Chapter 6

1497 Words
Mathew POV: " Anak, tumawag dito yung Paul sa bahay. Gusto ka daw niya makausap, pupunta ka ba sa bahay nila?" Andito ngayon ang mga magulang ko sa bahay para bantayan muna si Marcus Leandro habang wala ako dito. " Yes mom, doon na din ako kakain sa kanila na miss ko ang luto ni tita Amara." Masarap kasi magluto ng sinangag si tita Amara. " Okay anak, ikumusta mo nalang ako sa kanya pati ang daddy Maynard mo. Pakisabi na din na gusto ko siyang dalawin sa bahay nila one of this day I think. I miss to chitchat with her." Sabi pa ni mommy, nasa sala siya nanood ng balita. " Okay mom, makakarating." Umakaya na ako sa taas para magbihis. Nagshower muna ako at nagtoothbrush pagakatapos nagbihis na ako sinuot ko nalang ay polo shirt na white at tinirnohan ko ng khaki shorts at lacoste ko na white shoes. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Marcus na kumakain. " Dad, where to?" Parang siya lang ang ama ko. " I will go to my friend, he called me earlier to visit him. Wanna go?" Umiling naman siya. "Nah, I better to stay here, I don't want to go out after what happen to me last time. You can go dad I will stay with grandma and grand dad." Humalik sa akin si Marcus at ginulo ko naman ang buhok niya. " See you around kiddo." At nag salute pa siya sa akin. Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng kotse at pinaandar ko ito papuntang bahay nila Paul. Sa pagpunta ko sa kanila hindi mawala sa isip ko ang babaeng nanghalik sa akin sa toilet room, sino ka ba at ginugulo mo ang isipan ko. Tumunog ang phone ko habang iniisip ko ang babaeng nanghalik sa akin. " Hello, Im on my my bro, just wait for me. By the way dyan ako kakain ng breakfast namiss ko na ang luto ni tita Amara." Si Paul ang tumawag sa akin, simula nung may mga kaaway na ako sa kompanya dahil gusto itong bawiin ng taong sakim sa at gahaman sa kapangyarihan siya na ang tumutok sa kaso ko. " Malapit na ako bro, pakiantay nalang saglit ako." Pakiusap ko sa kanya. ' Pagdating ko sa kanila. Ganun pa din ang ayos ng bahay, may maluwang na hardin, isang malaking pool at ang gazebo nila na lagi naming tinatambayan kapag andito ako sa kanila. Kumusta na kaya ang kapatid niyang babae? Hindi ko na nakita simula ng pinili niya ang mag aral sa America. " Bro, akala namin hindi ka na darating. Halika sa loob nakahanda na ang almusal. Ang paborito mo pala niluto ni mommy. The best talaga si tita Amara, mabait pa maganda na. " Mayamaya, bababa na ang kapatid ko." Sino kaya ang babae na tinutukoy niyang kapatid? Si Claire kaya? May pumasok bigla sa pituan nila at isang babae, baka siya ang kapatid nila Paul. " Good morning po tita, si Savannah po ba gising na?" Tanong niya kay tita Amara. " Can I go up and wake her up po?" Magalang din naman ang babae, ibig sabihin hindi siya ang kapatid nila Paul. " Go ahead, baka tangahaliin pa yun ng gising at madaling araw na yun nakauwi kagabi. Malamang kasama ka sa bar kagabi." Tumango naman ang babae. Umakyat na siya at walang lingon lingon man lang. " Iho, mabuti at napasyal kana dito, Kumusta si Carissa at Maynard?" Ang bait talaga ni tita, kaya gustong gusto ko ito. " Yes po, tita. Thank you po tita Amara sa pagkain na hinanda. Ang sarap po talaga na miss ko ito. " Dalasan mo ang pagdalaw dito, dalhin mo rin si Marcus kung may pagkakataon ka para may bata kami dito. Boring na masyado itong bahay, sa laki kasi nito halos hindi na kami nagkikita kita dahil lahat sila busy sa trabaho. Halika maupo kana dito at para makakain, si Savannah mamaya pa yun siguro bababa at andito ang kaibigan niya." Pero mayamaya pa may narinig akong nagtatawanan pababa ng hagdanan nila pero hindi ko sila pinansin. " Good morning mom, dad." Bati niya sa mga magulang niya. Pero teka parang pamilyar yata ang boses niya sa pandinig ko. Paglingon ko. Oh my gee, siya ang babaeng humalik sa akin sa toilet room para lang manahimik ako. Tinanong niya ako kung bakit ang aga ko sa kanila. Syempre, yung kuya niya ang nang imbita sa akin. Alangan namang tanggihan ko eh kaibigan ko din naman si Paul. Habang kami ay kumakain tanong siya ng tanong. " Iha, pakainin mo muna ang bisita ng kuya mo." Kaya napatingin siya sa mga kuya niya. At ng nagtanong pa siya sa akin ang kuya Anthony na niya ang sumagot. " Sis, siya yung laging nanghihingi ng picture mo dahil gusto niya ang pisngi mo." Nnag dahil doon, napabuga siya pati pagkain niya lumipad lahat." are you okay?" Kawawa naman kasi siya nabilaukan pa. " Yes, im fine. Thank you." Kiunha niya ang tissue na binigay ko. Pagkakuha niya sumagi ang kanyang balat sa kamay ko. Bgla namang may kuryente ang dumaloy sa katawan ko. My gosh, ang bata pa nito tpos sa kanya ako mainlove, No way! " Anak, kailangan mo ng mgahanap ng lalaki na magpapasaya sayo." Ang daddy naman niya ngayon ang nagsalita. " Bakit ba, ayoko ko ng magmahal kung mawala lang din sa akin ang taong mahalaga sa akin, kaya kayo mag iingat kayo para lagi kayong maprotektahan nina kuya." Pag iba naman niya ng usapan. Bakit inlove ba siya dati? At dahil puro na asaran ang nangyari. Bigla niya hinila ang kaibigan niya at umalis na sila. Ngayon alam ko na siya si Claire ang batang lihim kong minahal dati ng ako ay laging nagpupunta dito sa kanila. Ang babaeng pinalaki ko ng ilang taon pero matagal nakabalik at nakapag asawa na lang ako. " Bro, may tanong ako sayo. Bakit nasabi ni tita na maghanap siya ng lalaki na magpapasaya sa kanya ulit? May minahal na ba siya dati at nawala sa kanya?" na curious ako sa sinabi ni tita. Hindi ko alam pero parang nagseselos ako. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? " Oo, nagmamahalan sila simula ng highschool hanggang sa makatapos sila ng college. Nagplano na sana silang magpakasal at masaya kami para sa kanya, lalong lalo na sina mom and dad. Peo sa isang iglap nawala ang lahat sa kanya dahil pinatay ang boyfriend niya at pinugutan ito ng ulo dahil daw sa pangingialam niya. Isang magaling na abogado ang boyfriend niya, pero ang masayang plano nila nawala lahat. Kaya si Savannah simula ng mamatay ang boyfriend niya malaki na ang pinagbago niya. Bro hindi na siya ang babaeng kapatid namin na mahinhin at mala princess kung kumilos. Iba na siya ngayon. Ang batang pinanagarap mo dati ay wala na. Bro, hindi na siya ordinaryong babae ngayon gaya ng nakikita mo." Mahabang paliwanag ni Paul sa akin. Kung ganun, may pag asa ako sa kanya kung sakali. Ano na ba itong naiisip ko. " Bro, masamang balita." Panggugulat ni Anthony sa amin ni Paul. " What do you mean?" Bigla itong may kinuha sa gilid at pinakita niya sa amin. My gosh, bakit anong nangyri. " Patay na ang kumidnap sa anak mo pare. Delikado ang buhay ninyo ngayon at si Marcus, lalo na at wala pang nagbabantay sa kanya." Tama si Anthony delikado na kaming lahat nito. May tinawagan si Paul at pagkatapos nun binaba na niya ang phone niya. " Pasalamat tayo at may yaya na sa anak mo." Thank you lord." napapasalamatan ko talaga si Lord dahil binigay niya ang hiling ko. " Bro, kung ganun na napatay ang kumidnap sa anak ko kahit nasa kulungan na, maaaring may kasabwat sa loob ng kapulisan. General Anthony Fortalejo. I think we need to investigate?" Suggestion ko sa kanya. Dahil kung pinatay ang lalaki sa loob ng kulingan may kasabwat ito sa loob. " Relax pare, black butterfly already knew it. And right now she has already clean the mess. Later, she will get mad at us, masama pa naman yun kapag galit na. Malamang mamayang gabi mag bar yun at kasama ang kaibigan niyang galing sa America na si Lucho." Kung ganun, kilala nila si black butterfly. Member kaya siya ng mafia na namamamatay ng tao? Sino ba talaga si black butterfly bakit ang dali dali niyang makakuha ng information at kinatatakutan? " Bro, bakit black butterfly ang tawag sa kanya?" Dahil curious na ako tinanong ko na talaga sila. " She's very dangerous lady, kapag nagalit. Siya ang NBI agent na pumasa sa panlasa ng mafia, pulis, at NBI. Babae siya, pero kung kumilos parang lahat magaan lang sa kanya. Siya nga pala bukas, may yaya na ang anak mo. Pagbuksan mo nalang ng pintuan agad dahil maaga daw siya pupunta." Ano ba ang mga ito,? Pero salamat at tinulungan nila akong makahanap ng yaya ni Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD