' Nakauwi ako ng madaling araw na. Sila kuya Paul at kuya Anthony nasa trabaho pa. " Tok,tok,tok." Sino kaya ang kumakatok na to? " Yaya, di ba nagsabi ako na....." Si Stephanie pala. " Hmmm, mainit yata ang ulo ng bff ko ngayo ah". Wala siguro itong pasok ngayon. Kaya andito sa bahay, pero magkasama lang kami kagabi sa bar para uminom. Pero napaaway pa kami dahil sa bastos na mga lalaki na yun. " Steph, umaga pa para pumunta ka dito, tingnan mo oh di pa ako nakapaghanda ng sarili ko?" Panty lang kasi ang sinusuot ko kapag natutulog ako. " Gumising kana dyan at kakapin ako dito sa inyo. Alam mo naman na nagtitipid ako para makaipon. " Sagutin mo na kasi si kuya Anthony, may pera ka pa kapag nagkataon." Nanliligaw kasi si kuya Anthony sa kanya pero dahil walang pag asa siya sa kaibigan kong ito ayun huminto sa panliligaw at kinaibigan nalang niya itong babae sa harapan ko. " Yang kuya mo talaga? mabilis ako mabiyuda sa kanya." Kaya napatawa ako ng malakas.
" Hoy, miss Stephanie, kapag ang kuya ko ang nakatuluyan mo tiba tiba ka katalaga. Bukod sa mapagmahal na maalagain pa. Mabait pa, kaya kung ako sayo sagutin mo na. Bra at panty mo siya pa ang maglalaba." Humahalakhak pa kaming dalawa pagbaba namin sa kwarto ko ng may makita akong bulto ng isang tao sa may kusina. " Beshy, may bisita ba kami bukod sayo?" Hindi ko kasi kilala ang naturang lalaki. " Ewan ko, baka bisita ng daddy mo o ng mga kuya mo." Oo nga pala hindi nga pala niya alam na may bisita kami. Kasi basta basta nalang yan pumapasok sa kwarto ko. Paano nalang kapag may ka make love ako kita buong katawan ko na hubo't hubad. " Check nalang natin." Sabi pa niya kaya sumunod na din ako." Hello po?" Bati naming dalawa. Napaigtad pa ako sa nakita kong lalaki na bisita namin. Siya si Serbantes Mathew, ang anak ng negosyanteng Maynard at Carrissa.
" Good morning, mom, dad." Pagbati ko sa mga magulang ko. " Good morning, brothers." Bati ko din sa mga kapatid ko na panay ang tingin sa akin. " Good morning, tito, tita Anthony and Paul." Walang kiming bati ni Stephanie sa mga kapatid ko. " Good morning sa inyong dalawa." Balik na bati nina mom and dad. " And how about you? why are you here in this early morning?" Susubo pa sana siya ng bigla siyang napatingin sa akin at nailuwa niya ang kinakain niya. " You! ikaw yung nangkiss sa akin sa may toilet room." Patay, bakit ba nabanggit pa niya yun? bakit di pa niya nakalimutan? " Come again, iho? nangkiss sayo ang anak ko sa toilet room?" s**t kinakastigo na siya ni dad. " Opo, Tito." Bwesit talaga ang lalaking ito. " Beshy, hindi mo man lang sinabi sa akin na may nakiss ka ng lalaki?" Isa pa itong bestfriend ko. " Sis, is that true?" Sabay pa talaga sila ni kuya Anthony. " Ang ingay kasi niya. Nakikinig sa usapan. At para manahimik kiniss ko na para mabilis." Napaamin talaga ako ng wala sa oras. Ilang taon na kaya ito at hindi halatang matanda na dahil sa gwapo at matikas na pangangatawan. Pinilig ko ang ulo ko, bakit ko ba nisip yun. " Kung ganun iha pwede mo ng buksan ang puso mo ulit. Total naman wala namang girlfriend itong si Mathew pero ok ba sayo kahit may anak siya?" Si dad talaga. Binubugaw na ako. " Kakain muna ako ng breakfast at papaaok pa ako sa office. At dad, mom pwede ba wag niyo ako ibugaw sa taong matanda pa sa akin. 20 years old lang ako mom. I want to enjoy myself and besides having a boyfriend will give me an headache and hurtache. So, please I have to pass it. I don't want to lose any person again because of the nature of my job." Nagkatinginan sila at nagsmile. Habang si Mathew naman ay nakatingin lang sa akin at lumipat sa mga magulang ko at kapatid ko ang tingin. Nag imbestiga yata ito tungkol sa akin. " Paano mo nakilala ang mga kuya at magulang ko?" Umpisa na ang tanungan. " Magkaibigan ang mga magulang natin." Hindi ko yata alam yun ah. " Parang hindi ko naman nabalitaan yun?" Sarkastik kong sagot. " Beshy, pakiabot nga yung kanin please?" Isa pa itong isa kapag may narraramdaman na siya na tensyon nangdidisturbo. " Nasa America ka nung magkaibigan kami ng pamilya ni Mathew. Kasosyo kasi natin ang magulang niya sa negosyo." Si mommy na ang sumagot. " Sis, siya yung kinukwento ko sayo na kaibigan ko na laging nanghihingi ng picture mo dahil nagagandahan sa pisngi mo." Bigla ko naman naibuga ang kinakain ko. " Are you okay" Sabay abot ni Mathew sa akin ang tissue at tubig. " Yes, I'm fine. Thank you." Bakit wala siyang reaction man lang sa sinabi ni kuya Paul? " Totoo ang sinasabi nila sayo." Bweset umamin pa talaga siya.
" Beshy, uminom ka pa ng tubig para hindi ka masyadong mabulunan." Pinalo ko si Stephanie sa balikat kaya napaaray siya. Ang daldal nila talaga. " Siguro anak oras na din siguro na maghanap ka na ulit ng lalaki para naman sumaya ka ulit. Hindi yung puro ka na lang trabaho. Give a chance to open your heart again, anak." Mommy, bakit ba ipagtulakan niyo akong magkaboyfriend na. 20 years old pa lang ako. I want to enjoy. " Excuse us. Kailangan na po namin umalis at busy pa ako sa work ko sa kompanya. At itong kaibigan ko din may klase pa. Bye everyone." Hinila ko na si Stephanie palabas ng bahay at pinasakay na sa kotse ko.
" Beshy, ang gwapo naman nung Mathew na yun? Alam mo kung liligawan ako nun sasagutin ko kaagad, promise." Kinikilig pa siya. Gwapo nga matanda naman. " Ang hilig mo talaga sa gwapo? Dapat ang maging boyfriend mo ang katulad kay kuya Anthony hindi ka pa sasaktan, mamahalain ka pa at di ka na magtrabaho pa. Ang hanapin mong lalaki yung matino na mapagkatiwalaan." Sabay ismid ko sa kanya at pinabilisan ang pagpapatakbo. " Beshy, kung gusto mong magpakamatay wag mo akong isama.Gusto ko pang magka asawa at magkaanak. Gusto ko pang makatikim ng malaking hotdog na may dalawang itlog." Napapreno ako sa sinabi niya. " What the heck Stephanie, anong malaking hotdog na may dalawang itlog ang pinagsasabi mo?" Ewan ko ba sa babaeng ito at may mga salita siyang hirap intindihin. " Beshy, yan ang nagbibigay ng sperm sa ilalim ng ovary mo para mabuntis ka." What the.... my God! ano ba itong bestfriend ko. Virgin pa nga sobrang laswa na ang pinagsasabi. " Ihatid na nga kita sa trabaho mo, baka mamaya sa kalsada pa kita iwan." Tumawa naman siya sa sinabi ko. " Hindi mo yan kayang gawin sa akin beshy, mahal mo ako eh." Nanggigigil na talaga ako dito sa bruhang ito.
' Pagdating namin sa eskwelahan binaba ko na siya at dumetso na paalis upang pumunta sa kompanya. Nag Fortalejo group of companies. Ako ngayon ang namahala. Papaliko na sana ako ng may sasakyang huminto sa gitna.
" What happen?" Tanong ko sa driver. " Miss, yung amo ko po hindi makahinga." Dami talagang sagabal ngayong araw na ito. " May oxeygen ba siya sa loob?" Tumango naman siya sa akin. " Miss, pasensya na po talaga at hindi po ako marunong magkabit niyang oxygen, mabuti at tumulong ka." Pasalamat pa ng driver sa akin. " Dalhin mo mo.na siya sa ospital, tapos ko na siyang lagyan ng oxygen." Sumakay na ako sa sasakyan dahil naging trapik na ang daan dahil sa nangyari.
" Opo, miss, salamat ng marami." At umalis na ako. Pagdating ko sa kompanya pumasok na agad ako. " Ma'am may nag antay po sa inyo sa loob." Sabi ng secretary ko. " Sino?" Takang tanong ko. " Puntahan niyo nalang po ma'am." May pagkasarkastiko tung secretary ko. Kaya pumasok na ako sa mismong office ko. Pagbukas ko pa lang isang bulto ng lalaki ang nakita ko. " How are you my dear?" Oh my gee!, " Lucho?" Bakit andito ang taong ito? " The one and only." Then he hug me tightly. " What are you doing here? When did you arrived?" Marami ang tanong ko sa kanya. Lucho is my friend during my studies abroad. He help me everything and he became my mentor. " Yesterday, but I didn't showed up because I want to enjoy and relax." Pambira talaga oo. " Saan ka ngayon nakatira?" Sa yaman ng taong ito malamang naghotel ito. " I have condo here, dear. So, anytime I can visit you as long as I want. Kumusta na pala sila tito at tita? Hindi ko na sila nakita." Para namang namiss niya ang magulang ko. " Sina Anthony at Paul?" Ang dami talagang tanong ng taong ito. " Lahat sila pumasok ng trabaho. Kaya ang naiwan sa bahay mga katulong lang namin. Gusto mo bang doon matulog mamaya?" I'm sure tatanggi to. " May lakad ako mamaya eh. Gusto mo bang sumama?" Hmmm. Sige sasama ako. Pero pwede bang magtrabaho muna ako? Magkita nalang tayo sa bar. Mag ingat ka Lucho, may mga taong maghihinala sayo." Bilin ko pa sa kanya. Tumanago naman ito at lumabas na ng office ko. " Ma'am your schedule for today is canceled hindi daw po makakapunta sa Mr. Rodriguez because of her wife. He want to reschedule the meeting next week. And the other investors din po, bukas ang meeting niyo sa may town hall para sa contract signing nila. And today po your schedules are cleared." Ibig sabihin may time pa ako mag undercover. " Thank you very much, you can go back to your sit now." Tumalikod naman siya.
' Samantala, nang patayo na sana ako ng tumawag si kuya Paul sa akin. " Sis, we got a problem." What! anong problema na naman ba ito? "What kind kuya Paul?" Tanong ko dito. " Yung kumidnap sa anak ni Mathew pinatay sa loob ng selda." Paanong nangyari yun? " Papaano nangyari yun?" May inutusan siyang tao na makapasok sa kulungan at pinatay ito. " Wag ka mag alala kuya, akong bahala sa problema na yan, e hahack ko ang mga cctv ng pulis station na pinamumunuan ni kuya Anrhony. " May isa pa akong problema sis. Ayun sa nasagap kong balita papatayin nila ang bata kapag nagmatigas si Mathew na ilipat ang shares sa ninong nito." Talagang sinasagad ako ng mga ito. " Anong gusto mong gawin ko kuya?" Bago pa niya sabihin yun sa akin. May plano na yan siya. " Magpanggap kang nanny and bodyguard to his son Marcus." Napabuga pa ko ng hangin sa kawalan dahil sa sinabi ni kuya sa akin." Paano ang kompanya na hawak ko?" Hindi pwedeng iwanan ko ang kompanya, " Si dad at mom ang mag asikaso sa lahat. " Sina dad at mom ang magmanage ng kompanya hanggang nasa mission ka." Well, wala na akong choice kung di gawin ang gusto ng kapatid ko. Sana magiging smooth lang at hindi hassle ang pagpapanggap kung maging yaya.