bc

Liham ng Gamol

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
others
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
humorous
lighthearted
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Isang probinsyanong hinahanap ang kasintahang makapag bu-buo sa kaniyang buhay. Ngunit hindi inaasahan ang kaniyang kahihinatnan nang dumating ang kaniyang dating kaibigang dilag. Isang liham na pilit niyang hinahanap upang makapalagay sa kaniyang nararamdaman sa kaniyang iniibig.

Kakayanin ba niya ang kahihinatnan ng kaniyang paghahanap sa liham?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
(1985) Jasper's POV (Point Of View) Elementary Grade 6 Emerald, Jasper Dela Cruz Pilyo, lampa, maitim at pasaway 'yan ang mga katangian na inilalarawan ng mga tao sa akin. Palagi akong binubully dahil sa mga katangian na iyan. Bukod pa dyan, hindi rin ako mahusay sa klase na siyang dahilan kung bakit hindi ako pumapasok parati. Ngunit isang araw, isang bulong ang bumago sa aking buhay. "May bagong transferee, Grade 5 Gumamela" sabi ng kung sino. Bihira lang magka transferee sa paaralan namin at malimit lang kami makakita ng mga bagong mukha sa lugar namin sa probinsya. "Natalia" 'yan ang pangalan niya. Flag Ceremony (1985) Maraming nakaabang sa linya ng Grade 5 Gumamela. Halos lahat ng kaklase kong lalaki ay pumasok sa eskwela. Laking gulat na lamang ni Mrs. Bacuetes na ang araw na iyon ay naganap. Mrs. Asuncion Bacuetes, Grade 6 Emerald Adviser Strikta, maingay at praning 'yan si Mrs. Bacuetes na palaging pinapagalitan ng Principal namin na si Sir Larry Malindog dahil sa kaniyang kapabayaan sa Advisory Class niya. "Mukhang hindi ata aattend ng flag ceremony si Natalia" ika ni Paulo. Paulo Buenavista, Grade 6 Emerald, kaklase kong mataba, mahiyain at lampa, sabay sa agos ko, kaisa-isa kong kaibigan mula kinder. May isang nakakulay rosas na damit na batang babae ang dumating mula sa labas ng gate. Para bang isang anghel na bumaba sa lupa, abot langit ang ngiti ng aking mga mata. Ngunit nang mahagilap ito nang tanaw ng madla, biglang sumimangot at nagdilim ang pananaw ng mga mag aaral nang makita nila si Agatha na naglalakad mula sa gate. Agatha Bayani, Grade 5 Gumamela, maganda ngunit hindi kaaya-aya ang ugali, mayaman ngunit mapagmataas 'yan ang pagkakatukoy sa kaniya ng mga mag aaral sa aming eskwela, isang 'bully' sa aming paaralan. Magkaibigan naman kami dati ngunit isang araw hindi niya na ako pinansin at hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Hindi sumulpot si Natalia sa flag ceremony sa araw na iyon, dahilan daw sa kaniyang sakit na hika. Recess (Parehong Araw, 1985) Pinagkadarapaan ng mga lalaki ang silid ng Grade 5 Gumamela upang matanaw si Natalia. 'Yun nga, natanaw ko na rin ang langit sa kaniyang mukha. Para siyang isang anghel na hulog ng langit. Ang korte ng kaniyang mukha ay walang katulad. Kay' tangos ng ilong at kay' puti ng balat, kay' ganda ng mga mata at kay' pula ng labi. Para siyang isang diwata sa libro, tunay ngang kabighabighani. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang makitang naguusap sila ni Agatha, at doon ko lang nalaman na magpinsan pala sila. Natalia Bayani, pinsan ni Agatha Bayani, transferee ng Grade 5 Gumamela. Nag-iba ang guhit ng mga mukha ng aking mga nakasabayan sa pagtanaw kay Natalia at gayon din ako. Parang nabagsakan kami ng napakalaking bato mula sa itaas, dahilan ito nang pagiging magkamag-anak nila ni Agatha. "Mukhang wala na nga tayong pag-asa" sabi ni Paulo. Simula sa araw na iyon, natatanaw ko na lamang si Natalia sa malayo, na para bang nangangarap na mabagsakan ng himala upang makausap siya. Lumipas ang mga buwan at araw, dumating ang himala na hindi ko inaasahan at sa oras ng aking kahihiyan... Sa isang makitid na daan, sa gitna ng tirik ng araw. Ramdam ko ang basang uniporme sa aking katawan. Pinagkatuwaan nanaman ako nila Alfredo Mabulay at ang kaniyang mga kagrupo. Alfredo Mabulay, Grade 6 Sapphire, isang mayabang, mapanlait at matabang bully sa aming paaralan. 2 taon ang pagkakatanda niya sa aming normal na edad bilang Grade 6. Isa siyang repeater dahil bulakbol at hindi pumapasok sa eskwela. "Uling! Uling! Uling!" sigaw sa akin nina Alfredo habang binubuhusan ang aking katawan ng malamig na tubig mula sa balon sa palikuran. "Ayan! Maligo ka dahil sa kadumihan mo kaya ka maitim" banggit sa'kin ni Alfredo. "Tanga! Moreno ako, hindi itim ang aking balat kundi kayumanggi, MORENO!" sabat ko sa kaniya. "Ano!?" galit na patanong ni Alfredo. Nang aabutan na ako ng suntok ng kaniyang kamao, may sumigaw... "Ariyan na si Ma'am Bacuetes! May dalang walis!" sigaw ng isang batang kung saan. Dali-daling nagsitakbuhan papalayo sina Alfredo na parang mga pusang nahuling nagnakaw ng pagkain. May liwanag na humagilap sa aking mata. Nakita ko si Natalia papalapit sa akin. "Okay ka lang ba?" ika ni Natalia. "Ah.. O-Oo, ok lang ako" sagot ko sa kaniya. "Natalia halikana, susunduin na tayo ni Papa" ugoy ni Agatha sa likuran ni Natalia. "Sige Natalia, ok lang naman na ako eh, umalis kana baka mapag iwanan ka" sabi ko kay Natalia. "Pasensiya kana ha? Hindi na kita natulongan, sige ingat ka" ika ni Natalia sabay tumakbo papalayo sa akin. Nakangiting tinatanaw papalayo si Natalia, "Salamat!" sigaw ko sa kaniya. 'Yun ang pinakamaganda at hinding hindi ko malilimutang alaala sa aking buhay. Isang araw bago ang Elementary Graduation Day (1985) Nagsulat ako ng isang love letter para kay Natalia upang maalala niya ako bago ako lumisan at tumungtong ng high school. Inutusan ko si Paulo na ilagay ang love letter sa bag ni Natalia nang pasekreto. "Ilagay mo ito sa kalupi ni Natalia ng hindi niya nalalaman. Mamayang recess, siguraduhin mo." pabulong na sabi ko kay Paulo. "Anong itsura ba ang bag niya?" tanong sa akin ni Paulo "Ayon sa araw na tinulongan niya ako. Kulay rosas na may laroang kabayong puti na nakasabit" sagot ko kay Paulo. "Sige, babalitaan na lang kita kung nagawa ko na" sagot niya naman sa akin. Elementary Graduation Day (1985) "Oy! Ano? Nagawa mo ba?" ugoy ko kay Paulo. "Oo naman, 'wag kang magalala" sagot niya sa akin. Nakita ko si Natalia sa seremonya ng aming gradwasyun, parang may hinahanap. Lalo lang siyang gumaganda araw-araw. Lumingon siya sa akin. Naglalakad papalapit. Ito na ata 'yun, ito na ang araw na aking pinakahihintay. "Anna!" sigaw niya. Nalito ako at lumingon patalikod. Nakita kong niyakap niya ang babae sa aking likuran na may dalang galak at tuwa. Kaibigan niya pala ang kaniyang pakay. Bakit parang hindi niya ako nakita? Dapat nabasa niya na ngayon 'yun. Nilapitan ko si Paulo at nagtanong. "Paulo? Sigurado ka ba na nailagay mo nang maayos ang aking sulat sa kaniya?" "Oo naman, sigurado ako" sagot sa'kin ni Paulo. Tila ang utak ko ay nalilito at hindi mapakali. Gusto ko na lamang tanongin si Natalia ng diretso at sabihin ang aking nadarama, ngunit hindi ko magawa. Siguro hindi pa niya nabubuksan ang kaniyang kalupi. Siguro hindi niya ata nakita ang aking sulat. Pinabayaan ko na lamang iyon. Hindi ko man lang nakausap si Natalia sa araw na iyon. Sa araw na huli ko siyang nakita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
828.7K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.2K
bc

The Lone Alpha

read
125.8K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
621.6K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook