Mathew POV:
" Hello, Mom? napatawag ka? Nasundo na ba ninyo si Marcus sa school? Hinanap ba niya ako? Pakisabi sa kanya mom na hindi ako makarating. Paki explain na din kung bakit kayo ang nagsundo sa kanya ngayon. Kayo na please ang bahala magpaliwanag sa kanya. " Bilin ko kay mommy. Siguro maintindihan ni Marcus ang mga hirap na pinagdadaanan ko ngayon. " Mathew, yung anak mo muntik ng makidnap kanina." Balita ni mommy sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon, para akong pinako ng maraming beses. " Ano ang nangyari mommy?" Halos nanginig ako sa pagtatanong kay mommy. " Ayun sa narinig ko, nakaupo ang anak mo sa upuan mag isa, nang may bigla daw lumapit na isang lalaki na hindi kilala. Mabuti nalang daw at may nagsagip sa kanya. Sa pagkakaalam ko magaling sa martial arts ang babae at maganda't sexy pa. Ang pinagtataka ko bakit ang apo ko ang kailangan nilang kidnapin nagyong wala namang kamuwang muwang ang bata?" Tama si mommy, siguro may kinalaman ito sa negosyo. " Mom, pwede bang sa inyo muna si Marcus? Kikitain ko lang ang kaibigan kong NBI para humingi ng tulong. Kausapin ko na din ang kapatid niyang pulis for the investigation process." Sa ngayon, hindi pwedeng mapahamak ang anak ko. Kailangan ko ng makakita ng magbantay sa kanya, yaya man o bodyguard. " Seb, ikaw na ang bahala dito. Kapag may mga kailangan email mo nalang sa akin para makita at mapirmahan ko bago ako pumasok bukas. Kailangan ko ng umalis, mag iingat ka sa pag uwi." Tumango siya sa akin at bumalik na sa pwesto niya. " Umuwi ka na din after ng pagpaxerox mo. Mag alas singko na." Pahabol kong sabi sa kanya. " Okay, po sir." Lumabas na ako ng office at tinawagan ko ang tatlo kung kaibigan na andun na ngayon sa bar. " Hello!" Parang lasing ang mga ito, sabay ko kasi sila tinawagan para hindi na ako gastos sa load pa. " Dude, nasaan ka na? Hanggang ngayon ba nandyan ka pa rin sa office mo?" Itong si lemuel sarap talaga batukan. " Papunta na ako dyan may sasabihin lang ako sa inyo tungkol sa inaanak niyo na si Marcus." Binabaan ko na sila ng tawag at sumakay na ako sa kotse. Habang nilalandas ko ang kalsada may nakasunod sa akin. Nagdial ako sa kaibigan kung pulis na kapatid din ni Paul. " Hello, pare, anong atin?" Tanong niya agad. " Pare may sumusunod sa akin ngayon. Hindi ko alam kung kakampi ko ba o kaaway?" Pagtatapat ko sa kanya. Ayaw ko pang mamatay, paano na si Marcus kung mawala din ako? paano nalang ang kompanya? " Relax, hindi kalaban ang sumusunod sayo, mga tauhan yan ni black butterfly para sundan ka saan ka magpunta dahil delikado ang buhay mo. Tukoy na rin kasi ni black butterfly kung sino ang kaaway mo sa kompanya niyo na balak agawin ang lahat. Sa ngayon pabayaan mo ang sumusunod sayo dahil para yan sa proteksiyon mo." Kaya pala, kung saan ako magpunta may sumusunod sa akin. At sino naman si black butterfly? " Sino si black butterfly pare?" Black butterfly? paano niya ako nakilala? paano siya nakilala ng Fortalejo's brothers? " Don't ever ask questions about her. She doesn't like it. Better to be silent for your safety, pare." Gaano ka delikado ang black butterfly na yan? Pero teka lang, her? Ibig sabihin babae siya? " Bakit ayaw niya magpakilala kung nakakatulong naman siya sa nangangailangan?" Bakit kailangan pa niyang magtago? " As I've said pare better to be silent. Magkita nalang tayo sa bar kung saan kayo magkikita ni kuya Paul. See you there." Binaba na niya ang tawag.
' Pagkadating ko sa bar, wala pa masyadong tao. Nakita ko ang tatlo na nakaupo sa may sulok at nagtatawanan kaya lumapit ako. " Saya natin, ah?" Napalingon naman silang lahat sa akin. " Whoa, is this for real? Nandito ang guwapo at mayamang Serbantes. Libre niya ngayon dahil nagyon lang siya sumipot." Sabi pa ni Fritz. " Go ahead, order kayo ng gusto niyo." Oo, ngayon lang ako sumipot kapag may usapan kaming magbabarkada na mag bar. " Alright, taya ni Serbantes, iba talaga kapag mayaman." Nagsalita ang mayaman pa sa akin. " Wag mo ng bulahin baka magbago ang isip ikaw pa ang pagbayarin ng iinumin natin." Pahabol pa ni Nicholas " Okay! "Mga hayop talaga sa alak ang mga kaibigan kong ito.
' alas otso na ng gabi ang dating magkapatid na Fortalejo brothers. " Bro, bakit andito kayo sa sulok?" Tanong ni Anthony. Isa siyang general sa mga kapulisan. Kaya malaki ang pasasalamat ko na naging kaibigan ko sila. " Pare, excuse lang huh, magtoilet lang ako." Umalis na ako sa upuan at nagpunta ng toilet room ng may marinig akong nagsasalita. " Wag muna ninyong sasabihn sa kanya ang totoo. Baka hindi niya kaya kapag malaman niya ang totoo." Anong totoo? " Ako na ang magbigay ng signal kung kelan ninyo sasabihin sa kanya." Gumilid ako ng lumabas siya para hindi niya ako makita. " Anong ginagawa mo dyan?" Holy s**t, napaigtad pa ako sa pagsulpot niya sa harapan ko. Paano niya ako nakita? " Sir, okay lang po ba kayo?" Kumurap ako at hinarap siya ng maayos. Oh my, ang ganda naman niya? " Sir, baka pasukan ng langaw ang bibig niyo, nakanganga ka kasi." Nakakahiya naman. " A-ahm, nagulat lang kasi ako sa pagsulpot mo. Paano mo ako nakita, eh andoon ka sa loob ng toilet?" Pero hindi siya kumibo sa sinabi ko bagkus lumapit siya sa akin at bumulong. " Next time, wag kang makikinig sa usapan ng iba huh? Ang gwapo mong nilalang para mabilis kunin ni kamatayan." For God's sake kahit nakakatakot siya, nakikiliti nnaman ako sa pagbulong niya sa tainga ko. " Miss, malakas lang kasi ang boses mo. Next time hinaan mo din para hindi marinig ng ibang tao." Nagsmile ako pagkasabi. Pero lumapit pa siya sa akin at bigla nalang dumikit ang nguso niya sa labi ko. " mmwaaah, a ng lambot ng labi mo, parang labi ng babae. See you next time." Na statuwa ako sa ginawa niyang paghalik sa akin. Ano yun, nakaw na halik? Parang gusto ko ang kiss niya ah. " Pare, ang tagal mo naman magbawas. Di ka pa ba naiihi?" Bumalik ako sa ulirat ng dumating si Nicholas. " Wait lang, may gumamit kasi ng toilet kaya hindi ako nakapasok. " Dude may nakita akong maganda at sexy na babae galing dito kanina. Nakita mo ba yun?" Kung alam mo lang na hinalikan pa ako dun bago siya umalis dito, siguro magwala ka' " Hindi ko nakita dude." Yan nalang ang sinagot ko sa kanya at di ko na sinabi ang totoo pa.
' Bumalik na kami sa pwesto namin sa bar marami na ang tao at medyo maingay na rin. " May sasabihin ako sa inyo. Si Marcus ang inaanak niyong tatlo, muntik ng mapahamak. Kung wala pa siguro ang babae na yun na siyang tumulong kay Marcus, baka ngayon nasa mga kamay na siya ng mga kalaban ko." Pag uumpisa ko sa kanila. Kumikilos na talaga ang kalaban ko. " Bro, kailangan niyo mag ingat. Yung kalaban mo kilala kayo, kilala si Marcus, kilala ang buong angkan niyo. Doble ang pag iingat niyo lalo na ngayon na kumikilos na siya. Pero wag kang mag alala. You are under the protection of a black butterfly, but you need to be extra careful from now on. Marcus is vulnerable, mabilis siyang makuha lalo na wala pala siyang yaya o bodyguard man lang." Napatingin kami kay Paul, kung ganun may alam na siya sino ang kaaway ko this time. " Do you know anything? Have you already found out who is my enemy this time? Sabihin mo sa akin at kailangan kung malaman para makapaghanda na ako." Desperado kong pakiusap kay Paul. " Siya ay si...." Hindi niya natapos sabihin ang sasabihin sana niya sa akin ng may marinig kaming sigawan. " Don't you ever lay your filthy hands on me, baka hindi lang yan ang aabutin mo." What the f**k! ang babae kanina sa toilet room. Siya ang nagptumba sa limang lalaki na to? For God's sake, ganun siya kalakas? Sino siya? Ang babaeng humalik sa akin kanina sino ba siya? " Mga tanong na hindi ko masagot sagot dahil wala akong clue. " Sorry for the inconvenience. Bastos kasi ang mga lalaking ito, hayop sa laman. Kayong mga babae dito sa bar mag iingat kayo sa mga lalaki na ganito. Pwera nalang sa mga nagbebenta ng laman." Sigaw pa niya sa mga tao sa loob. Naging tahimik ang paligid sa eksena na nasaksihan namin. " Let's rock in roll, hindi pa malalim ang gabi." Sino siya at hindi siya nasaway ng mga kasamahan niya? Hindi rin siya nilapitan ni Paul at Anthony. " Don't miss her dude, buto mo lang hindi babaliin noon." Sabay tawa ni Anthony. Parang kilala nila ang babae. Umalis na kami at umupo ulit kung saan kami nakapwesto. " Dude, ang cool naman nung babae? Bukod sa hot na, sexy pa. Tapos marunong pa siyang mag martial arts?" Manghang tanong ni Nicholas. " Dude, she's not an ordinary lady. Just don't involved with her you might regret it when you know her. She's not being capable for someone who is a playboy." Whoa! bakit ganun magsalita si Anthony? kung ganun may kaugnayan silang dalawa ni Paul sa naturang babae. " Bro, natahimik ka dyan? Di mo ba ma take ang nangyari kanina?" Pambihira talaga to si Lemuel kahit kailan. Laging nambabasag ng moment.
' Napaisip lang talaga ako. Paano niya napatumba ang mga lalaki kanina? At bakit hindi siya inawat?' " Bro, okay ka lang ba? Tanong sa akin ni Paul. " Bro, bakit hindi ninyo siya sinaway? Paano kung nasaktan yung babae? Paano kung hindi niya nakayanan ang pakikipagsuntukan sa mga lalaki na yun?" Hindi ako mapakali sa nakita ko. Ang babae na nanghalik sa akin kanina, kayang magpatumba ng mga ganung lalaki. " Nakaya naman niya bro, isa pa ayaw namin ng gulo kaya hanggang maaari hindi kami mangialam. Pero kung nasaktan ang babae hindi namin palalagpasin yun. Hindi ba Paul?" Kumindat pa siya kay Paul na inismiran lang siya ni Paul.
" Dude, wag kana mag alala dyan andito tayo para magsaya. Isa pa we need to make a plan kung papaano makakita ng magbabantay kay Marcus lalo na at punterya siya ngayon ng kaaway mo." Tama naman talaga si Fritz, iwaglit ko muna ang pag iisip sa babae na yun. " Bro, saglit lang. Tumawag si mommy." Pagpapaalam ko sa kanila bago ako lumabas ng bar. Hindi ko kasi marinig ang sasabihin ni mommy at sobrang ingay na.
" Mom, kumusta ang anak ko?" Siguro naglalaro pa yun. " Hanapin mo ang babae na nagligtas sa anak mo. Yun ang request ng anak mo na maging yaya. Ang sabi niya, safe daw siya sa babae na yun at kayang magprotect sa kanya. Siya na rin daw ang bodyguard." For God's sake saan ko ba hahagilapin ang babaeng nagligtas sa anak ko? " Mom, hindi ko naman basta basta mahanap ang babae na yun. Walang clue." Sagot ko sa kanya.
" Ano ba ang naiisip ng anak ko, mommy?" Bakit kailangan ko pang hanapin ngayon ang babae na yun? Saan ko naman siya hahagilapin? si Marcus talaga lagi akong pinapahirapan.
" I will try my best Mom." At binaba ko na ang tawag at bumalik sa table namin. " Dude, bakit nakabusangot naman ang gwapo mong mukha? para kang napagalitan ng nanay mo dahil matagal kang nakauwi sa bahay? may problema ba?" Mabilis talaga makita ni Nicholas ang mga mood ko. " Si Marcus, gusto niyang maging yaya at bodyguard ang babaeng nagligtas sa kanya. Feeling daw niya safe siya sa babaeng yun at kaya daw siyang protektahan. Kung makapag isip kasi ng idea parang hindi bata. Daig pa niya ako." Sumbong ko sa mga kaibigan ko. " Wag kang mag alala baka makita natin siya, malay mo nasa tabi- tabi lang siya." Tinapik pa ako ni Paul. Sana nga makita ko na siya para sa anak ko.