bc

SILENCED SCREAMS

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
murder
revenge
dark
goodgirl
drama
bxg
city
lies
secrets
victim
like
intro-logo
Blurb

"You're dying Miranda, you don't need help... Just get on with it. "

Rue Calixte Monterozo, is a flirtatious and assertive man who claims, "I have a strong bond with the word women that's why I can't change," and who has a peculiar hobby that all of his girlfriends share and hated: dating a new woman every two weeks. Miranda Ajero, however, runs into his supposedly ideal life. She unintentionally learned Rue's sinister secret, which put everyone—including her—in danger. Is she going to runaway? Will she elude capture? Or... will an odd affection happen at the wrong time?

chap-preview
Free preview
Chapter 001
"So? Tatanggapin mo ba o hindi?" natatawang tanong sa akin ni Crix habang magkaharap kaming dalawa dito sa lamesa kung saan kami nakaupo nang magkaharap. "Pinag-iisipan ko pa... alam mo naman na malabong hindi ko masigawan ‘yung inaanak mo, ang kulit kaya nu’n! Baka sumama lang ‘yung loob mo sa akin," naiiling kong sagot sa kaniya na may halong konting pag-aalinlangan. Malakas siyang tumawa at marahang ginulo ‘yung buhok ko kasabay nang pag-abot niya sa akin ng isang maliit na sobre, "Silly it's fine! Alam ko naman na hindi mo siya sisigawan ng walang dahilan, at saka... sanay na iyon sayo, kaya nga ikaw na lang ‘yung kinuha ko." "You’re just saying that! Bakit kasi ang bata mo pa tapos may inaanak ka na kaagad," singhal ko. Tinanggap ko ‘yung sobreng ibinibigay niya sa akin at inilagay iyon sa loob ng bulsa ko bago tumayo. "Oh?! Saan ka na pupunta?" taka niyang tanong. "Aalis na, mamaya pa namang tanghali ‘yung pagbabantay ko sa inaanak mo eh. Saka, alam mo naman na hindi ako pwedeng tumambay, bayad kaya ang oras ko," medyo may pagmamayabang na saad ko pa sa kaniya. Tumango lang siya sa akin at kumaway kaya naman tuloy-tuloy na akong lumabas nu’ng shop niya at mabilis na naghanap nang masasakyan na tricycle. Didiretso kasi ako sa town hall para maglinis, absent daw ‘yung janitor du’n kaya ako muna ‘yung papalit. "Saan po tayo Ma'am?" Tanong nu’ng driver sa akin. "Sa Town hall Manong," sagot ko na lang. Agad na umandar ‘yung tricycle kaya naman kinuha ko ‘yung aking cellphone upang tawagan ang kapatid ko habang nasa byahe. Baka kasi hindi ko magawang humawak ng telepono mamaya lalo na at medyo malawak ‘yung lilinisin ko, paniguradong matatagalan iyon. "Hello?" agad na sambit ko habang tinatabunan ‘yung isa kong tenga upang marinig ko siya ng maayos sa kabilang linya. ‘Hello? Ate? Kamusta ka na diyan?!' masayang sagot ni Eloi. "Ayos naman ako, ikaw ba? Kamusta ang pag-aaral mo?" nakangiti kong usal. ‘Ayos naman, matataas pa rin ‘yung grades ko... I'm expecting nga na magiging top one ako this sem,' saad niya at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong ang lawak-lawak nang pagkakangiti niya. "Ay, mabuti iyan! Hayaan mo, pag nagkaroon na ako ng malaking pera... uuwi ako diyan para mag-celebrate tayo. Pero ‘wag ka munang umasa huh! Alam mo naman na mahirap kumita ng pera dito sa Maynila kaya hindi pa ako sigurado.” Lagi kong paalala sa kaniya, mabilis pa naman siyang magtampo kapag may ipinangako ako sa kaniya na hindi ko natutupad. 'Naiintindihan naman kita ate, hayaan mo... isang taon na lang din naman at kolehiyo na ako. Pwede na akong tumulong sayo habang nag-aaral,' mahinahon na sagot niya. "Huh?! Para saan naman? Nagtra-trabaho na nga ako para sa pag-aaral mo kaya magtapos ka muna! Ang dami mong alam,” may pangungunot ng noo na sagot ko sa kaniya. Hangga’t maaari kasi ay gusto ko na naka-pokus lang siya sa kaniyang pag-aaral. 'Si Ate naman! Matanda na ako kaya pwede na akong tumulong,' parang nangungumbinsi na wika pa niya. "Elloisa!" May pagbabanta kong usal kaya natahimik ito sa kabilang linya. "Binibigyan kita nang pagkakataon na makapag-aral, kaya pwede ba? Iyon lang ang intindihin mo... huwag ka nang tumulad sa akin na hindi nakapagtapos!" "Ma'am? Nandito na po tayo," biglang sambit nu’ng matandang driver kaya naman agad akong lumabas nu’ng tricycle at nagbayad. "Sige na... kailangan ko nang magtrabaho," sabay baba ko nu’ng tawag at hindi na hinintay pa ang sasabihin ko sa kabilang linya. Ibinalik ko ‘yung cellphone ko sa loob ng bag bago ako pumunta sa public comfort room para mag-ayos ng sarili. "Okay... pagkatapos ko rito, susunduin ko ‘yung inaanak ni Crix sa bahay ng Tita niya at sasamahan hanggang 2:00 pm. Pupunta ako sa palengke mamayang 2:30 para bilhin ‘yung mga ini-uutos ni Mr. Oliver, tapos saktong 3:00, sa bar naman ako para mag-serve ng orders nu’ng mga maagang darating. 5:00, magbabantay ng bakery at 6:00... maghuhugas ng pinggan sa restaurant," mahinang usal ko habang nakaharap sa salamin at itini-tirintas ‘yung mahaba kong buhok. ‘Ang dami ko pa lang gagawin,' hindi makapaniwalang usal nu’ng kabilang parte ng utak ko. Naiiling tuloy akong lumabas nu’ng CR at tuloy-tuloy na pumasok sa loob nu’ng Town hall. "Magandang umaga ho," nakangiti kong bungad du’n sa head ng mga janitor. Matandang babae na siya, kapansin-pansin na ang mga puting hibla sa kaniyang buhok at nakasuot na rin siya ng salamin na may lace. Nakaupo siya ngayon sa hindi naman kalakihan na lamesa na kulay mahogani kung saan ay may makinilya pa sa harapan niya at ilang mga libro. "Magandang umaga rin naman miss, anong kailangan mo?" tanong niya. "Ako ho ‘yung papalit du’n sa isang janitor na absent ngayon, Ma'am," may pag galang na sagot ko. Napansin ko ang paglaki ng kaniyang mga mata bago nito ako tiningnan ng maigi. "Sigurado ka ba, miss?" "Ummm, opo? May problema ho ba?" medyo may pag-aalala na tanong ko. Baka kasi mamaya ay hindi niya ibigay sa akin ang trabahong ‘to. "Wala naman, hindi lang talaga ako makapaniwala na ikaw ‘yung papalit. Hindi kasi bagay sa itsura mo ang pagmo-mop ng sahig dito sa hall," nahihiyang sagot nu’ng matandang babae. Anong mali sa itsura ko? Pasimple akong napakamot sa ulo ko. "Naku ma'am, pare-parehas naman po ang mukha ng pera kaya dapat hindi maarte," biro ko sabay kuha ng isang timba at mop. "Oo nga naman, oh siya, sige ihja... magsimula ka na," nakangiti niyang sambit kaya tumango ako at agad na tumalikod bitbit ‘yung mga gamit. Nakarating ako sa pinaka-dulong bahagi nu’ng hallway kaya naman nagsimula na akong mag-mop nu’ng sahig habang pinupunasan ‘yung railings ng mga hagdanan. Napansin ko pa nga na napapatingin sa akin ‘yung ibang mga emplyado na dumadaan sa hindi ko malaman na dahilan, hindi ko tuloy maiwasan at mapigilan na mapa-iling na lang sa sarili ko. May mali ba talaga sa itsura ko? "Excuse me?" biglang sambit ng kung sinong babae sa may likuran ko na naging dahilan kung bakit ako agad na napalingon. "Bakit ho?" magalang na tanong ko matapos mabungaran ang isang matandang babae na may dalang box. "Alam mo ba ihja kung saan dito ‘yung opisina ni Mr. Diaz?" nahihiya niyang tanong sa akin. "Ay, sorry po, Ma'am... bago lang po kasi ako dito kaya hindi ko po kilala ‘yung mga empleyadong nasa taas, pero kung gusto ninyo, ipagtatanong ko po kung saan ‘yung opisina nu’ng taong hinahanap ninyo," nakangiti kong sagot. Lumiwanag ‘yung mukha ng matanda bago ito marahang tumango, "Salamat ihja, kanina pa kasi ako paikot-ikot du’n sa baba." "Wala po iyon Ma'am, sige na ho, aakyat na muna ho ako du’n sa taas. Ibaba ninyo na lang ho muna iyang dala ninyo para hindi kayo mahirapan," sabi ko pa. Iniwan ko muna ‘yung matandang babae doon sa hallway bago ako nag madaling umakyat sa hagdanan at nagtungo doon sa kakilala kong emplyeado para magtanong. "Blake?" "Oh?! Miranda, anong ginagawa mo dito?" gulat niyang sambit, pagsilip ko doon sa pinto kung saan siya nagtatrabaho. Tumayo siya at lumabas ng kaniyang opisina upang harapin ako sa labas nu’ng pinto kung nasaan ako. "Hindi ko pala nabanggit sayo, ako kasi ‘yung pumalit du’n sa isang janitor ninyo na absent," sagot ko. "Kung ganu’n, bakit nandito ka? May problema ba du’n sa baba?" tanong niya. Umiling-iling ako, "Wala naman, pero may isang Ginang kasi na naghahanap kay Mr. Diaz. Hindi ko naman kilala ‘yon kaya umakyat ako dito para magtanong.” "Ahh. ‘Yung pinaka-unang opisina na madadaanan mo papunta dito, ‘yun ‘yung opisina ni Mr. Diaz, kumatok ka na lang. Medyo busy kasi si sir kaya paniguradong hindi ka niya mapapansin kung sisilip ka lang sa bintana," saad niya habang itinuturo ‘yung direksyon na dinaanan ko kanina. "Sige, salamat Blake." Tumango lang siya sa akin at bumalik na rin du’n sa loob kaya naman agad na rin akong bumaba upang ituro du’n sa Ginang ‘yung opisina. "Nahanap ko na po Ma'am ‘yung office ni Mr. Diaz." "Salamat naman kung ganu’n.” Nakangiti niyang sambit. "Pero mataas po kasi ‘yung hagdanan paakyat kaya ihahatid ko na ho kayo, mukhang mabigat pa naman iyang kahon na dala niyo." Kinuha ko ‘yung box na nasa sahig at binuhat iyon bago siya alalayan papunta sa taas. Hindi rin naman kami natagalan, dahil makalipas lang ang ilang minuto ay narating na namin ‘yung tapat nu’ng kwarto ni Mr. Diaz. Malakas akong kumatok doon bago namin narinig ang mga yabag na papalapit mula sa loob. "Magandang umaga," bati ng isang matandang lalaki habang nakatutok sa hawak nitong diyaryo kung saan ay hindi man lang niya kami pinagtuunan nang kahit konting tingin. "Samuel! Ganiyan ka na ba talaga ka-busy at hindi mo man lang kami magawang tingnan?!" biglang singhal nu’ng Ginang sa likod ko kaya gulat akong napapitlag.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook