" Mga inutil! bakit hindi niyo agad nakuha ang bata at nahuli pa kayo ng pipitsuging babae na yun" Nagwala siya at pinagbabato ang mga gamit sa sala. " Hindi niyo ba alam na ang batang yun ang pag asa ko na makuha ang malaking shares ng mga Serbantes, huh?" Sigaw niya sa mga tauhan niya. " Boss, hindi siya ordinaryong babae lang, malakas at may alam din sa martial art." Sagot pa niya sa amo niya. Kaya sinampal niya ito at pinagsusuntok. " Sumagot ka pa talaga, huh?" Gigil na gigil siyang nagsisisgaw sa mga tauhan niya dahil sa kapalpakan na nagawa ng mga tauhan niya. " Bukas, kailangan ninyong pumunta ulit ng skwelahan at siguraduhin ninyo na madukot ninyo ang bata. Dahil kapag hindi kayo ang malalagot sa akin, mga walang kwenta utusan. Simple instruction hindi pa magawa gawa. Nagsasayang ako ng binabayad sa inyo, mga bweset kayo!" Singhal niya sa mga tauhan niya. " Pasensya na, boss may dumating lang kasing epal kaya nakawala ang bata sa amin." Katwiran naman ng isa niyang tauhan. " Sasagot ka pa huh? Babae lang siya, nag iisa lang siya tapos hindi ninyo kaya? mga pulpul kayong lahat. Magsi alis kayo sa harapan ko, baka mabaril ko pa kyo, letse!" Kaya umalis ang mga tauhan niya at pinabayaan ang kanilan amo sa sala na nanggagalaiti sa galit.
" Kumpadre, kumusta naman ang takbo ng kompanya natin?" Para siyang santo kung makipag usap. Pero kumukuha lang siya ng impormasyon. " Okay nman ang takbo ng kompanya, kumpadre. Wala kang dapat ipag alala, maayos ang pagpapatakbo ni Mathew sa kompanya. Malaki ang sales at higit sa lahat may bagong pumasok na mga investor sa kompanya." Ang hindi alam ng mga Serbantes na tinatraydor na pala sila,
' Sa ngayon magpakasaya muna siya. Kapag may pagkakataon ako ang maghari sa kompanya na binuo niya. gagawin ko ang lahat mapasaakin lang ang kompanya na yun at hindi dapat sa anak niyang si Mathew. Saka siya tumawa ng malademonyong tawa.
" Boss, ano po ang gagawin natin ngayon? Ngayong nakuha si piko ng mga pulis, baka kumanta yun at idiin kayo?" Tila nawala ang saya sa mukha niya ng sabihin yun ng utusan niya.
" Siguraduhin ninyo na patay na si piko bukas ng umaga. Dahil kapag hindi ko pa malalaman na patay na siya kayo ang papatayin ko. Mga inutil!" Nawala na naman siya kanyang sarili.