MP 9-10

3722 Words
NUWEBE Farewell party sa agency. Tinanggap ko ang offer ni Miss Ingrid. Something na ikinatuwa ni Sanxyn. Mas magkakaroon na daw kasi ng chance na magkita kami ulit. "Thank you pala bunso sa pag-aalaga sa kapatid ko ha?" si kuya yan. After nung pageant, isang linggo na hindi nakapagtrabaho si Maam Nikee dahil nagkatrangkaso. "Kung pwede nga lang iconfine ko na e. Ayaw naman. katigas ng ulo ng kapatid mo." Natawa naman siya. "Believe me. Slight lang yung naranasan mong katigasan ng ulo niya." May pavideoke si boss. May mga gifts din akong natanggap. Masaya naman ang party pero mas masaya siguro kapag may alak. Haha. Kidding. Marami akong iuuwi! "Hatid na kita bunso." Offer ni kuya. "Nang makutusan ko na rin ang kapatid ko." "asan ang gift mo sa akin kuya? MAdaya ka ah." Natawa naman siya. "Pag-iipunan ko pa yung regalo ko sayo. Mga 4 years pa. haha!" "kotse ba yan?"biro ko. "Siguraduhin mong magugustuhan ko yan ah." Maya-maya ay nagring ang phone ko. Si Angel. >>>Uy... (Uhm tol..kumusta?) >>>okay lang. napatawag ka? (Uhm.ano kasi... pwede tayong magkita? Importante lang. Asap) >>>Ngayon na ba? (oo sana e. Itext ko yung address ha? Sunod ka na dito.) Nagpaalam na ako sa kanya. Uuwi muna ako para makapagbihis. Hindi ko na rin kasi gusto ang amoy ko. expired na ang ligo ko kumbaga. Yung magkapatid? Hayun nagpapatayan sa sala. Haha. Ewan sa mga yan. Aso at pusa e. Binilisan ko na ang pagkilos dahil panay na ang tawag ni Angel. Akala mo e girlfriend na hindi mapakali pag hindi irereply. "Kuya, alis na ako. maam, late akong uuwi mamaya." "Saan ka pupunta?" Nanay lang? "Kikitain ko yung kaibigan ko ho maam. Bukas na ako uuwi." -- Kasama ko na ang barkada. Present din si Gemini. Medyo awkward na naman. Nagfaflash ang name ni Sanxyn sa caller ID. "Excuse lang ha? Sagutin ko lang to." Lumabas na muna ako. >>>Hey... HIndi ako nakamessage. Kasama ko na sina Angel... (Uhm defensive. Ha ha. I miss you! Uwi ka na nga agad.) >>>wow ha. agad-agad naman. kararating ko lang e. clingy ka bigla ha (uhm miss nga kita. Sige na nga balik ka na sa mga friends mo) Nagpaalam na rin ako. Pagbalik ko sa resto ay nakaready na ang inorder nila. Sa tabi lang ni Gemini ang vacant seat. "Kumusta ka na?"tanong ko sa kanya. "Pumayat ka." "Okay lang. Sinusubukang maging okay." Nilagyan niya ng pagkain ang plate ko. Namamawis yata ako kahit malakas ang aircon. "Thank you." "Sus! Muling ibalik na ba ito?" si Shane yan. "Pero ayos no? Second chance. Why not. Still hoping." Tuloy tuloy na sabi niya. "Chill nga lang guys."sabi ni Angel. "Huwag na natin munang pag-usapan yang lovelife at baka ma-awkward na naman tong dalawa" Naging masaya naman. Nabanggit ko na sa Persona na ako magtatrabaho. Masaya naman sila pero nagbilin agad ng pasalubong if ever may international shows daw. Ayos diba? Barkada talaga. It's almost 11:00. Hinihintay namin ni Gemini si Angel dito sa labas ng resto. Nagsiuwian na kasi sila kaming tatlo ang magsasabay na uuwi sa apartment nina Gemini. "Saan ka na nagtatrabaho ngayon?"tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Nagmamasters ako. Balak kong magtake ng civil service exams then mag-apply sa university sa atin." "Pangarap mo talaga magturo ha." Ngumiti siya. "wala akong direksyon ngayon. gusto ko lang mag-explore. Baka yun talaga ang calling ko." "Okay. Kung saan ka masaya, susuportahan naman kita." Ngumiti naman siya. "Namiss kita." Niyakap ko siya. Walang salitang lumabas sa bibig ko. feeling ko lang gusto ko maramdaman ang yakap niya. o gusto ko siyang yakapin. "Bakit parang hindi na tayo magkikita."Rinig kong sabi niya. "Good bye hug na ba to?" Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. "Siguro. Moving on hug?"natatawa kong sagot. "Wala na akong sama ng loob sayo. Pakatandaan mo yan." Ginagap niya ang magkabilang pisngi ko. Parang wala na siyang pakialam sa mga costumers na nakakakita sa amin. "Imememorize ko lang ang mukha mo. Angtanga kong iniwan kita." Ang puso ko, parang gustong sabihin kapit pa. baka pwede niyo pang ituloy ulit.PEro walang lumabas sa bibig ko, natalo na yata ng utak ko ang puso ko? Binitawan na niya ako. "Ikaw pa rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." tanging sabi niya at kinintalan ako ng halik sa pisngi. "Be well Chloe." -- Mag-alas dose nang makauwi ako sa apartment. Gising pa si maam Nikee. Nanonood pa ng late night news. "Oh akala ko ba bukas ka na uuwi?" Naupo ako. "parang awkward lang na magkasama kami ng ex ko kaya umuwi na lang ako." "Inihatid ka?" Umiling ako. "nagtaxi na lang ako." "Alam mo? next time? Kahit awkward man yan? Huwag ka nang umuwi pag ganitong oras na. Maliban lang kung ihahatid ka." "You don't know the feeling." "Huwag mo akong gaganyanin Chloe."Medyo pagalit na niyang sabi. "Next time ha? Makitulog ka na lang kaysa umuwi ka nang ganitong oras." "Oo na maam." Hindi na siya umimik. Itinuon na niya ang pansin sa panonood. Maya-maya ay tumayo siya. "Inaantok na ako. ikaw na mag-off ng tv. Aalis ka ba bukas? Kung aalis ka e magluluto ako nang maaga." "Don't bother maam. Mabibinat ka pa. Ako na lang magluto." -- Pinadala ako ni Miss Ingid sa launching ng wedding collections ng Persona. Napaaga ako ng dating. Yung mga press people nagseset up na. Ito ang unang assignment ko under Persona. Hindi ako dapat pumalpak! Nagvibrate ang phone ko. Malakas ang kutob kong si Sanxyn to. Sabi na nga ba e. >>>Hello... good afternoon sayo... (hmm. Hi... I miss you...) >>>haha! Clingy ha... uhm... kumusta ang tulog mo? Ngayon ka lang nagparamdam ha... (Namiss mo ako no? uy..sabi ko I miss you..) Bakit ba hindi ko masabing miss ko siya nang buo sa loob ko? may pumipigil sa akin. (Chloe...) >>>yeah? (Bakit ka nakasimangot jan?) >>>Huh? Hindi kaya. Hindi ako nakasimangot... Naalala ko yung batt ng camera ko. Kinalikot ko sa bag baka hindi ko naman nadala. Tsk. (So anong hinahanap mo diyan?) >>>Ano? Anong hinahanap? Hindi na siya nagsalita pero sa peripheral view ay parang may papalapit sa akin. hindi ko na pinansin dahil mas kailangan kong hanapin yung battery. "(Sabi ko anong hinahanap mo...) Wait. Wait lang. Iniangat ko ang tingin ko. Naumid ako dahil heto siya nakangiti sa akin. ni-cut na niya ang call at nilagay sabag ang phone ko. "So I guess, nasurprise kita. Hello miss Chloe. I said I miss you." Hello Chloe! Galaw galaw din! Goddess ang nasa harapan no? "Anong ginagawa mo dito?" Natawa naman siya, pero niyakap niya ako. saka tinapik tapik sa pisngi. "HIndi naman ako multo diba? So bakit ka namumutla?" Napailing ako. "wala wala. Kasi hindi ka nagsabing uuwi ka." "Ano ka ba? Para san ang surprise kung sasabihin ko diba? Hmm,talk to you later Chloe. I'll wait after your work. Sa back stage na lang." -- Tapos na ang event. Pinuntahan ko siya sa backstage. Kausap pa niya ang isang make up artists. "Wait lang ha?" sabi niya dito saka ako hinigit palapit sa kanila. "Mama chi, this is Chloe. New friend ko. Chloe si mama Chi. Super galing na make up artist ko." "Ano ka ba naman Xyn. E ako lang naman ang make up artist niyo ni Gie." Ngumiti lang si Xyn. Nagpaalam na rin kami. Ininform ko si Miss Ingrid na tapos na ang event. Bukas na lang daw ako magreport sa kanya para ipakita ang mga shots and for her to select kung ano ang ipapublish. "Where do you want to eat?"tanong niya. "Ikaw na pumili. Baka may namiss kang kainan dito? Treat ko." Napaisip siya. "Gusto ko ng inihaw na bangus." Napangiwi ako. haha! Gosh! Hindi ko gusto kasi yun e. Natawa naman siya. "Kidding. Nabanggit mong hindi mo yun favorite. Uhm, may alam akong karindirya e. haha." "Kumakain ka dun?!" Napataas ang kilay niya. "Ikaw ba hindi?" "Kumakain. Hindi ko lang maimagine na kumakain ka din pala dun." "Masarap dun. Tara." "Baka pwedeng magpalit ka muna? Pagtitinginan tayo dun e. Tamo yang suot mo." "Hayaan mo na. Nagkicrave ako sa sisig ni Aleng Telma e. sana nandun pa yung pwesto niya." -- Sabi ko na at pagtitinginan kami e! Mula sa LRT,sakayan ng tricyle. Tas ito kumakain na nga kami at lahat may mga ilang napapasecond look sa kanya. "Alam mo? hindi ako makakain pag ganito. "reklamo ko. "Subuan kita?" subuan? Nagkakamay kaya siya. nang-iinis to e. "Kain ka na. Suki ako dito noong high school pa ko. Hindi nakakalason dito." Yung aleng telma na sinasabi niya, nakikipagkwentuhan pa sa kanya. at nagsisigawan sila ha. natatawa ako dito kay Sanxyn e simot sarap yung kanin sa plato. "Masarap yung bulalo dito. Gusto mo i-try?" "Busog na ako e." Napasimangot siya. "Diet ka naman lagi. Nakakainis kang ilibre." "Sige na sige na. itatry ko na." Nagliwanag naman ang mukha niya. Umorder siya ng bulalo. Habang kumakain kami puro high school memories ang kinukwento niya. "bakit ka nga pala bumalik ng Pilipinas?" Naging seryoso ang mukha niya. "Tinatanong talaga? Uhm may ilang offers kasi dito. Hindi ko matanggihan kasi close friends din sila saka sila yung mga tumulong sa akin noon." "Ah okay... How long you'd be here?" Nagkibit-balikat siya. "depende kung gang kailan mo gusto." Napatingin ako sa kanya sa pagkagulat. Natawa ulit siya. Pinagtitripan lang yata ako nito. "joke lang. Uhm I really don't know. Ayoko pang isipin yon. work muna." -- Kahit pauwi na ako ay naka-on going yung call niya. Hindi naman kami nag-uusap. Naka-hang lang. "uhm Xyn, nakauwi na ako e. baba ko na ha? Lowbatt na rin kasi." Hindi siya sumagot. Baka nakatulog na rin yon. 10:00 na. nadatnan kong nag-eencode si Maam sa may sala. Medyo nagkalat ang mga papel. "Nagdinner ka na?" tanong niya pero focus pa rin sa monitor. "Oo. May dala akong sisig. Gusto mo maam? Ipapainit ko lang." "Lagay mo na lang diyan. Mamaya na ako kakain. May ginagawa pa ako dito e." Naupo ako sa may sofa. Dadamputin ko na sana ang ilang papel pero pinigilan niya ako. "alam ko ang ayos niyan. Huwag mong papakialaman." "halla? E makalat nga e." Matalim ang tingin niya sa akin. "Dun ka na nga sa room mo. tsk. Kulet e." Pinagtimpla ko siya ng kape. Kalalim na ng eyebags e. Baka naghahabol ng lesson dahil isang linggong absent. "Maam! With milk or creamer?" "Milk!" sagot niya. "Less sugar!" "Cake? Bread? Ano? Ndi pwedeng kape lang." SInundan na rin pala niya ako. binuksan ang rice cooker. "Magdidinner na muna ako." "Hindi ka pa nagdinner? Anong petsa na maam." "Busog pa kasi ako kanina. Saka okay lang to. hindi naman ako matutulog. Tambak trabaho oh." Nang kumakain siya at naupo ako sa tapat niya. "Angworkaholic mo no maam?" "Kailangan e. Parang ikaw." Napahilot siya sa batok niya. "Putragis kasi angdaming bagsak ng mga estudyante ko. Parang angbobo ko tuloy." "alam mo maam? Hindi ganyan e. Tamad lang sila. imotivate mo sabihin mo ibibitin mo nang patiwarik kapag hindi pumasa." "Baliw ka din. Hay. Palibhasa yung pinalitan kong instructor nila pa-easy easy lang. nadamay tuloy ako." "uhm ganito na lang maam. Sabihin mo kapag pumasa sila sa finals ililibre mo sila sa swimming." "Adik ka ba? Hindi ako ganun kayaman para ilibre ang dalawang sections no." "uhm de foods na lang? Sagot ko na." "Weh?" "Pramis."tinaas ko ang kanang kamay ko. "Naalala ko yung instructor namin noon e. bagsak talaga kami lahat sa prelims. Sabi niya ililibre daw niya kami pag pumasa kami sa mid terms at finals. E mukha kaming pagkain. Ha ha! hayun. Picnic sa classroom. College na kami niyan a. favorite teacher namin yun e." Napaisip siya. "Sige na maam. Don't worry sa foods. Magaling kang magluto e. Tas si kuya Kein kukulitin natin. Ha ha!" "Sige sige. Sana hindi umepal yung girlfriend niya." "bakit ba ang-init ng dugo mo sa girlfriend ng kuya mo?" "Wala. Naiinis lang ako kasi sa kaartehan niya. Anyways, thank you in advance." "Anytime Maam. Hmm. May tanong ako maam." Tiningnan niya ako na parang sinasabing "Game anong tanong mo?" "Hmm. Wala ka bang boyfriend? Wala man lang dumadalaw sayo dito." "Diba sabi ko sayo may goal ako? 3 years. After that baka sakaling gustuhin ko nang makipagrelasyon." "Oh... okay...Boring naman yun? Tatlong taon pa?" "Mabilis lang yon. At kagagaling ko lang din sa isang hindi healthy na relationship kaya gusto kong magpahinga muna to."turo niya sa puso niya. "talaga? Kwento ka naman maam." Iniisyo ko na siya kasi wala nga akong alam sa buhay niya bukod sa routine niya sa wrok at bahay. Sandali siyang napaisip. "Ayoko nang pag-usapan Chloe e.Hindi ko siya mahal kaya hiniwalayan ko siya. Unfair naman kasi yung nag-a-I love you ako sa isang taong hindi ko naman mahal." Hindi na talaga niya ako gustong mag-usisa. Sinamaan na ako ng tingin e! -- DIYES Chaos! Chaos sa office dahil highblood si Miss Ingrid. Hindi naman sa department namin siya naiinis. HIndi ko na rin inalam baka pati ako ay mabugahan ng apoy no. Better safe than roasted. Angtahimik! May kailangan pa pala akong ipakita kay miss. Paano ako nito? Kaya ko bang harapin ang dragon? "Chloe, gusto kang makausap ni Miss Ingrid." Luh! Bago ako pumasok sa office niya ay winarningan ako ni Miss Zynthie. "Huwag kang masyadong sumagot sagot ha? Mainit ulot ni Maam." Tumango ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakahawak siya sa noo niya habang nakatingin sa laptop. "Pasok ka." Sabi niya pero hindi ako tiningnan. "Maam ito po yung photos. Ito na yung mga napili niyo." Inilapag ko yung envelope sa mesa niya. "Are you dating one of our models?"tanong niya pagkasara ng laptop. "Si Sanxyn ho ba maam?" "Sino pa ba? May iba pa bang models na nakikipagkita sayo?" Gosh. Nakakatakot tong awra ni Maam. "Lumalabas kami maam pero hindi yung date. Gaya ng mga inaassume sa news. Bawal po ba yun sa company maam?" Napabuntong hininga siya. Umiling siya. "Pero as much as possible, Don't get involve romantically. Atleast not for now." "I assure you maam, we're just friends. Click lang kami ni Sanxyn siguro." Tumango-tango siya. "Okay. Gusto kong patunayan mo sa mga kasabayan mo dito na hindi ako nagkamali sa pagpili sayo. At sana hindi maapektuhan ng personal mong problema ang trabaho mo." "Yes maam. Thank you sa tiwala." Paglabas ko ng office ay nakatingin silang lahat sa akin. SIguro chinechek kung buhay pa ako. nag-okay sign lang ako sa kanila. Si miss Zynthia naman nagmouthed, "Galit pa ba?" Umiling ako. Bumuntong hininga siya saka kinuha ang folders. Siya naman daw kasi ang gustong makausap. Haha. Kabado si miss! Nagvibrate ang phone ko. XYN: Lunch tayo. Dito ako sa parking lot. Nagpaalam na ako kay Miss Ingrid. -- Nakasandal siya sa kotse. "Hi Miss." Bati niya sa akin saka kami nagbeso. "Tagal mo ha." "Sorry. Uhm let's go? Gusto ko sa KFC." "Demanding."natatawa niya akong pinagbuksan ng pinto. "Hop in Miss." "Kailangan talaga ng ganito? Like hindi ka naman lalaki."reklamo ko. "Ofcourse! Dahil bisita kita." Pagkasakay ko naman ay tumatawag si Miss Zynthia. >>>Hello.. Bakit maam? (Saan ka na? May kailangan kayong puntahan ni Miss Ingrid mamayang 2:00.) >>>maglalunch lang. Si Sanxyn naman ikinabit niya ang seatbelt ko. Hays! Yung perfume niya! yung buhok pa niya angbango! (Hello..andiyan ka pa? Chloe?) >>>yeah yeah. I'll be there after this. (okay. Sige. Bye.) Inilagay ko na sa bag ko ang phone. "kailangang kong bumalik before 2:00." Bakit mukha siyang upset? Pinaandar na niya ang kotse. HIndi ako kinakausap habang nagmamaneho. Anong nagawa ko naman dito? Nasa KFC na kami. Ako na ang pumila dahil mukhang may dalaw tong kasama ko. Installment pa yung order namin. naku naman. gutom na ako. "10 mins pa daw." Nilapag ko ang tray. "Juice ka muna oh." Sumimsim naman siya. "Sino yung tumawag?" "Huh? Bakit mo natanong?" "Bakit mo ako sinagot ng isa pang tanong? I want to know. Who called?" "Miss Zynthia. Secretary ni Miss Ingrid. About work." "Work."sabi lang niya. tamang dumating ang order namin. "Kain na tayo. Para maihatid na kita." "magcommute na lang ako. Baka may lakad ka pa." "Uhm have I told you that I don't take no for an answer?" naiinis niyang sabi sa akin. "Kaya bilisan mo nang kumain diyan. Baka magalit si Miss Ingrid. I don't like her when she's mad." Kaunting kwentuhan lang dahil tumatakbo ang oras. Nagpatugtog naman siya saka niya sinasabayan. Can't Cry Hard Enough. "May naalala?"biro ko sa kanya. Feel na feel naman kasi niya. "Makikinig ako sa kwento mo oh." Umiling siya saka inoff ang music. "You are impossible. Kakanta lang may naalala na? Assuming ka babe." "Babe?" takang tanong ko naman. May term of endearnment bigla? Ngumiti naman siya. "Pangit ba? Cute naman diba? Babe." "Hindi ko lang gusto yung idea na may babe pa." "Oh come on. you call me by my name. No worries. Basta gusto kita tawaging babe." "Bahala ka nga." Talo na ako e. Tinext ko na si Miss Zynthia na pabalik na ako sa office. Heto naman si Sohpie. Tumatawag. Bakit indemand ako ngayong araw na to? >>>oh? Bakit mhie? Hmm. Mamhie tawag ko sa kanya. Dadhie naman sa boyrfriend niya. haha. Panganay akong ampon! (Hoy babae! Miss na kita kumain tayo sa labas mamaya. Tinawagan ko din si Rica susubukan daw niya.) >>>Anong oras mhie? Sunduin mo ako ha? haha! Biglang binilisan ni Xyn ang pagdadrive. Buti nakaseatbelt ako! hay! Hindi ko na tuloy naintindihan yung sinasabi ni Sophie. >>>ano na yung sabi mo? (Sabi ko may out of town si boyfie kaya stay muna ako sa bahay mo. okay lang kay maam diba) >>>Ah okay. Welcome ka dun mhie. Haha. Ikaw na rin maglinis ng kwarto ko ha? bye na. Binaba ko na ang tawag. Tamang red ang traffic light. "Nananadya ka ba?" inis niyang baling sa akin. "ayaw mo ng babe tapos may katawagan kang Mmy? Ano tawag sayo? Baby?!" "Bakit ka ba galit? Nawiweirdohan ako sayo. Alam mo ba yon?" "Tsk."itinuloy na niya ang pagdadrive. Nasa tapat na kami ng building. "Ako na ang magbubukas." Ano pa nga ba? Makadagdag pa ako sa badtrip niya kung bababa na ako. "Susunduin kita mamaya."sabi na naman niya. "Huwag na. Magcommute na nga ako." Inirapan niya na naman ako. "Sabi ko susunduin kita. Itext mo location niyo ni Miss Ingrid." "Bakit mo ba ginagawa to? Ano kita boyfriend? Tsk. I mean girlfriend? Hindi mo ako kailangang sunduin." Napasuklay siya sa buhok niya. Naiirita na naman. "God! Alis na nga ako. Pasok ka na. Magagalit na si Miss." -- Nakauwi na ako by 6:00. Isinama kami ni Miss Ingrid sa birthday. Anak ng investor. Wala pa si Maam. Nagluto. Nagtingin ng isusuot para sa lakad namin mamaya nina Sophie. Past 7 na siya dumating. Tamang nagsusuot na ako ng sapatos. "May lakad?" "Magkikita kami nina Sophie. Nagtatampo na e." "Yung mamhie mo? Sinong kasama niyo?"tanong niya pagkalapag ng bag niya sa sofa. "Susunduin ka ba?" Tumango ako. May nagbusina. "Baka siya na yan." "Babe! Nakauwi ka na ba?" Babe?! Nagkatinginan kami ni Maam. Si maam ang nagbukas ng pinto. "Pasok ka." Mukhang naguguluhan ang tingin ni Sanxyn. Pinakilala ko sila sa isa't-isa. "You live here too?" Tumango si Maam. "Kaibigan mo din sina Sophie? Ikaw ba ang susundo kay Chloe?" "uhm. .actually I just want to visit her. And I was surprise na may ka-live in na siya" Pigil ang tawa ni Maam! "oh okay? Live in." tinatapik-tapik ni Maam ang balikat ko. "I-lock mo yang pinto pagkaalis niyo." -- Gulat din si Sophie pagdating niya dahil dito kay Sanxyn. Hayun makikibonding din daw si Xyn. Hindi ko maintindihan ang ngiti ni Sophie. Naratnan na namin si Rica sa Resto. Nakaorder na nga din siya dahil sinabihan na siya beforehand ni Sophie. "akala ko magbabar kayo."sabi ni Xyn. "Hindi pwede si Baby dun." Siniko si Sophie. Nangulimlim kasi ang expression ni Xyn. Natawa si Rica nang sabay na lalagyan nina Pie at Xyn ang plate ko. "ako rin, palagay." Sabi niya. Si Pie ang naglagay sa plate niya. "Ubusin mo yan para tumangkad ka." "Sure sure." Si Rica ang nagdala ng kwentuhan. May live band dito dito. Game na game si Sophie na kakanta daw. "Baby anong request mo?" "Ha? Insensitive."sagot ko naman."Galingan mo ha? Yung with feelings Mhie!" Nagwink pa siya. Baliw to. Tawa naman ng tawa si Rica. Pano kasi? alam niyang song destroyer tong si Pie! Nung nagstart na siyang kumanta halos magtakip ng taingan si Rica. "Galing mo Mhie!" sigaw ko naman. ha ha! Suporta sa kaibigan! "Mas magaling ako diyan." Si Xyn yan. "Huwag ka nang kumanta."Awat ko sa kanya. Paano kasi tatayo na siya. Baka magrequest pa to no. mahirap na! Kasi sure na magerequest ulit si Pie. De hindi na kami makakauwi! "Kasi naman..." urat na talaga siya. May tumatawag sa phone ni Sophie. Si dadhie! Ha ha. Ako na ang sumagot. Lumabas muna ako ng resto para malinaw. >>Hello dhie! (Chloe? Asan si Sophie?) >>>Hulaan mo dadhie. Haha nanditp kami sa resto e. (Kumakanta na naman?!) >>yes! With feelings pa. ha ha. Bakit ka nga pala napatawag? (Chinecheck ko lang kayo. Sino pala yang kasama niyo? Sabi ni Sophie e dikit nang dikit daw sayo.) >>>Luh chismosa talaga tong si Mamhie. New friend ko. Hindi naman dikit nang dikit grabe. "Babe... tagal mo naman." Si Xyn. (Babe! Hoy! Girlfriend mo na siya?) >>>haha! HIndi. Sige na. Papasok na rin ako. "Bakit mo ako sinundan? Sinong kasama ni Rica?" Kinakagat niya ang lower lip niya. "anyare? Bakit nga? Pasok na tayo." Pinigilan niya ako sa kaliwang braso. "Babe, may relasyon ba kayo ni Sophie?" "Ano?! Sinundan mo ako para lang diyan?" "Bakit ba? Gusto ko manggaling sayo. Meron o wala lang naman. May relasyon ba kayo?" "Wala." Tangin sagot ko. "Pasok na tayo." This time, humawak siya sa braso ko. Tense? Medyo. Kasi kung umasta si Xyn parang girlfriend. Hindi naman ako manhid talaga, ayoko lang ientertain yung thoughts nab aka may feelings siya sa akin. Hindi na kami nagtagal sa resto. Si Xyn ang naghatid sa akin. ramdam kong may sermon akong maririnig dahil tahimik siya buong byahe. "May sasabihin ka?" tanong ko nang marating namin ang tapat ng apartment. Umiling siya. "Malaki ka na e. Basta nandito lang kami ni Rica." "Thanks. Pasok na ako." "Bigay mo to kay maam nikee. Pasalubong." Sisig. Siguradong happy kid na naman si Maam nito. Speaking. Nakadukdok si Maam sa mga paperworks niya sa may dining table. Gosh! Hindi na ako nag-atubiling kuhanan siya ng picture. Ha ha! Ginising ko na siya. Hayun! Parang wala sa sarili e. pagkagising e kukurap-kurap pa siyang tiningnan ako tapos pumanhik na. Paano tong mga papel? Magagalit yung pag niligpit ko. Kinuha ko yung mga Snickers sa kwarto ko. bawat chocolate nilagyan ko ng sticky note. Encouragement lang kasi baka iniisip na naman niyang hindi siya magaling na teacher. Saka ko ipinatong sa mga paperworks. Hindi na to hahanginin. Marami kasing chocolates e. Nakahiga na ako. Iniisip ko yung treatment sa akin ni Sanxyn. Hay. Parang angbilis lang Lord? Sabi ko naman kaibigan lang okay na ako e, bakit parang love life agad ang pinadala mo? Speaking. Tumatawag siya. >>>hmmm... (Hello babe...) >>>yes? Late na oh... (Gusto kita makausap...inaantok ka na babe?) >>>Medyo... Ikaw? HIndi ka makatulog? (Oo e. Iniisip kita.) >>>hey. Breezy mo. haha! Clingy ka na kanina. Gang ngayon... (Bawal ho ba? Close kayo ni Sophie no. nakakainis. >>>lagi ka bang ganito? (what?) >>>Laging outspoken? Direct to the point? Walang pasikot-sikot? Natawa naman siya. (Why? Gusto mo ba yung nagpaparinig pa ako? I like you. It isn't hard to say it. I like you Chloe.) Naumid naman yata ako. (Still there babe? I said I like you. Wala kang reaction?) >>>dapat ko bang sabihing gusto din kita? (No. Siyempre hindi. I can wait.) >>>Sorry huh? I'm a bit confused. (Okay lang. Sabi ko nga I can wait. Matulog ka na. huwag mong ibaba ang tawag ha?) >>>Okay. Good night. (Good night babe...) Hindi naman ako matutulog talaga. Pinapakinggan ko yung kanta sa background niya. INSENSITIVE yung music e. Tapos maya-maya kumakanta naman na siya. Inaaral pa niya? Paulit-ulit e. Ang model na may topak. Sabi ko sa isip ko. na may gusto sa akin. hay. Yung ginagawa kong paghihintay noon kay Gemini hanggang makatulog siya, ito namang ginagawa ni Xyn. Medyo hindi ako sanay na ako yung tinatrato ng ganito. Dapat masanay ka na.May gustong gawin ang katangahan mo noon e. sabi ng konsensya ko.grabe katangahan talaga ah. --  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD