Chapter 1: Afterglow

685 Words
Yumi's Point of View Nakatulala lang ako sa kisame, habang marahang tumutulo ang malamig na tubig galing sa shower. Parang kasabay nitong inaagos ang lahat ng dapat kong kalimutan. Wala na siya. Pagmulat ko kanina sa kama, wala na siya sa tabi ko. Ni wala man lang paalam, walang message, walang iniwang kahit anong bakas kundi amoy ng pabango niyang hindi ko na maalis sa kumot. Ganoon naman lagi, 'di ba? Kasunduan namin 'to. Walang iyakan. Walang label. Walang tanungan kung sino ang una niyang naiisip pag-gising o sino ang una niyang tinetext kapag may problema siya. Walang karapatang magselos. Walang karapatang magtanong. Basta tuwing gabi, katawan lang ang mag-uusap. Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko, kahit ilang beses ko nang sinabing okay lang, parang paulit-ulit pa rin akong nabibiyak sa gitna? Matagal akong tumingin sa sarili ko sa harap ng salamin. Basang-basa pa ang buhok ko, naka-towel lang, habang dahan-dahan kong pinapahiran ng foundation ang mga eyebags kong nagkulay uling. May mukha akong babae. Hindi na ito ang Yumi noong high school na payat, mahiyain, panay takip ng dibdib kahit wala namang laman. Ngayon, buo na ang hugis ko. May korte na ang bewang. Lumutang na ang cleavage. Kulang na lang, operasyon. Pero kahit anong makeup ang ilagay ko, kahit gaano ako kabango o kasexy sa mata ng ibang tao... may parte pa rin sa akin na pakiramdam ko, hindi sapat. Maybe that's why I gave in to this arrangement. Maybe that's why I said yes to the rules—rules na ako rin mismo ang gumawa. "Walang commitments. No falling in love." I made the rules, but I forgot the cost. Bagsak ang katawan ko sa upuan sa loob ng isang convenience store malapit sa campus. Katatapos lang ng klase ko sa taxation, at literal na parang nabura ang utak ko buong lecture. Nasa ibang lugar ang isip ko. Nasa kama. Nasa kaninang umaga. Nasa kaniya. Habang nilalamas ko ang straw ng iced coffee ko, bigla akong napa-igtad sa paglabas ng voice message mula kay Trina. "Hey b*tch! Nasaan ka na? Dito na kami sa labas ng accountancy bldg. May chika ako sa'yo. And... GUESS WHO I SAW EARLIER!" saad niya sa vm niya. I rolled my eyes but smiled anyway. Si Trina talaga—kaibigan kong mapang-asar, malakas ang tawa, pero siya rin ang laging unang sumusugod kapag may nag-disrespect sa'kin sa campus. Tinype ko agad: "On my way, ho. Better be good 'yung chika mo or else..." Pagdating ko sa bench kung saan kami laging nagtatambay, agad akong sinalubong ni Trina at Bea. Parehong naka-shades, parehong naka-pwesto na parang ready sa tsismisan. "Ayan na ang goddess of heartbreak," sabay-sabay nilang bati. "Shut up," natatawa kong sagot habang naupo sa gitna nila. Trina leaned closer. "So... tell us. How's last night?" Napangiti ako—pero hindi ngiti ng kilig. Ngiting pagod. Ngiting puno ng tanong. "Same. Nothing new," sagot ko, sabay higop sa iced coffee ko. "He left. As usual." "Did he kiss you goodbye?" tanong ni Bea, pero halatang rhetorical lang. "Nope. You know the rules. After the deed, wala na. Pa-cool off. Parang cellphone na low batt." I replied. Nagkatinginan sila. "Girl," sabay nilang sabi. "I'm fine," putol ko agad. But I wasn't. And I knew they knew that. Sa pag-uwi ko, napadaan ako sa isang bookstore. May nakadisplay na libro—self-help, love, healing. Lahat ng title, parang sapok sa mukha ko. "How to Let Go of Almosts." "It Was Never Just Physical." "You're Not Too Much. You're Just Enough for the Right Person." Pumikit ako ng mariin. Tumalikod at mabilis na lumakad palayo. Baka kasi sa susunod, hindi na libro ang sirain ko kundi sarili ko. Paggabi na, muli kong tinignan ang phone ko. Walang message mula sa kanya. Hindi ko naman inaasahan. Hindi ko rin alam kung gusto ko. Hindi ko rin alam kung handa pa ba ako. Ilang segundo lang, may nag-pop na notification. Craulo: You up? Tumigil ang mundo ko. Huminga ako ng malalim. Ilang segundo ang lumipas bago ako nag-reply. Me: Door's open. And just like that, nagsimula na namang masunog ang mga patakaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD