MP 11-12

4506 Words
ONSE Naapreciate ko ang ginugugol na atensyon at panahon sa akin ni Sanxyn. Napapansin din ito nina Sophie. Hindi na rin daw ako bugnutin at hindi ko na rin nababanggit si Gemini. Mahigit isang buwan na rin na exclusively dating kami ni Xyn. Susunduin niya ako kapag wala siyang shoot. Maglalunch kami kapag nasa malapit na location lang siya. Dadalaw siya sa apartment para ipagluto kami ni Maam Nikee. Marami pa siyang effort na iniexert. Sino naman ang hindi matutuwa sa ganun diba? Kaya heto aminado akong unti-unti nahuhulog ang loob ko sa model na to. "Babe, okay lang tong suot ko?" Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya tinatawag na babe. Pakipot nga daw ako sabi ni Sanxyn e. tiningnan ko siya from head to toe. "Okay na..." "Are you sure?" Pinagmasdan niya ulit ang reflection niya sa salamin. "Tumataba ba ako babe?" "maganda ka pa rin." Sinimangutan niya ako. "babe naman e! Sabi ko tumataba ako. hindi ko tinatanong kong maganda ako!" Epic talaga siya. Gustong gusto ko ring asarin tong si Xyn e. Cute kasi niya. Tinabihan ko siya sa tapat ng salamin. Nagback hug ako sa kanya. "Kaya pa naman kitang yakapin. Payat ka pa." Humarap siya sa akin saka ikinawit ang mga braso sa batok ko. "Masaya ka ba nakasama ako?" "Bakit mo naman natanong yan?" Nagsimangot siya. "Hayan ka na naman e. Sinasagot mo ng tanong ang tanong ko." Hinalikan ko siya sa noo. "Baliw. Masaya ako. Nakailang tanong ka na niyan this week ah." Tuluyan na niya akong niyakap. "I just want to know if I'm making you happy and forget her." "teka. May isyu ba tayo dito?" Nakwento ko na sa kanya nang slight ang tungkol kay Gemini. Medyo triggered yata ang emotion niya dahil panay tanong niya kung masaya ako sa kanya. "Okay tayo." Sagot ko naman. "Ikaw ang umiisip e. Hindi ako.biro ko sa kanya. "Crush mo na siguro yung ex ko no?"Biro ko pa. Marahan niya akong tinulak. "Tsk. Bakit ko namn crush yun. I'm just..." "Jealous."pagtutuloy ko."Selosa ka kasi. Cute mo naman." "Ewan ko sayo. Nagseselos nga e." -- Aattend kami ng mass kasama ang ibang empleyado ng Persona. Kasunod nito ay isang thanks giving party ng Persona. "Gusto kong bumili na ng kotse." Paglalahad ko sa kanya habang papunta kami sa Church."Or motor." "ayaw mo nang sunduin kita?" may tono ng pagtatampong tanong niya. "Hindi sa ganun. Naabala na rin kasi kita. Gusto ko rin na may sarili akong sasakyan." "So ako na ang susunduin mo?" Ngiti naman niyang sulyap sa akin. "I'll help you with it. Kailan mo gustong magtingin?" "Actually, si Kuya Kein na napagtanungan ko. May pinsan kasi siya na dealer din." "Okay." Tahimik na ulit siya. May nasabi na naman ba akong masama? Hanggang makarating kami sa church ay hindi niya ako pinansin. Panis na nag laway ko. "Icancel ko na lang yung kay Kuya."sabi ko. "Pwede ba tayo next week magtingin?" "No babe. Okay lang." sagot naman niya. "Baka din magsawa ka sa mukha ko kapag ako lagi ang kasama mo." "Hindi ka naman nakakasawa kasama." "Baba na nga tayo. We're just on time." -- Nakaupo kami kahanay ng ibang empleyado. Nung peace be with you na hindi ko siya matingnan deretso sa mata dahil baka naiinis pa rin siya sa akin. Tapos na ang mass. Nakipag-usap pa siya sa ibang models sa labas ng church. Ako naman ay hinihintay lang siya. Nilapitan ako ni Miss Zynthia. "Deretso na kayo sa hotel ha?" "Yes Miss. Hinihintay ko lang si Xyn." "Kayo na ba?" may halong pag-aasar na tanong niya. "Umiling ako." "Okay. But you look good as a couple. Sige ha? Mauna na ako. Ingat kayo." Pinagmamasdan ko pa rin si Xyn. Anglight ng aura niya. Parang tuwang-tuwa sa kanya lahat ng kausap niya. Nagvibrate naman ang phone ko. Si Sophie. Hindi siya makakadalo dahil nasa Ilo-Ilo sila ni Dadhie. >>>hello Mhie... (Kumusta ka diyan? Walang paramdam ha. Nakakatampo.) >>>Haha. Walang load? (haha. Adik! Sinong ginago mo? ang sabihin mo busy ka sa Sanxyn mo. So kumusta kayo? Nakita ko mga pictures niyo sa twitter ha. Kayo na ba?) >>>Hindi pa. (What? Halos magpalitan na kayo ng mukha ah. Hindi pa kayo niyan?) >>>E hindi pa nga. Uhm sa tingin mo? Go na ako sa next level? (Anong ikaw lang? Kayong dalawa. Level up na yan. Pero hinay hinay lang ha? Fragile ka pa.) >>grabe siya. Oh sige nandito na kasi siya. Bye muna mhie. "Pwedeng ako na nag magdrive?" Kunot noo naman siya. "Sigurado ka?" Tumango ako. "Hindi ako makikipagkarera. KAwawa na tainga ko sa'yo e." Binigay niya ang susi sa akin. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto. "Sakay na po kayo Miss." Dahil ako ng driver, playlist ko rin ang ipapatugtog ko. Puro dance mix. Ha ha! Naiirita siya dito e pero wala siyang magagawa. Isinandal niya ang ulo niya habang nakatingin sa labas. "Hindi ko yata kayang hukayin ang iniisip mo. anglalim e." "Hindi naman. Iniisip ko lang yung offer ni Miss Ingrid sa summer collections." "Oh? Persona for good ka na?" "Gusto mo ba?" "Siyempre! Masaya kaya yun. Sa iisang company na tayo. Baka ko pa ang kukuha ng shots mo. Diba cool yon?" Hindi siya umimik. "Mas gusto mo ban g Free Lance? Or plan mong bumalik na rin sa Paris?" Hindi siya ulit umimik. Anong pumipigil sa kanya? Good offer na yon kung tutuusin. HIndi naman pinapabayaan ng Persona ang mga models nila. "Babe...Nagsasawa ka na ba sa paghihintay sa akin?" Napatingin niya sa akin sa pagtawag ko sa kanya. "Ulitin mo nga yung sinabi mo?" "sabi ko nagsasawa ka na ba?" "Hindi yon. You called me babe." "Oh tapos?"pagmaang-maangan ko naman. "babe? Babe? Babe?" "Itigil mo nga diyan sa gilid." "Ayoko! Kokornerin mo na naman ako." Pagkontra ko sa kanya. "Kissing monster ka e." "Tsk. Nakakainis ka!" Haha. She's so adorable. She loves kissing me. May ilang beses na bigla na lang yan hahalik sa pisngi. Or pag may kinaiinisan na model na napapalapit sa akin ay hahalikan ako bigla sa lips. At hindi pa kami niyan. Exlusively dating pa lang. "Bakit ba ako nakakainis?" "Wala." Pagtatampo niya ulit. "Nagpapakilig ka sa hindi tamang pagkakataon. Kanina pa kita gustong halikan. Nakakainis ka." She speaks what she thinks. Isa sa mga nagustuhan ko din sa kanya. Kabaliktaran ng ugali ko. Red light! "Babe..."tawag ko ulit sa kanya. "Masaya ako na nakakasama kita..." "Chloe naman. sa lahat ng pwedeng pagconfessan dito pa talaga sa traffic jam?"nagpout siya. "Nakakainis..." "Hindi naman po kasi ako tulad ng ex mo na maraming alam na pakilig." Sabi ko na lang. Hinintay ko na ang go signal. "Uy sorry. I'm just kidding." Hingi niya ng tawad. "babe. Sorry..." "Okay lang." tugon ko. "Don't worry." Pinisil ko ang pisngi niya. "We're good." -- Pagdating sa party naging busy na rin kami sa pakikihalubilo sa ibang kaibigan at empleyado. May mga dating empleyado na dumalo din. "We're glad to meet new talents."Sabi nung isa. "Make us proud." Ngiti at pagsang-ayon lang ang naging tugon namin. Solve naman ang foods and drinks. Nakakaramdam lang ako ng boredom dahil wala si Sophie. Busy rin si Sanxyn. Hay. Anti-social na ba ako nito? "Hi miss. Can I join you?" Tiningala ko ang lalaking may dalang plate and bottled water. "Please? New model lang kasi ako dito. Wala pa akong gaanong kilala." "Sige lang." "Salamat. Andrei nga pala." Nakipagkamay ako sa kanya. Angdaldal niya! Angdaming tanong kung mabait ba ang mga models dito. Or kung malaki ba ang kita. Anong malay ko naman sa salary ng mga models dito. "Model ka din?" Umiling ako. "Akala ko model ka. Kanina pa kita napapansin. Angtahimik mo." "Kung magdaldal din ako sino nang makikinig sayo?" Napakamot siya sa batok niya. Nagsorry naman pero madaldal pa rin! Here comes trouble! Sabi ng isip ko dahil kunot ang noo ni Sanxyn na palapit sa amin. Inunahan ko na siya. "hi babe!" Tumayo ako para paghila ko siya ng upuan. "Si Andrei pala. New model dito." Nagkamay naman sila. "angganda mo po!" "Thank you." Bumaling sa akin si Xyn. "Nakakain ka naman ng maayos? Sorry ha? Namiss ako ng mga dating kawork e." Naging orientation tuloy ang convo nila Andrei at Sanxyn. "Babe nagtext si nanay. Tawagan ko muna ha? labas muna ako." Hindi sinasagot ni nanay ang phone naman. Nakatatlong ulit na ako e. Makapag-cr na nga muna. Naabutan ko sa restroom ang isang babae na nagpapalit ng diaper ng baby. Iyak nang iyak yong bata. Napansin ko din na si Mommy parang namumula ang mata. Naiiyak yata o galing sa pag-iyak? "Excuse me? Need help?" "Huh...Hindi okay lang..." Nagretouch ako. Pansin ko rin ang patingin-tingin niya sa akin. Kakabahan na ba ako? "Baby, tahan na ha? Uuwi na tayo." Kinarga niya ang bata saka lumabas. Paalis na rin sana ako nang mapansin ko ang bag niya na naiwan. No trace naman na ako sa kanya nang lumabas ako. Nagtitingin ako sa bag kung may identification. May wallet naman. hintayin ko muna kaya siya baka maalala niyang naiwan niya ang bag niya dito. 10 minutes. Wala pa rin. Hay. Bumalik na ako sa table namin. "tagal mo ha..."pansin sa akin ni Sanxyn."Oh kaninong bag yan?" "Hindi ko alam. Naiwan nung babae sa restroom e. San na si Andrei?" "Sinabihan kong makijoin muna sa ibang models. At baka kasi maging karibal ko ba yung sayo no." "Haha! Grabe ka. Paranoid babe huh." Tamis ng ngiti ni Xyn kapag babe ang tawag ko sa kanya e. Yung bilis ng t***k ng puso umaaccelerate! Haha. Nag-excuse si Sanxyn na balikan ang ibang kaibigan niya. Ako naman ay makikipagkwentuhan din sa team na makakasama ko papuntang Australia. -- Kinaumagahan sa apartment. "Oh mukhang blooming ha?" pansin sa akin ni Maam. "Pumapag-ibig?" Ngiti ang tugon ko. "Naku! Sige lang. Huwag mo munang ikwento. Enjoy mo muna yung kilig." "Maam idi-date ko si Xyn mamaya. Bukas na ako uuwi." "teka date lang overnight na?"Ito na naman siya. Parang nanay ko na naman. "Baka isang araw maglive in na kayo ha?" "Ee hindi naman maam. Gusto ko lang bumawi sa kanya kasi parang sobrang nagpakipot yata ako?" Napapailing na lang siya. "Ikaw ang bahala. Linisin mo muna naman yung kwarto mo. parang naamoy ko na ang baho e." "yes maam! Sige umpisahan ko na. UHm may isa pa akong problema." Kinuha ko mula sa kwarto yung bag. "Ano yan?" "May nakaiwan sa restroom kagabi e. Tulungan mo nga ako maam na maibalik to. Address naman e saka pangalan." Iniabot ko yung card sa kanya. "Ngayon na?" Tumango ako. "Kung may time ka?" "Sige. 30 mins alis na tayo." Tinawagan ko naman si Sanxyn. >>>Babe gising! (hmmm... good morning babe...) >>>alis kami ni maam ngayon may hahanapin lang kami. (hmm...) >>haha! Babe! TUlog ka pa e. Date tayo mamaya ha. or ipagluto na lang kita diyan. Tulog ka pa... Walang sagot. Tulog pa ang kamahalan. --- Hindi naman kami nahirapan ni Maam sa paghahanap nung address. Nagdoorbell si Maam. Nagrereklamo na siya kasi kainit. Nakalimutan ko yung payong. Inulit niyang magdoorbell. Pinagbuksan kami nung babae sa restroom kagabi. Mukhang gulat din siyang nakita ako. "Hi."ngiti ko sa kanya. "Angielyn Lim? Naiwan mo to sa restroom kagabi." Pinatuloy niya kami. Yung bata! Nasa crib tapos angcute cute talaga. Hindi ko maiwasang pansinin ang mga pictures ng family niya. Yung asawa gwapo din. "Nagwork ka sa persona?" tanong ko nang mapansin ko yung mga pictures niya sa iba't ibang events ng persona. Tumango siya. "Kami ng asawa ko." "Parang hindi ka nanganak ha." komento rin ni maam. "Pogi rin ni hubby. Uy diba si Sanxyn to?" May isang picture dun na magkakasama ang mga models ng Persona after ng isang fashion show. Magkatabi sila ni Sanxyn. Wedding yung theme ng show. "Ah oo."sagot ni Angielyn. "Magkasabay kami ni Xyn na nakapasok sa Persona. Yan yata yung unang show na napasama kami. Nagstop na ako nung magpakasal kami ni Chris." "Ah..."si maam Yan. "Chris Lim? Yung model actor? Yung racer din?" Nangiti si Angielyn. "Yeah. Siya nga." Pero yung ngiti niya napalitan ng lungkot. "I'm sorry about what happen." Seryosng sabi ni maam. Ano bang ganap dito? Bakit parang biglang gloomy ang mood. Hindi na rin kami nagtagal dahil kailangan ko pang magprepare para sa date namin ni Xyn mamaya. -- Tuwang-tuwa si Sanxyn kasi daw tapos na yung pagpapakipot stage ko! loko talaga to. Alam agad ng parents niya yung progress sa amin. Ito nga at ka-skype namin sila. "So does that mean mag-eextend ka diyan sa pinas anak?" tanong ni papa niya. Napatingin sa akin si Xyn. "depende po sa chix ko kung gusto niyang dito muna ako." "Halla bakit ako? angdayamo ha?" "Hayan ka na naman anak ha?" si mama niya. "Ipinapasa mo na naman kay Chloe ang decision making." Siniko ako ni Sanxyn. "O may kakampi ka na naman." Hinayaan ko na muna silang mag-usap. Chineck ko na ang niluluto ko. Mas gusto daw niya kasi na dito na lang kami mag-date kaya heto cook ako ni kamahalan. Hindi ko first time na magluto pero parang palpak! Tinawagan ko si maam Nikee! Alangan naman kay Sanxyn pa ako magpapaturo. Nakakahiya. Kaya heto katext ko si maam kung ano ang next na ilalagay ko. Natatawa naman siya kasi para daw akong ewan. Nakakaaburido kaya ito? Paano pag hindi nagustuhan ni Xyn ang niluto ko. TInutulungan na ako ni Xyn sa pagset ng table. NAalala ko yung picture sa bahay ni Angielyn. "Saan kayo nagpunta ni Maam kanina babe?" "Hinanap namin yung may-ari nung bag. Model din pala siya sa persona noon at kasabayan mo pa babe." "Talaga? anong name?" "Angielyn Lim. Pero yung Lim surname ng husband niya. Hindi ko na natanong yung apilyedo niya nung single pa siya." Natigilan si Sanxyn. Siguro kilala nga niya. "You know her?" She nodded. "How is she? Kumusta naman sila ng asawa niya?" "uhm namatay ang asawa daw niya last month e. hindi na ako nagtanong. Nakakahiya naman. baka sabihing tsismosa ako." Tumango-tango naman siya. "Okay." "Naalala mo na?" Tumango siya. "Kumain na nga tayo. Tapos movie tayo mamaya. Bukas ka na uuwi babe ha?" "Yep. Ipagluluto pa kita ulit ng breakfast bukas." Habang kumakain kami ay parang uneasy siya. naubusan na ko ng pwedeng maikwento parang hindi siya nakikinig naman. "May nagbabother ba sayo babe?" Napabuntong hininga siya. "I want to be honest to you." Mukhang seryoso ang bagay na to. Kakabahan na ba ako? "Angielyn Lim. She's my Ex."   DOSE Hindi na nagulat si Sophie nang nakwento ko sa kanya na ex ni Xyn si Angielyn. Ito siya kakarating lang nila ni Rica. Makikichika na daw habang fresh pa ang balita. Balak pa yata nilang mag-overnight dito. "Naabutan ko pa sila sa Persona bebe. Sabi ko na nga ba hindi lang bestfriends ang dalawang yun e." "Sweet ba sila? kwento ka naman. Gagamitin ko sa ginagawa kong story." Pangungulit ni Rica. "Sige na Supiya." Napatingin sa akin si Pie. "Next time na lang. Respeto naman sa present." "Matanda na yang si Chloe. Past naman na. Sige na." Binato ko siya ng throw pillow. "pag-usapan niyo nga pag hindi ako kaharap." Nagpeace naman siya. "Baka kasi makalusot diba? So affected ka?" Tumango ako. "Hindi ko alam. Paranoid ba ako? Ewan." "Oo bebe. Paranoid ka. Anong sabi ni Xyn? Napag-usapan niyo na?" Umiling ako. "Ayoko ring pag-usapan. Alam mo yung pakiramdam na what if maging curious siya sa ex niya? lalo biyuda na yon. What if mahal niya pa rin." "God!" bulalas ni Rica. "I told you huwag kang masyasong magbabasa ng mga sinulat ko e! hayan! Napala mo! Paranoid ka!" Pero hindi ko maiwasan. Hindi dahil sa pagbabasa ko ng novels to pero realidad lang ang naiisip ko. "May naisip akong kwento."parang henyong sabi ni Rica. "Alam mo yung kasabihan na. Mas madalimg mahuli ang manok pag nakatali?" "Oh? Tapos?" Medyo nainis na ako sa babaeng to. Kasi pihadong hindi magandang idea ang nasa isip niya. Atleast not for me. "Pero mas madaling mahuli ang manok na may sugat. So Chloe, baka nafall sayo si Sanxyn dahil moving on pa lang siya o baka pati ikaw ganun din? Moving on ka diba? Kaya fall ka na ngayon." Pareho kaming naghihintay ni Pie sa maaring karugtong ng sinasabi ni Rica. Nangiti naman siya. "Tapos pareho lang pala kayong rebound. Dramatic diba? Umpisahan ko na ngang isulat bukas. Suggest ka nga ng title teh. "Bumaling siya kay Pie. Inirapan naman siya nito. "Grabe kayo. Nagbibiro lang ako. pero kung nagkataon no? kaka-official niyo lang tapos nandiyan agad yung ex niya. hello pagsubok!" Mas sumakit yata ang ulo ko? "Bahala ka. Labas na muna ako magpapahangin." Dinampot ko ang phone ko. Pagkalabas ko ay tumatawag naman si Maam Nikee. >>>Maam... (Nandiyan pa ba sina Rica? Ndto ako sa palengke. Anong gusto niyong dinner?) >>>Kahit ano na lang maam. Kung pwede nga pauwiin ko na tong dalawa e. Naiinis na ako. (Hindi mo ba namiss ang mga kaibigan mo? naku ikaw talaga. Sige na tanungin mo na sila.) Hindi ko pa binaba ang tawag. "Hoy! Anong gusto niyong dinner daw sabi ni maam Nikee!" "Adobong paa ng manok!" si Rica yan. "Bibili nga din ako ng alak. Pulutan para sa pusong nagugulumihanan!" Natawa naman si maam sa kabilang linya. "May pinagdadaanan ba yang si Rica? Bakit trip uminom?" "Wala. Huwag mo nang pansinin maam. Adobong atay na lang para madaling iluto." Minsan ko lang tinext si Xyn ngayong araw na to. Hindi ko pa nirereply ang mga text niya. Sa messenger naman hindi ako nagbubukas. Papasok na sana ako pero may sunod-sunod na bumusina sa tapat. Galit ba to? paglingon ko bumilis ang t***k ng puso ko. Kotse ni Sanxyn! Nakababa na siyang nang makalapit ako. Kunot ang noo niya. Lagot na ako nito. Parang anytime ay tatalsik ako sa aura niya ngayon. "Five minutes. Explain why you're ignoring me today. And don't fuckin tell me you're busy." "Sorry..." yun lang talaga ang nasabi ko. Lumapit naman siya. "may sakit ka ba?" Pinakiramdaman naman niya ang noo ko pati leeg. "Masama ba ang pakiramdam mo ha?" Umiling ako. "Pasok ka na muna. Dito ka na magdinner." "HIndi na. Imemeet ko kasi ang kaibigan ni daddy. Dumaan lang ako para icheck ka. Mukhang may topak ka naman kaya hindi ka nagpaparamdam." "Can I come with you?" Nangiti naman siya. "No. May bisita ka diba?" Paano niya nalaman. Tsk. Nagpost nga pala si Rica kanina. "Maiintindihan naman nila e. Gusto kitang kasama ngayon. Baka pwede?" Pinisil niya nag pisngi ko. "Parusa mo yan dahil inignore mo ako maghapon. Sige na. Aalis na ako. Pakikumusta ako sa dalawa ha?" Tumango naman ako. "Ingat ka." Nagbeso kami saka siya sumakay sa kotse. Ibinaba niya muna ang bintana kaya yumuko ako para makita ko pa siya. "HIndi na talaga magbabago ang isip mo? Hindi mo ako isasama?" ngiti ko sa kanya. "May five minutes ka pa oh." "Wala na. Sige na pasok ka na. I love you." Binuksan ko naman ang pinto at mabilis na sumakay. "I love you. O nagbago na ba isip mo? may I love you na." Natawa naman siya. "Alam mo ikaw? Angkulit mo. pero hindi pa din nagbago ang isip ko. Hindi kita isasama." "Tsk. Okay okay." Naiinis na ako. Binabargain ko na nga ang sarili ko e. ayaw pa din? tsk tsk. Napapitlag ako nang bigla niya akong hinalikan. Hindi ako agad nakareact. Naramdaman ko ang pagngiti niya. Ngiting-ngiti siya nang inilayo niya ang mukha niya sa akin. "Cute..." Magrerequest pa sana ako pero may kumatok sa bintana. Si maam! Angbilis naman mamalengke nito. Binaba ni Xyn ang bintana. "Mga besh. Hindi tinted ang window ha? Baka kung san pa umabot yan kiss na yan." Natawa naman si Xyn. "Sige na babe. Baba ka na. Nagagalit na si nanay." Humirit pa ako ng isang kiss sa pisngi bago ako bumaba. "Ingat Xyn!" Paalam ni maam sa kanya. Bumaling siya sa akin. "At ikaw!" Aray naman to! Kinurot ako sa singit e! Buti nahawi ko balak pang dalawahin e. "Maam naman!" "Naku! Kung magpapaligaw ka e sa loob ng bahay. Huwag dito sa kalsada. Kunyatan kita e." "Maam naman. Hindi ako nagpapaligaw. Kami na kaya." "Aba! Lalong dapat sa bahay!" Para akong bata tuloy na tinutulak-tulak niya papasok ng bahay. "Good Afternoon maam! We are glad to see you!" baliw tong dalawa. Tumayo pa talaga e. "welcome and mabuhay!" "Itsura mo Chloe?" pansin ni Rica sa akin. "ha ha! Nakabusangot ka." Alangan sabihin kong kinurot ako sa singit! Pagtatawanan lang ako. Sinundan ko ng tingin si Maam papuntang kusina. Magluluto agad siya? Kararating lang niya e. Kumuha siya ng tubig pero parang napatigil siya. Umupo siya at bumuntong hininga. Nilapitan ko siya. "Maam ako na lang ang magluluto. Mukhang pagod na pagod ka pa e." "Ako na. Entertain mo na sina Rica. Magpapalit lang ako ng damit." Nagtungo na siya sa kwarto niya. Nag-start naman na akong magbalat ng ingredients. Bahala na yung dalawa entertain ang sarili nila. "Oh sabing ako na lang diyan." "hep!" Pigil ko sa balak niyang paghuhugas ng atay. "Ako na. Tatawagin na lang kita kapag hindi ko na alam ang next na ilalagay." "Sure ka? Baka hindi makain yan ha." "Tiwala naman maam. Tinuruan mo na ako nito. Memorize ko na." Wala na siyang magagawa! Dahil mag-aalburuto ako kapag hindi siya pumayag na ako ang magluluto! Sa aming apat mas nagkakasundo sina Maam at Rica. Kaya si Pie ito, ako ang binibisyo. "Bait ni maam no?" komento niya. "Yung first impression ko diyan e masungit. Teacher kasi." "Masungit agad? Hindi strikto?" "Pareho lang yon. Kung wala lang Sanxyn na bumabakod sayo bebe, papanain ko na ang mga puso niyo ni maam e. baka magkagustuhan kayo." "hoy. Baka marinig ka. Nakakahiya naman kay Maam." "Napaisip lang naman bebe. Ideal partner e. Housemates lang kayo ha pero siya lagi nagluluto ng breakfast saka baon mo." "Maaga kasi siyang pumapasok." Kontra ko sa kanya. "Siya pa naglilinis dito sa bahay. HIndi ka na nahiya." "Nabobored daw kasi siya lalo pag weekends." "Isa pa. hinihintay ka niyang makauwi diba?" "Marami siyang paperworks. Malamang teacher siya. inaabot ng madaling araw madalas." Pagtatanggol ko ulit. "Isa lang ang nakakaloka. Ayaw ka niyang umuwi kapag hindi ka ihahatid! Ha ha ha! kaloka dba?" "Delikado daw kasi kapag nagcommute pa ako. Kaya dapat makabili na ko ng kotse ko." -- After dinner nag-yaya ng inuman si Rica. "ano Chloe? Bibili na ako?" "May pasok si Maam bukas. Hind siya pwedeng mapuya uy. Tamo maglalatag na yan ng paperworks mamaya." "Sige na. mag-inuman na kayo. Dun na lang ako sa kwarto magwowork." "Oh tamo? Inuman na." Sinamaan ko siya ng tingin. Naalala ko din kasi maaga akong susunduin ni kuya Kein bukas. Magtitingin kami ng kotse. "Sige na Chloe. I don't mind. Keri lang. Sabihan ko na lang si kuya na huwag magmaaga bukas." Wala na akong nagawa! Pinagkaisahan na ako ng tatlong to. Mabilis pa sa alas kwatro na umalis sina Rica at Pie. Paanog hindi bibilis? Si maam Nikee ang may sagot ng alak! Danyos daw kasi hindi siya iinom. Kausap ko naman si Sanxyn via call. (Kung hindi lang ako pagod magdadrive na ako papunta diyan e.) >>>E kaso pagod ka. Ha ha! Kita na lang tayo sa makalawa. (anong oras kayo aalis ni Kein bukas? Sama ako. convoy na lang tayo.) >>>Wala kang shoot bukas? Natahimik siya. >>>Xyn, Don't tell me isisingit mo na naman ako sa work day mo? Tapos pagod ka na naman sa pagdadrive. (Paano miss na kita. So ganun nga ang balak ko.) >>>Hindi naman pwede ang ganun babe. Mabilis lang din kasi kami ni kuya bukas. Balik din ako sa persona after. (Okay okay. Hindi ka talaga paawat sa trabaho. Nakakaselos na ha.) >>>haha! Ipon para may pangbakasyon tayo. Saan mo gusto? (uhm, gusto ko mameet ang parents mo.) Natahimik ako. Hindi pa ako ready? Kasi sa ngayon panay ang tanong nila kung kumusta si Gemini. Kung nagkabalikan na ba kami. (Babe? Andiyan ka pa?) >>>oo babe. Sorry. Uhm sige sige. Pero matagal pa yun hindi pa kaya ng schedule. -- Kaya pala anglakas ng loob mag-aya ng inuman ni Rica dahil may pinagdadaanan na naman siya. UHm mali ang term, tinatambayan na niya yung nararamdaman niya sa ex niya. "Hoy Rica, lunod ka na diyan." Pansin ni Pie sa kanya. "Last na yan." "Isa pa!" nagbukas pa siya ng isang red horse. Anglakas talaga ng trip diba? Feeling ko nga yung ihi ko amoy red horse na e. "Anghina niyo naman." Nagtinginan kami ni Pie. Sinenyasan ko siyang itago na yung isang case pa. Unti-unti niyang ilalayo sana kaso nakahalatan yata si Rica. Agad niya itong hinila palapit sa kanya at inapakan pa. "Kayo ha?" Sabay lagok sa baso. "akala niyo hindi ko kayo napapansin." Pinunasan niya ang gilid ng labi niya gamit ang braso. "Bueset kasi yon!" "Naku Rica kapag ikaw nagsuka dito papalinisan ko sayo." Tatawa-tawa siya. Nabubulol na nga e. ang malinaw lang ay ang paulit-ulit na pagsabi niyang bueset yung ex niya. "Paasa yon Chloe. . Tangina yun. . MAgpapakita magpapakilig... tapos pota...pota talaga... aalis ulit." Sinasabi niya yan sa pagitan ng pag-inom niya. Naluluha na rin siya. "Uy akala ko ba move on ka na?" ako yan. Hindi ko alam kung nakatulong o mas nakadagdag pa sa pagluluksa niya. "E potaena e! Mas mahal niya yung ex niya. ." Kaya may hugot to kanina e. May isyu rin sa ex ng ex niya. Hay. "Hayaan mo na. May darating din para sayo." Sabi ni Pie. "HIndi pa ngayon pero in time. Makikilala mo rin siya." "Should I stop? Or should I just keep on chasing pavements...." Haha! Langya! Napapakanta na pag lasing! "You should Stop." Si Maam Nikee yan. Nabulahaw na yata namin. Mag-aalas dos na kasi. "Kung hindi ka na mahal, huwag mo nang ipilit ang sarili mo. Iwasan mo siya. Gets mo ba? O gusto mo irecord ko na lang tong sasabihin ko." "Mahal ko maam e. Mahal na mahal." naiiyak na na sabi pa ni Rica. "Anghirap yung araw-araw ko siyang naalala." "Puwes hindi ka niya mahal." kinuha na ni maam yung hawak na alak ni Rica. "Samahan niyo sa shower si Rica nang mahimasmasan" Si maam lang pala kailangan para tumigil sa pag-inom tong si Rica e. Tinulungan namin siya ni Sophie para makarating sa banyo. "Kaya mo?"tanong si Pie sa kanya. Hindi sumagot si Rica. Langya! Pati ako e may tama na rin. Parang matutumba na kaming tatlo. "Umayos ka nga Pie."reklamo ko. "Ikaw diyan. Matutumba tayo nito e." "Aylabyu guys. Pero buset talaga ex ko."humagulgok na naman si Rica. Gosh. Bumibigat siya! Itinapat namin siya sa shower. Kaya pati kami basa na rin. "Ayos to."Natatawang sabi ni Pie. "Iwan na lang kaya natin syia dito?" "O tatlong bibe. Nandito mga tuwalya niyo. May mainit na tubig na rin sa kusia. Matutulog na ako. Kayo na bahala dito." "Lubus-Lubusin mo na maam. Tulungan mo na kami dito kay Rica." Pakiusap ni Pie. "Angbigat e." "Kayo na. Inaantok na ako. Iligpit niyo yung pinag-inuman niyo." Galit na ba si maam? Parang kulimlim kasi ng ekspresyon niya. Itinapis ni Pie yung tuwalya kay Rica. Yung mga damit niya nasa banyo lang. tapos tumutulo pa ang tubig sa dinadaanan namin dahil pati kami ay nabasa na rin. Nang mahimasmasan ako nang kaunti ay lumabas muna ako ng kwarto. Pinunasan ko yung bakas ng tubig mula kwarto hanggang sa banyo. Pati yung pinag-inuman namin. Iniligpit ko na rin. Pagpasok ko sa kwarto ko wala na akong mahigaan! Okupado na nung dalawa. Sa sala ako nito matutulog. Wala pa naman akong extrang kumot at unan. Kailangan ko na yatang bumili para sa dalawang to. Isinaayos ko ang throw pillow saka naghead seat. Good morning na pero ito matutulog pa lang ako. -- -- Hmm. Amoy strawberry pala ang air freshener dito sa sala. Nakakagutom. Umiba ako ng pwesto. Antok na antok pa ako. Foldable ba tong sofa? Malayo akong nakakakilos e. Malamig.... Nagkumot ako hanggang sa ulo. Teka. Malamig? KUmot? E wala nga akong kumot pagkahiga ko kagabi. Nagmulat ako. Nasa kwarto na ako. at Hindi sa kwarto ko. kwarto ni maam Nikee to. Nakasabit pa yung ID niya sa may doorknob. Angdami niyang unan! Antok na antok pa talaga ako. Pumikit ulit ako. Sino naman ang nagdala sa akin dito? Alangan siya? Kaya niya akong buhatin? O nagsleep walk ako? Yakap-yakap ko ang unan niya nang lumabas ako ng kwarto. Nandito palasi Kuya Kein. Malamang siya ang nagbuhat sa akin. "San siila?"tanong ko. "Umalis na bunso. Kakahatid ko lang din kay NIkee."sagot ni kuya." Masarap ang tulog mo ah? Oh kape. Idinaan ni Xyn dito." "Huh? Hindi niyo ako ginising." Natawa si Kuya. "Believe me. Ginigising ka niya kaso tulo laway ka." Agad kong chineck ang phone ko. May message si Xyn. Na may picture ko pa! Xyn: Babe angcute mo dito. Slightly nakanganga pa talaga ko. halla. Nakakahiya! NAgmessage ako agad sa kanya. Me: babe sorry. I love you... Baka nasa shoot na rin yon. Nakakahiya talaga! "Kumain ka muna. Nasabihan ko na yung kaibigan ko." Magtitingin kami ng kotse ngayon. Sumubo lang ako kaunti. Iniligpit ko ang kama ni maam. Nag-iwan ako ng thank you note bago naligo. Buti na lang may maam Nikee. Housemate/Ate/Nanay! Maam, thank you! Sa uulitin na inuman! Hehehe. --  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD