Hindi ako mapakali buong araw, pero hindi ko rin hinayaan ang sarili kong mag-panic. Kapag natakot ka nang sobra, nagiging mali ang mga desisyon. At ngayon, kahit gusto kong magkulong sa bahay kasama si Selena at si Lola, alam kong hindi kami magiging ligtas kung hahayaan naming ang ibang tao ang pumili kung kailan at saan sila gagalaw. Nasa sala si Lola, tahimik, hawak ang rosaryo, pero ramdam ko ang kaba niya sa paraan ng pag-ikot ng mga daliri niya. Si Selena naman nasa kwarto, pero hindi talaga natutulog. Naririnig ko ang paggalaw niya, yung maliit na tunog ng kama, na parang hindi siya makahanap ng posisyon na “safe” sa katawan niya. “Shun,” mahina ang tawag ni Lola, parang takot siyang masaktan ako sa tanong niya. “Ano’ng nangyayari?” Huminto ako sa pag-check ng kandado sa pinto a

