Chapter 4: Roots

765 Words
Yumi's Point of View Thursday morning came with a strange kind of tension. Maaga akong dumating sa salon, mas maaga pa kay Trina. Malinis na ang floor, nakaayos na ang mga gamit, pero may kaba pa rin akong nararamdaman sa dibdib ko. "Yumi," tawag ni Trina pagkapasok niya. "May special request tayo ngayon, ha. 'Yung regular client ni Ate Marga, 'yung mayaman? 'Di ba, gusto ikaw ang humawak sa kanya. Mani-pedi, full package." Napalingon ako. "Ako? Bakit nga pala ako?" "Ewan ko nga rin," sabay taas ng kilay niya. "Basta sinabi ni Ate Marga na ikaw raw ang gusto. Sabi raw nung client, ikaw lang ang gusto niyang humawak sa kamay at paa niya. Maarte pero galante. Kaya good luck!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan lalo. Rare lang mangyari na ako mismo ang i-request, usually kasi walk-in clients lang ang mga naaasikaso ko. Trina usually gets the high-end ones dahil mas matagal na siya rito. Pero ngayon, tables turned. Habang inaayos ko ang cart ng mga tools ko, napatingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili kong naka-black shirt at apron, hair tied in a neat bun, light makeup lang. Simple pero maayos. At sa likod ng imahe na 'yon, naalala ko bigla kung bakit ako nandito sa lungsod. I wasn't born into comfort. I came from a small barangay sa probinsya—where rice fields stretch wider than dreams, and expectations were heavier than traditions. Doon ako lumaki. Doon ko unang natutunang hindi ko maipipilit ang sarili ko sa mundong ayaw sa akin. I was still Yumi back then. But to them, I was a 'he.' My mother understood—konti lang ang salita niya pero ramdam ko ang pagtanggap niya sa akin. Pero nang pumanaw siya two years ago, ang mundong medyo mapagpatawad, naging mas mapanghusga. My father... wasn't ready to understand. "Anak pa rin kita," sabi niya noon. "Pero hindi ko kayang tanggapin ang ganyang klaseng buhay." That hurt more than any slap. Kaya kahit masakit, lumuwas ako. Bitbit ang iilang gamit, konting ipon, at ang pusong pilit lumalaban. I took risks. Naghanap ako ng matitirhan—isang maliit na kwarto sa dorm. Humingi ako ng tulong sa mga ahensiyang nagbibigay ng scholarship, nag-apply sa mga eskwelahang tumatanggap ng working students. Until finally, I was accepted in an Accountancy program. Akala ko noon, ang pinakamahirap na parte ay ang pag-aaral ng debit at credit. Pero hindi pala. Ang mahirap ay 'yung magtimpla ng buhay bilang estudyante sa umaga, manikyurista sa gabi, at minsan, umiiyak sa pagitan. "Client's here!" tawag ni Trina. Naputol ang paglalakbay ko sa alaala. Huminga ako nang malalim, siniguradong maayos ang ngiti ko, at sinalubong ang client sa reception. She was tall, wearing an ivory blazer and gold accessories. Mid-30s siguro. May aura siyang mahirap sukatin—elegant pero cold. "Hi, Ma'am. Ako po si Yumi," bati ko. "Ako po ang mag-aasikaso sa inyo." Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, bago siya ngumiti nang manipis. "I've heard you're very careful with your hands. I don't like sloppy work." "Yes po, I'll make sure everything is precise." Tahimik siyang naupo sa recliner. I started with warm soak for her feet. Tahimik lang siya habang ginagawa ko ang pedicure. "Where are you from?" tanong niya, breaking the silence. "Pangasinan po," sagot ko, hindi tinitingnan ang mata niya. "Ah, kaya pala. You have that probinsyana charm. What made you come to the city?" Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ng totoo o kung magpapanggap ako. Pero sa totoo lang, pagod na akong magtago. "Pumunta po ako rito para mag-aral. Working student po ako ngayon. Accountancy." Napataas ang kilay niya. "Accountancy? That's tough. And yet, you work here?" I nodded. "Kailangan, eh. Kakaunti lang ang scholarship. I have to survive." She stared at me, then smiled a bit. "You're brave." Hindi ako nakasagot. It wasn't bravery. It was survival. Pagkatapos ng session, she paid in cash—and left a hefty tip. Trina almost screamed nang malaman niya. "Girl, ang laki ng tip! Ginayuma mo ba siya?" "Hindi," natatawa kong sagot. "Siguro natuwa lang sa serbisyo." Pero hindi ko rin maiwasang maisip... maybe for the first time, someone saw me beyond what I do. And in a world where people question who I am, maybe small recognitions like this are enough to keep me going. I may not have a full family anymore. I may not be accepted by the man who raised me. But I was building a life now—one trim, one polish, one dream at a time. And that was enough... for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD