CHAPTER TWO: MILK TEA

1521 Words
Sabado ngayon at araw ito ng pahinga kaya umuwi ako sa bahay namin at naisipan kong dito na muna mamalagi hanggang sa sumapit ang linggo. “Ate, will you buy me a milk tea?” tanong sa akin ng kapatid ko habang nagpapa-cute pa ito. “Huwag ka nang magpa-cute. I'll buy you. Wait here,” sagot ko naman sa kaniya. Sa tuwing tinitingnan ko sina Glaire, hindi ko maiwasang maisip na napakaganda ng buhay nila. Maganda ang naging buhay ng dalawa kong kapatid dahil na rin sa ginagawa ko, kaya kahit sabihin nilang mali, wala akong magagawa kung ito lamang ang paraan upang umangat kaming lahat. At isa pa, hindi mapapagamot ng pagiging malinis ang nanay ko, kaya kailangan kong pagtiisan ang lahat ng panghuhusgang maririnig ko sa ibang tao. Hindi alam ng mga kapatid ko at ni Mama ang trabahong mayroon ako, ang alam lang nila ay isa na akong magaling na guro. Hindi ko na rin sinabi dahil alam ko ang iisipin nila. Alam kong ganoon din ang iisipin nila sa akin gaya ng ibang tao. “Ate, what's wrong?” Nahimasmasan ako nang magsalita ang kapatid kong babae. Humarap ako sa kaniya at ngumiti. "Aalis na ako. Stay here at hintayin mo ang kuya mo pati si Mama." “Okay. Take care,” aniya. Lumakad ako palayo at sumakay sa bisikletang nakalagay sa gilid ng aming bahay. Ito na lang ulit ang unang beses na gagamitin ko ito. Pagkasakay ko sa bisikleta'y pakiramdam ko, bumalik akong muli sa pagkabata. Sinimulan ko itong paandarin, sanay na sanay pa rin ako sa pagbibisikleta. Natutuwa ako dahil napapapikit ako sa tuwing hahaplos ang hangin sa aking mukha. Nang makita ng aking mga mata ang isang milk tea shop ay agad akong huminto at itinabi ang bisikleta sa gilid. Inayos ko ang aking sarili bago pumasok sa loob. Pagkapasok ko'y nakita ko ang napakaraming tao, siguro dahil sa araw ng sabado ngayon kaya nagdagsaan ang mamimili. Pumila ako ng ilang minuto hanggang sa ako na ang tanungin kung ano ang mga mga order ko. “Wintermelon...” Huminto ako saglit at tiningnan ang menu. Wala akong mapili dahil unang beses kong bumili ng milk tea at isa pa, hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay. “... Cappuccino.” Ngumiti ako sa kaniya habang inililista niya ang mga order ko. Nang makabayad na ako ay umupo ako sa isang tabi at hinintay lamang ang pagdating ng mga binili kong inumin. “May I sit here?” Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko ang isang lalaking nakangiti sa akin nang kakaiba. Pansin ko ang ganda ng pangangatawan at porma niya, hindi rin maipagkakaila na maganda ang kaniyang lahi dahil sa kulay asul nitong mga mata. “Marami namang bakante,” sagot ko sa kaniya bago ibaling ang atensyon sa mga sasakyan na nasa kalsada. “Ang sungit mo naman. Gusto ko lang naman saluhan ang isang magandang binibining kagaya mo,” dugtong pa niya dahilan para mapakunot ang aking noo. “Maraming magaganda riyan. Doon ka sa iba.” Akmang tatayo na sana ako nang hawakan niya ang aking braso. Tinitigan ko siya nang masama ngunit sa halip na bitiwan niya ako'y nginitian niya pa ako nang nakakaloko, hindi ko alam pero may kumiliti sa akin nang gawin niya 'yon pero mas lalo rin akong nainis dahil pumasok na naman sa aking isipan na iisa lang ang habol ng mga lalaki, s*x. “Don't touch me.” Pagkasabi ko n'on ay agad niyang tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin at itinaas niya ang mga ito. “Okay.” “Ma'am, here's your order.” Iniabot sa akin ang mga inumin na aking binili. Tumango ako sa babaeng nag-abot nito bago naglakad palayo. Hindi na ako lumingon pa dahil ayaw ko nang makita ang mukha ng lalaking 'yon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko isa siyang lalaking mababaw lang, kumbaga'y mukha siyang napapaikot lamang ng pera. Sasakay na sana ako sa bisikleta nang tawagan ako ng nakaaangat sa aming lahat sa trabaho — si Madam. Huminga ako nang malalim bago ito sagutin. ?May naghahanap sa iyo,” bungad niya. “Sino raw?” pabalik na tanong ko dahil na rin sa kuryosidad. “Sugar daddy mo. Bakit ba naman kasi hindi mo pa pinagbigyan? Bilyonaryo 'to, hindi lang basta-basta simpleng milyonaryo gaya ng mga tina-target mo. Magpatira ka na.” Napabuntong-hininga na lamang ako nang marinig ko ang mga sinabi niya, pilit kong pinipigilan ang aking sarili na magalit sa kaniya dahil ayaw kong maging katulad niyang isang walang kuwentang babae, ni minsa'y hindi ko pinangarap 'yon. “You know me. I don't like that kind of stuff.” Tumawa siya nang malakas nang marinig niya ang sinabi ko na para bang nagbitiw ako ng isang nakatatawang biro. “Bakit ba kasi ganiyan ka? Isa tayong mga puta! Normal sa atin ang magpatira pero ikaw, virgin ka ba? Huh?” natatawang tanong niya sa kabilang linya. Hindi na ako sumagot at dali-dali kong pinatay ang tawag. Inayos ko ang aking buhok na nagulo dahil sa malakas na hangin. “E, ano kung virgin ako,” bulong ko sa sarili habang inaayos ang mga binili na milk tea sa lalagyanan na nasa harapan ng bisikleta. “E, ano kung virgin ako.” Halos mahimatay ako sa gulat nang marinig ko ang boses na 'yon. Napatingin ako sa nagsalita at napairap nang makita kung sino 'yon. “Ano ba ang kailangan mo?!” sigaw ko sa lalaki na hinawakan ako kanina sa loob ng milk tea shop. Halos mainis ako dahil sa ginawa niya. “May I get your number?” tanong niya sa akin habang inilalapit ang kaniyang mukha kaya umiwas ako nang mabilisan at tumingin sa kung saan. “Kanina ka pa ba nakikinig?” nahihiyang tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung narinig niya ang lahat ng napag-usapan namin ni Madam pero sobra akong nahihiya. “Wala akong narinig bukod sa virgin ka pa.” Gumuhit na naman ang ngiti sa kaniyang labi na dahilan ng aking pagkainis. “Ano ba kasi ang kailangan mo?” mahinahong tanong ko. Umihip na naman ang malakas na hangin dahilan para maharangan ng buhok ang aking mukha. “Gusto lang kita makilala. Yes, nakaaakit ka dahil ang ganda mo at...” Huminto siya saglit at tumingin sa aking katawan mula ulo hanggang paa. “... Ang sexy mo. Hindi ako magsisinungaling, I want to make love with you.” Nabigla ako nang tumibok nang napakabilis ang puso ko, hindi ito mapakali na para bang hinahabol ng isang mabangis na hayop. Dapat ay nagagalit na ako sa sinabi niya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? “What do you think?” tanong niya sa akin habang dahan-dahang tinatanggal ang mga buhok na nakaharang pa rin sa aking mukha. Nang sumagi sa aking labi ang kaniyang kamay ay halos tumaas ang balahibo ko. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. “What are you doing to me?” wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, pakiramdam ko'y sobrang init ng paligid at kailangan ko nang hubarin ang lahat ng saplot ko sa katawan para mapreskuhan. “Bakit? Naaakit na ba kita? Huh?” Inilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para mapapikit ako. Hindi ko na makontrol pa ang aking sarili, pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng mahika niya. “A-Ano ba a-ang ginagawa mo?” nauutal kong tanong habang pilit na ibinabalik ang sarili sa kontrol. “Akin na muna ang cellphone mo.” Kinuha niya ang cellphone ko mula sa aking kamay at binuksan niya ito. Nakahinga ako nang malalim nang ilayo niya ang kaniyang mukha sa akin. Napansin ko rin na may pinipindot siya at alam ko na ang ibig sabihin n'on, siguro ay kinukuha niya na ang number ko. “Are you happy now? Aalis na ako.” Mabilisan akong sumakay sa bisiklet nang ibalik niya na ang aking cellphone. Bago ko siya tuluyang lisanin, nasilayan ko pa ang kakaibang ngiti niya. Hindi ko alam pero alam kong may kakaiba sa kaniya at sana ay hindi ko na siya makita pa dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag inulit niya pa ang ginawa niya sa akin. Pakiramdam ko'y pinakukuluan ako kanina dahil sa init na dumadaloy sa buo kong katawan at sa kauna-unahang pagkakataon, ito ang unang beses na nakaramdam ako nang ganito, ayaw ko man sabihin pero, ngayon lang ako nakaramdam ng libog. “Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ko sa kawalan habang mabilisang pumapadyak. Hindi ko maiwasan ang magalit pero bakit napapangiti ako? Ano ba itong nangyayari sa akin? Napakagat ako sa labi ko nang maalala ko ang pagdampi ng kaniyang kamay sa akin. “Ate, kanina ka pa nakatulala.” Para akong binuhusan ng isang nagyeyelong tubig nang mapansin kong nasa harapan na ako ng bahay namin. Nagtatakang nakatingin sa akin ang kapatid ko. “Tara na.” Inakbayan ko siya at pumasok na kami sa loob ng bahay para hindi ko na sagutin ang tanong niya dahil hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya ang nangyayari sa akin. Ngunit habang hinahakbang ko ang aking mga paa, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang lalaking 'yon. May kung ano sa akin na gusto siyang makilala nang lubusan. Ayaw ko na siyang muling makita pa pero may parte rin sa akin na humihilinging na sana ay pagtagpuin muli ang aming mga landas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD