CHAPTER ONE: MY WORK

1526 Words
“Hi.” Napatingin ako sa isang lalaki na naka-formal suit. Halatang isa siyang bilyonaryo base sa itsura at porma niya. Ngumiti ako sa kaniya nang may pang-aakit. Mukhang malaki-laki ang kikitain ko ngayong araw. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na napakasuwerte ko ngayon. Lumapit siya sa akin at dahan-dahang ipinagapang ang kaniyang hintuturo sa makinis kong balat. Pinaakyat niya ito mula sa aking kamay papunta sa aking braso. “How much?” agad na tanong niya na nagpangiti sa akin. Masasabi ko na, isa ako sa mga pinakamabentang babae sa lugar na ito, dahil na rin siguro sa aking katawan at sa maganda kong mukha, 'yon din ang sinasabi ng lahat. Pero kapag mag-isa na akong tumitingin sa salamin, hindi ko makita-kita ang kagandahang nagtataglay sa akin. “Siguro naman alam mo na ang ino-offer ko. Hindi ako 'yong tipong—” Agad akong napahinto nang biglaan siyang magsalita. “Yes, ipinaliwanag na sa akin na ang kaya mo lang ay paligayahin ako gamit ang...” Huminto ito saglit at ipinalandas ang kaniyang hinlalaking daliri sa aking labi. “... Makasalanan mong bibig.” Napalunok ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan at murahin pero ano naman ang ipaglalaban ko? Totoo naman na isa akong makasalanang babae “Tara na,” nakangiting sambit niya. Wala akong magawa kundi tanggapin ang inaalok niya sa akin. Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko lamang siya ngunit sa bawat bagsak ng aking mga paa, alam kong isang malagim na gabi na naman ang aking kailangang malampasan. Kailangan kong gawin ito para sa aking kapatid at para na rin sa aking ina. Huminto kami sa harapan ng isang maganda at mukhang mamahalin na kotse. Binuksan niya ang pinto at inilahad ang kaniyang kamay kaya pumasok ako at naupo nang taimtim. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil hindi ko rin alam kung makauuwi ba ako nang buhay o hindi. Ang trabahong ito ay napakadelikado. Marami nang namamatay na babae nang dahil dito, ngunit hindi ko naman magawang matakot at huminto dahil kailangan kong kumita ng malaking pera. Umupo siya sa tabi ko at napansin kong kakaiba talaga ang kaniyang presensya. Siguro dahil sa may edad na siya kaya pakiramdam ko ay may kakaiba sa kaniya. May nagmamaneho sa harapan kaya may pinindot siyang button at doon ay humarang ang isang salamin na kulay itim. Alam ko na kung bakit niya iyon ginawa. “Puwede bang gawin na lang natin 'to sa hotel?” nakangiting tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinakinggan at sa halip, sinunggaban niya ako ng isang rumaragasang halik. Lumayo ako nang bahagya sa kaniya ngunit sa bawat paglayo ko ay siya ring paglapit nito sa akin. Pilit niyang hinahawakan ang aking hita pataas sa pribadong parte ng aking katawan, kaya todo tanggal ako sa kamay niyang akala mo'y kamay ng isang magnanakaw. “I only offer—” Napahinto ako nang sunggaban niya muli ako ng nagliliyab na halik. Patuloy pa rin siya sa paghimas sa aking hita na animo'y inaakit ako, ngunit kahit na ano pa ang gawin niya'y hindi ako maaakit ng kung sino lang. Pinagbigyan ko siya sa gusto niya kahit na labag ito sa aking kalooban. Tuluyan na akong nakipagpalitan ng laway sa kaniya. Walang humpay ang paggalaw ng aming mga labi na para bang isang makina na hindi puwedeng patayin. Patuloy pa rin ang paghimas niya sa aking hita hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang palad na unti-unting umaangat sa maselang parte ng aking katawan kaya agad ko iyong pinigilan gamit ang aking dalawang kamay. “Masiyado kang mabilis,” sambit ko habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. “I just wanna touch it. Hindi ba puwede iyon?” Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako nang diretso sa mata. “Alam mo naman na ang trabaho ko lang ay paligayahin ka, hindi ang paligayahin ang sarili ko. So, bawal akong hawakan sa parteng ito,” pagpapaliwanag ko sabay turo sa pinakamaselang bahagi ng aking katawan. “Ayaw mo bang dilaan ko 'yan hanggang sa manginig ka sa sobrang sarap?” Halos kilabutan ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw at gustong-gusto ko nang tumakbo pero kailangan kong tapusin ang gabing ito. Para sa pera. Lumunok ako bago muling magsalita, “Hindi puwede.” Huminto ang kotse sa isang malaking building kaya dali-dali kaming bumaba ng kasama kong lalaki. Pumasok na kami sa loob ng hotel at nagpa-check in. Nang matapos ibigay ang susi at sabihin kung saan ang kuwarto na aming tutuluyan ay nagsimula na kaming maglakad at sumakay sa elevator. Buong katawan na ang aking kaba. Nilamon na ako nito nang tuluyan. Nang marating na namin ang floor kung saan nandoon ang room na nakalaan sa amin ay inihakbang naming muli ang aming mga paa hanggang sa tuluyan na naming marating ang lugar. Unti-unti naming itinapak ang aming mga paa papunta sa loob at hindi pa man din tuluyang nakapapasok ay itinulak niya ako nang mabilisan sa kama dahilan para bumagsak ako at mapahiga. Hinubad niya ang kaniyang suot-suot na para bang isang tigre na gustong-gusto nang makalapa ng isang tao. Nang matapos na siya ay pumatong siya sa akin at hinalikan niya ako sa aking leeg, walang humpay hanggang sa napadaing ako nang kagatin niya ito nang sobrang diin. “I like that kind of expression of yours,” aniya habang nakatutok pa rin ang mukha sa aking leeg. Ipinalandas niya rito ang kaniyang dila at hindi ko maitatanggi, mas lalo akong nandidiri sa sarili ko dahil sa ginagawa niya. Kung sana lang ay kagaya ako ng ibang prostitute na sarap na sarap sa kanilang ginagawa, siguro'y tuwang-tuwa na ako sa mga oras na ito. “You like it?” tanong niya. Umayos siya ng puwesto at napagmasdan ko na nang maigi ang kaniyang mukha. Sa totoo lang, hindi ko magawang titigan ang buo niyang pangangatawan dahil mas nandidiri ako sa sarili ko sa tuwing ginagawa ko iyon. “Can I?” tanong niya sabay turo sa dibdib ko, alam ko na ang ibig sabihin niyon. Tumango ako sa kaniya dahilan para tanggalin niya ang suot kong saplot kaya naman lumantad sa kaniya ang suot kong bra at walang anu-ano'y tinanggal niya rin ito hanggang sa tuluyan niya nang masilayan ang naglalakihan kong dibdib. “Wow,” aniya habang kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang labis na paghanga. Halos lahat ay ganiyan ang nagiging reaksyon sa tuwing nakikita na nila ang aking dibdib, alam kong hindi rin ito maiiwasan dahil sa perpekto nitong hugis. “Ngayon lang ako nakakita nang ganito kaganda na—” Natigilan siya sa pagsasalita nang takpan ko ang bibig niya dahil ayaw ko nang marinig ang susunod niyang sasabihin. “Tapusin na natin 'to.” Nagsimula siyang himasin ang dibdib ko at sa bawat himas niya ay ito rin ang bawat pag-angat ng mga balahibo ko sa katawan. Hindi ako nakararamdam ng sarap, ang nararamdaman ko ngayon ay pagkadiri sa aking sarili. Hindi ko na matiisan ang kaniyang ginagawa kaya naman muli akong nagsalita, “Puwede bang doon na tayo sa dapat na ginagampanan ko ngayong mga oras na ito?” Pagkasabi ko n'on ay tumigil siya sa ginagawa niyang pagmasahe sa aking hinaharap. “Okay, sige.” Umalis siya sa ibabaw ko at umupo sa gilid ng kuwarto. Ibinuka niya ang kaniyang hita at alam ko na ang ibig sabihin n'on. Lumapit ako sa kaniya at itinutok ang aking mukha sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Kitang-kita ng aking mga mata ang hugis at itsura nito. Dahan-dahan ko itong hinawakan nang pataas at pababa, sunod-sunod at walang tigil. “s**t! Oh God...” Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na unti-unti na siyang nasasarapan sa aking ginagawa. Paulit-ulit ko pa itong ginawa hanggang sa hawakan niya ang aking buhok at inilapit niya ito sa kaniyang p*********i dahilan para dahan-dahan ko itong isubo. Iginalaw niya ang aking ulo gamit ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking buhok. Mabilisan niya itong ginawa hanggang sa masuka ako dahil umabot na ito sa aking lalamunan. “s**t! Ah! f**k you!” ungol nito habang patuloy pa rin ang pagtaas-baba sa aking ulo. Mayamaya pa'y napansin kong malapit na siyang labasan kaya tinanggal ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking buhok at inayos ang aking sarili. Kita ko sa kaniyang mukha na nagtataka siya sa aking ginawa. “Why did you stop?!” pasigaw na tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya nang may pang-aasar pagkatapos ay kinagat ko ang aking labi. “Ten thousand to continue,” wika ko sa kaniya. Pagkasabi ko n'on ay hinatak niya akong muli at ipinasubo ang kaniyang p*********i hanggang sa tuluyan na siyang labasan. “Ahhhh!” Umalingawngaw ang malakas na ungol niya sa buong paligid. Nang marating niya na ang sukdulan ay agad siyang tumayo at pumunta sa banyo, doon ay naligo siya at madaliang nagbihis. Nang makalabas na siya ay inilapag niya ang pera sa kama at hinalikan pa akong muli. “See you,” aniya habang lumalakad palayo mula sa silid na ito. Nang mapansin kong wala na ang kaniyang anino at wala na siyang bakas mula sa silid na ito ay tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang tagal ko na sa trabahong ito pero hindi pa rin ako sanay. Sobrang sakit pa rin talaga.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD