Chapter 5: Survive

839 Words
Yumi's Point of View Late afternoon na. Wala akong klase ngayon dahil nag-announce ang prof namin sa GC na may importanteng urgent meeting siya kailangang punatahan. Halos kalahating oras na lang bago ako mag-closing. Wala nang masyadong customer kaya nagkakatuwaan na lang kami ni Trina habang nililinis ang mga gamit. Pagod man, somehow nakakagaan ng loob ang pag-uusap naming dalawa. "Alam mo, Trinz," bungad ko habang ini-sanitize ang nail tools. "Nakaka-inggit ka rin minsan. At least, may dahilan ka para magsumikap. May pamilya ka pang inaasahan." "Huy, don't say that," mabilis niyang sagot habang pinupunasan ang mesa. "Masakit maging breadwinner, lalo na 'pag saiyo lang umaasa ang lima mong kapatid. Pero wala eh, sino pa ba aasahan nila?" Tahimik ako sandali. I was never the breadwinner type. Wala na rin naman kasi akong pamilya para asahan ako. "Ako kasi, Trinz, nagsu-survive na lang. Hindi na para sa kanila, kundi para sa sarili ko." Napatingin siya sa'kin. "Your dad still hasn't reached out?" Umiling ako. "Wala. At ayoko na ring umasa." Sobrang bigat pa rin ng alaala noong umalis ako sa probinsya. Galing kami sa simpleng pamilya, sakto lang ang kinikita ni Papa bilang karpintero. Maayos naman ang buhay namin noon, kahit hindi marangya. Pero lahat 'yon nagbago noong pumanaw si Mama. Simula noon, parang naging ibang tao si Papa. Para bang ako ang sinisi niya sa pagkawala ni Mama. Lalo na nang tuluyan kong ipakita kung sino talaga ako. "Ikaw na lang ang lalaki sa pamilya tapos ganyan ka pa!" Isa 'yan sa mga linyang hinding-hindi ko makakalimutan. Sa bawat araw na kasama ko siya pagkatapos mamatay si Mama, mas lalo nitong pinaparamdam na wala akong kwenta. Hanggang sa isang araw, ginamit ko ang kaunting ipon ko at lumuwas sa lungsod. Hindi ko alam kung saan ako tutuloy noon, pero nakahanap ako ng isang murang dorm na exclusive for working students. I took the risk. I applied for several scholarships—some for l***q+ youth, others for academic achievers—and luckily, I got enough to enroll in BS Accountancy sa isang university. Mahirap. Kailangan ko mag-part time sa salon tuwing hapon hanggang gabi, from 4 PM to 9 PM, pagkatapos ng klase ko na 11 AM to 3:30 PM, Monday to Saturday. Ang daming kailangang isakripisyo. Pero at least, unti-unti, natututo akong tumayo mag-isa. Pagkauwi ko sa dorm after ng shift, bitbit ko ang pagod at kalungkutan. Maliit lang ang kwarto ko. Isang single bed, maliit na desk, isang cabinet, at isang electric fan. Gano'n lang. Walang kasama. Tahimik. Nakakatakot pero minsan, nakaka-relax. I locked the door and threw my bag on the bed. Tapos, dumiretso ako sa shower. Gusto kong mahugasan hindi lang ang katawan ko, kundi pati ang bigat sa dibdib. Pagkalabas ko, may message na si Craulo. Craulo: "Busy ka ba ngayon? Pwede ako r'yan? I miss you." Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung anong klaseng damdamin ang pinaparamdam niya. Pero sa tuwing sinasabi niyang 'I miss you,' parang gusto kong maniwala. Me: "I'm free. Just got home." Craulo: "I'll be there in 20." Mabilis kong inayos ang kama. Pinasok sa cabinet ang kalat. Nag-spray ng konting room scent. Nagsuot ng loose shirt at shorts. Tumingin sa salamin. Huminga nang malalim. Pagdating niya, dala niya ang paborito kong milk tea. "Vanilla for the queen," biro niya. "Thanks," sagot ko, sabay ngiti. He always knew how to make me feel special—kahit pa alam kong sandali lang ang lahat. Umupo siya sa kama, pinatong ang milk tea sa gilid. May bigla namang humila sa'kin. Napahiga ako sa tabi niya. Walang salita. Yung tahimik na presensiya niya lang ang nararamdaman ko. "You good?" bulong niya. "I guess." Hinaplos niya ang pisngi ko. "You don't need to pretend with me." At sa sunod na segundo, nagtagpo ang mga labi namin. Mainit. Mapusok. Mula sa halik, bumaba ang mga kamay niya sa baywang ko. Ramdam ko ang init ng palad niya, ang bawat haplos, bawat galaw—parang sinasabi ng katawan niya na kahit anong bigat ng mundo, narito siya, kahit pansamantala. Walang salita habang tinatanggalan namin ang isa't isa ng saplot. Ang katahimikan sa loob ng kwarto ay napalitan ng ungol at habol-hininga. Ilang ulit na naming ginawa 'to, pero bawat pagkakataon, parang laging bago. Laging sabik. Laging puno ng damdamin na pilit naming ikinukubli sa katawang lumalaban sa paglimot. Matapos ang lahat, nakahiga ako sa dibdib niya. Nilaro-laro niya ang buhok ko habang pareho kaming tahimik. "Hindi ako sanay ng ganito," bulong ko. "Na may taong willing na manatili kahit may lamat ako." He kissed my forehead. "Maybe I'm not that bad of a person, after all." Tumawa ako nang mahina. "Or maybe... pareho tayong magaling magtago ng sugat." Nakatulog siyang yakap ako. Ako? Gising pa rin, nakatitig sa kisame. Iniisip kung hanggang kailan ko kayang panindigan ang 'walang label.' Kasi sa bawat halik niya, sa bawat pagdampi ng palad niya sa balat ko, mas lalo akong nalulunod. At sa puso kong matagal nang sinisikap mabuo, pakiramdam ko... unti-unti na naman akong nababasag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD