikot ko ulit ang paningin ko at nahagip ko ang isang maliit na frame ng isang babae at nilapitan ko ito. " She is my mom." Bigala naman nagsalita si Marcus sa likod ko kaya naman nagulat ako at muntik ko ng mabitawan ang picture frame. She looks familiar to me. Kaya bago ko ito nilagay sa table tiningnan ko ito ng mabuti. This can't be! Bakit ka namatay? May sakit ka ba talaga sa puso?. " Tita nanny are you okay po?" Marcus tap my shoulder at tiningnan niya ako. " Are you craying tita nanny?" Tanong nito sa akin. Hindi ko akalain na makikita kita dito mismo sa Serbantes mansion. " Tita nanny, do you know my mom?" Hinila ko siya papunta sa bed niya. Hinawakan ko ang kamay niya. " Baby, I know her very well, I met her when I was in America. But when I'm about to graduate in college, she told me to go home because she's getting married for the person she loved the most. She adore the man and she is very proud saying ' I am getting married to the person I love the most, but he didn't love me much because he love someone else' you're mom is very adorable and have sense of humor. Siya ang lagi kong kakampi sa oras ng kagipitan ko sa America. Someone love her, pero pinili niya ang makasal sa lalaking hindi naman siya minahal. Pero ganun pa man, pinahalagahan siya ng lalaki na pinakasalan niya at binigay lahat ang gusto niya. Nang mabuntis siya, she was very happy. Binalita niya agad sa akin ang lahat na pangyayari at masaya ako sa kanya. Nang pinanganak niya ang bata after 9 months sinabihan kong uuwi ako dahil may kailangan akong sabihin sa kanyang importante. Pero pagdating ko dito after 6 months nabalitaan kong may sakit daw sa puso ang mommy mo. Baby mga hindi ka pa nalalaman sa pagkatao ng mommy mo. Pero sana, mapatawad mo siya kung sakaling malaman mo ang lahat lahat. Sa ngayon, it's not the right time to tell you because your just a vulnerable boy na pwede masira ang future mo. Kilala ko ang mommy mo, hindi siya namatay sa sakit sa puso. Pinatay ang mommy mo baby" Mahabang litanya ko sa kanya. Alam mo bata pa siya pero karapatan niyang malaman ang totoo para aware siya sa paligid niya. " Be careful always baby, I will protect you no matter what." Saka niya ako niyakap at nagiyakan kaming dalawa. Parang anak ko na rin si Marcus ngayon, bestfriend ko ang mommy niya sa mafia gang.
' I am going to hunt every person who mess my love ones. Humanda kayo sa akin. Buto niyo lang ang walang latay.'
Bumaba kami ni Marcus at nakita ko ang grand ma niya at grand dad habang nasa sala nanood ng TV.