CHAPTER 6

2125 Words
Subukan man ni Andrea na iwasan si Phoenix ay magkikita at magkikita pa rin silang dalawa lalo na't sa iisang bahay lamang sila nakatira. Subukan man ni Andrea na iwasan si Phoenix ay magkikita at magkikita pa rin silang dalawa lalo na't sa iisang bahay lamang sila nakatira. Mabibigat ang mga hakbang nang magtungo siya sa pool. Sabi kasi ni Manang Susan ay naroon daw si Phoenix. Paglabas niya ay nahanap kaagad niya ang binata. May hawak itong mga papel at wari'y seryoso iyong binabasa. "Manang said, lunch is ready," saad niya sa binata. Nang mag-angat ito ng tingin ay kaagad siyang umiwas ng tingin at umakmang tatalikod na. "Why are you avoiding me?" His voice made her stop from walking. Her eyes widened in panic. Muling nanariwa sa isip niya ang kasalanang nagawa kagabi. Sa halip na sumagot ay nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng bahay. "M-Manang, natawag ko na po," aniya sa matanda. Aakyat na muna sana siya kwarto nang pigilan siya ng matanda. "Saan ka pa pupunta? Tulungan mo na akong maghanda ng mesa." Mariing napapikit si Andrea bago sumunod sa utos ni Manang Susan. She was just placing the plate on the table when she heard footsteps behind her. She knew who it was. Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na plato nang tumayo ito sa harapan niya. "Natatakot ka ba sa ginawa mo kagabi? You made my legs sore, didn't you?" Mas lalong napayuko si Andrea. Mukhang mapapalayas siya roon kapag nagkamali siya ng isasagot niya. She cleared her throat. "I-I'm not avoiding you. I'm sorry about last night." "Sorry? D'yan ka naman magaling, e," anas ng binata. Sinadya nitong hinaan ang boses para hindi marinig ni Manang Susan. Mas lalong nawalan ng ganang kumain si Andrea. Sa halip na umupo roon para makisalo ay lumabas na lang siya sa may pool area. Mag-a-alas-dos na ng hapon nang tawagin siya ni Manang Susan para sumama sa pag-aani ng gulay. Nagsuot siya ng long sleeves na tinernuhan ng dark pants dahil sabi ng matandang katiwala ay mainit pa raw sa daraanan nila. Sa tantiya niya'y nasa kinse minutos na silang naglalakad pero hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod. Ang magkabilang gilid ng dinaraanan nila ay isang malawak na maisan. Namilog ang mga mata niya nang matanawan ang isang ilog. Sa ibabaw niyon ay may tulay na kahoy. Mukhang tatawid sila roon para makapunta sa gulayan. "Manang, pwede po ba akong maligo sa ilog mamaya?" paalam niya sa matanda habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa ilog. Mas lalo siyang naakit nang makita kung gaano kalinaw ang tubig mula roon. Hindi iyon kalaliman pero sa tingin niya ay aabot naman hanggang dibdib ang tubig. "Ikaw ang bahala, hija. Pero tulungan mo muna ako sa pamimitas ng gulay." Tumango-tango naman si Andrea sa sinabi nito. Parang siyang batang nauna pang tumawid sa tulay na gawa sa mga tablang pinagdikit-dikit. Dumukwang pa siya sa railings ng tulay na gawa naman sa makapal na lubid para mas mapagmasdan ang dumadaloy na tubig. "You are very lucky to live in this kind of place, manang. Sobrang ganda po rito," aniya habang namimitas ng talong. Tuwang-tuwa siya sa dami ng mga gulay na pwede nilang makuha roon. Nang matapos sila sa ginagawa ay tumakbo kaagad si Andrea patungong ilog. Binilinan pa siya ni Manang Susan na magpahinga muna bago lumusong sa tubig dahil nagbilad sila sa araw. Sabik siyang umupo sa tabi ng ilog at marahang dinama ang tubig sa kaniyang mga palad. Napangiti siya nang maramdaman kung gaano kalamig ang tubig. This place calmed her inner peace. Pansamantala niyang nakalimutan ang pagkawala ng alaala niya. Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na siyang maligo. Luminga-linga siya sa paligid. Nang masigurong wala namang ibang tao roon ay hinubad niya ang suot na long sleeve at pants. Itinira niya ang kaniyang panloob na pwede na ring ipangligo. Isa iyon sa mga nabili niya sa shop na pinuntahan nila ni Phoenix. Sa susunod na punta niya rito'y isusuot na niya ang biniling swimsuit. Nagpabalik-balik siya sa paglalangoy at tila walang kapagurang nag-akyat-baba sa malaking bato roon kung saan siya pwedeng tumalon para mag-dive. Sa lamig ng tubig doon ay parang ayaw na niyang umalis. Mayamaya ay natigilan siya nang may maramdaman sa kaniyang hita. Her eyes widened in shock when she felt the band of her underwear snap apart. Hindi niya namalayan na sumabit na pala iyon sa batong inupuan niya kanina. Oh, God. This can't happen. Nilukob ng kaba ang dibdib niya nang makarinig ng boses na papalapit sa kinaroroonan niya. Marahil ay mga trabahador ang mga iyon sa farm. The material was lace thin and even if it was brand new, she can't rely with its quality. Pinilit niyang hawakan iyon gamit ang isang kamay, at ang isa nama'y pangsuporta. May kalakasan din ang agos ng tubig kaya anumang oras ay pwede iyong madala. Her eyes darted to her clothes beneath the tree. Kung kukunin niya iyon, maaabutan siya ng mga trabahador na ganoon ang itsura bago pa man lang siya makapagbihis. Ilulubog na sana niya ang sarili sa tubig nang biglang dumating si Phoenix na sakay ng kabayo nito. At dahil malapit siya sa tulay ay kaagad siya nitong nakita. "What the hell?" sigaw agad nito nang makita siya roon. Bakas pa rin sa kaniya ang pagkagulat sa nangyari kanina kaya hindi kaagad siya nakapagsalita. Nanatiling nakaawang ang kaniyang bibig at nag-aapuhap ng sasabihin. Napakunot ang noo ni Phoenix na marahang bumaba mula sa kabayo. Hindi nito inaalis ang mga mata sa kaniya. Nang ilang hakbang na lang ang layo nito sa kaniya ay saka lang siya nagsalita. "P-Phoenix!" Her alarmed tone caught his attention. Huminto ito sa paglalakad at nagtatakang luminga-linga sa paligid. "What's wrong? Are you hurt?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng binata nang mapansing hindi pa rin siya gumagalaw mula sa pwesto niya. Hinigpitan niya ang hawak sa nasira niyang underwear. Hindi niya mapigilang mamula sa hiya nang dumako roon ang tingin ng binata. At dahil sa linaw ng tubig, imposibleng hindi pa nito makita ang nangyari sa kaniya. Sabay silang napalingon nang marinig ang tawanan nang mga paparating na trabahador ng farm. Namutla siya at halos magmakaawa ang mga matang tumingin kay Phoenix. Saka lang nito napansin ang mga damit niyang iniwan sa ilalim ng puno sa may pampang ng ilog. Nagulat siya nang biglang tumalon sa tubig si Phoenix at lumangoy papalapit sa kaniya. Hinubad nito ang suot na tshirt at mabilis na isinuot sa katawan niyang nanginginig na sa lamig. "You are f*cking careless, woman!" mariin nitong bulong sa kaniya. At dahil umaangat pa rin ang damit na isinuot sa kaniya at hinila iyon ng binata pababa at hinapit ang kaniyang bewang papalapit sa katawan nito. Napapikit siya nang maamoy ang pamilyar na pabango ng binata. She seemed to be addicted with his smell. Napasinghap siya nang dumapo ang palad ng binata sa hubad niyang mga hita. She can already feel his hardness against her lower belly. "Sir Phoenix!" bati ng isa sa mga trabahador na dumaan doon. Nakaramdam siya ng hiya nang sumipol ang ibang kasama nito. Sa sobrang hiya niya ay isinubsob na lang niya ang mukha sa dibdib ng binata. Wala namang kangiti-ngiting tumango si Phoenix sa dumaang mga tauhan sa farm. Hindi niya nagustuhan ang ginawang pagsipol ng mga ito sa tinatakpan niyang kahubdan ni Andrea. "I'm sorry..." halos pabulong na lang na sambit ni Andrea nang makalampas na ang mga trabahador. Sa halip na magalit ay marahang hinaplos ni Phoenix ang likod ng dalaga. "Let me get you out of here," anas nito at binuhat siya paahon mula sa tubig. Maingat siya nitong ibinaba sa pampang kung saan nakalapag ang hinubad niyang damit kanina. "Don't wear your top. Masyadong manipis ang damit na 'yan. Basang-basa ka pa naman. Just wear your pants." Bumuntong-hininga si Phoenix bago tumalikod sa dalaga habang nagsusuot ito ng pants. Nang matapos magbihis si Andrea ay saktong dating din naman ni Manang Susan. "P-Phoenix! Anong nangyari? Bakit basang-basa ka at—" Natigilan ito nang makita ang itsura ni Andrea. Magtatanong pa sana ito nang magsalita si Phoenix. "Ihahatid ko na ho siya sa bahay, manang. Magpatulong na lang po muna kayo kay Nicko. Mauna na ho kami," paalam nito sa matanda. Parang basang sisiw namang sumunod si Andrea kay Phoenix nang maglakad ito papalapit sa dala nitong kabayo. Nauna itong sumakay at inalalayan naman siyang makasampa. Napatili siya nang gumalaw ang kabayo at awtomatikong napakapit sa beywang ng binata. "Hold tight, Andi," utos ni Phoenix. "O-Okay..." Nang makarating sila sa bahay ay kaagad ding bumaba si Andrea. Hindi na niya hinintay pang alalayan siya ng binata. Papasok na sana siya sa loob nang maalala ang suot niyang damit ni Phoenix. Walang sabi-sabing hinubad niya iyon at iniabot sa binatang halos magsalubong na ang kilay sa ginawa niya. "What the hell is wrong with you? Cover yourself, will you?" He muttered a curse out of frustration. "There's no one here, Phoenix. You don't have to pretend like you really care," mahina niyang sagot sa binata. "Thanks for your concern. Tatanawin ko 'yong malaking utang na loob." "Sir Ph—" "Later, Nicko!" sigaw ni Phoenix. He grabbed her sleeves and covered her body. His wide figure was blocking Nicko's sight. "No one, huh? Mukhang sanay na sanay ka na talagang naghuhubad sa harap ng mga lalaki," sarkastikong saad ng binata. Nagtagis ang bagang ni Andrea sa sinabi nito at tinapunan ito ng nagbabagang tingin. "And now, you're insulting me. Napakabuti mo talaga, Sir Phoenix," mariin niyang bulong dito bago tumalikod para magtungo sa kaniyang silid. Pagpasok niya roon ay hindi na niya napigilang kumawala ang pinipigilang mga luha. She felt insulted. But, it was all her fault. Kung hindi sana siya naligo roon, wala sanang mangyayari. Isa pa, tinulungan naman siya ng binata kanina. She can't understand why she suddenly said those words to him. She was the one who triggered his anger. Baka nga concerned lang talaga ito sa kaniya. Bumuntong-hininga siya at marahas na pinunasan ang luha. She just went to the bathroom for a shower. Nagpasya siyang hindi na lang muna bumaba para maghapunan. Hindi pa siya handang makaharap si Phoenix pagkatapos ng sagutan nila kanina. Alas-otso na ng gabi nang magpasya si Andrea na bumaba para uminom ng tubig. Kinatok siya kanina ni Manang Susan para aluking kumain ng hapunan pero tumanggi siya at nagsabing magpapahinga na lang nang maaga. Kinuha niya ang pitsel na may lamang malamig na tubig mula sa ref at nagsalin sa baso. Hindi na siya nag-aksayang buksan ang ilaw sa kusina dahil natatanglawan naman iyon ng liwanag mula sa sala. Babalik na sana siya sa itaas nang may gumalaw na anino sa may kitchen island. Napatili siya at nanlalaki ang mga matang tinitigan kung ano iyon. Bumilis ang kabog ng dibdib niya nang mula sa madilim na bahagi ng kusina ay lumabas si Phoenix hawak ang maliit na kopita ng alak. Is he drunk? She can smell the liquor from him. "It's just me. Don't f*****g shout!" singhal nito. "I'm sorry..." Kagat-labi siyang yumuko para umiwas ng tingin sa binata. Napapitlag siya nang biglang bumubos ang malakas na ulan na sinabayan ng kulog. Niyakap niya ang sarili upang pigilan ang panginginig. Ngunit mayamaya lamang ay gumuhit naman ang kidlat sa labas na sinundan ng malakas na pagkulog. Sa sobrang takot ay napasugod siya ng yakap kay Phoenix. Nabitiwan nito ang hawak na kopita ng alak sa pagkabigla. "Hey... Calm down. It's just a thunder," pang-aalo nito sa kaniya. He caressed his back gently. Mas lalong humigpit ang yakap ni Andrea sa binata nang magsunod-sunod pa ang pagkidlat. "Damn storm. You should go back to your bed," masuyong bulong ni Phoenix kay Andrea. "No! No! No! Please... Don't leave me..." Bumuntong-hininga si Phoenix sa tinuran ng dalaga. It seemed like she has an Astraphobia or an extreme fear of lightning and thunder. "Fine. Sasamahan kita sa kwarto mo. Can you walk?" he asked her gently. Marahan itong tumango at bahagyang inilayo ang katawan sa kaniya ngunit ang mga kamay nito ay nakakapit pa rin sa braso niya. He can stop herself smiling. She never thought that this girl could make her smile like this. Hinayaan lang niya itong nakakapit sa kaniya hanggang sa makarating sila sa kwarto dalaga. "We're here. Are you good?" muli niyang tanong dito pero hindi ito sumagot. Mas humigpit pa ang kapit nito sa braso niya. "Hey..." Kumunot ang noo niya nang mapansin ang luha nito. "What the—why are you crying? Hey, hey! Look at me..." Marahan niyang inangat ang mukha nito at hindi nga siya nagkamali. She's really crying. Looking at her like this felt like a knife stabbing his heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD