CHAPTER 7

2114 Words
SAMANTALA, nagkagulo naman sa mansion ng mga Daez nang makabalik ang mga tauhan ni Nathaniel. Bigo pa rin ang mga ito na mahanap si Andrea. "Mga in*til! Iisang tao lang ang hinahanap ninyo, hindi pa ninyo makita-kita? I didn't pay you a huge amount of money just to be useless!" galit na sigaw ni Nathaniel na umalingawngaw sa buong sala. Napaatras ang mga maid na nakatayo sa gilid nito at nag-aabang ng utos. "Dad, I can't lose that woman! I want to marry her," untag niya sa kaniyang amang abala sa paghithit ng luxury cigarette na nakapatong sa coffee table. "I don't give a s**t to that woman, Nathaniel. You are a powerful man now. You can do anything you want. Having that woman is just a piece of cake!" sagot naman nito sa kaniya. Iritadong umupo si Nathaniel sa couch na nakaharap sa ama. "But it's been weeks already, dad! Paano kung natuluyan na pala 'yon? You know how much I like her, right?" "That obssession of you, son, will be your greatest downfall. Take it slow." "No! Hindi ako titigil hangga't hindi siya nahahanap. At kayong mga inutil, sa susunod na bumalik kayo rito at wala pa rin si Andrea, I will f*cking cut your heads off!" PHOENIX sighed when Andrea finally fell asleep. Para itong batang ayaw magpaiwan kanina. The way she hold his arms tightly, sa tingin niya ay may pinagdaanan ito noon na nag-cause ng phobia nito. At kung anuman iyon ay hindi niya malalaman hangga't hindi bumabalik ang alaala ng dalaga. Marahan niyang isinara ang pinto sa takot na muli itong magising. Maaga pa siyang aalis bukas para sa imbestigasyon sa kaso ng ama ni Andrea. Gustuhin man niyang hindi makialam ay wala na siyang magagawa dahil kasali na siya roon. She has Andrea. Hindi niya hahayaang mapunta lang ito sa kamay ni Nathaniel Daez. She would have faced hell if she didn't manage to escape from Daez's men. "Ugh! Harder please..." she almost plead while the man on top of her rock her body hard. "Lift your hips for me, Andrea!" anas ng lalaking nakaibabaw sa kaniya. Sinunod naman niya ang sinabi nito. She let a long moan as his body slammed hers. Dinig na dinig niya ang mga balat nilang nagsasalpukan sa init ng tagpong iyon. He cupped her from behind. She almost cried when she felt how full she was. The love and need she felt for him overwhelmed her as she watched the haze of pleasure play over his handsome face. His hands were cupping her breasts, squeezing, his thumbs circling. "Phoenix!" Hinihingal na bumalikwas si Andrea mula sa higaan. That dream. It was Phoenix! Why the hell am I dreaming having a s*x with him? Oh, God. Nang dahil sa panaginip na iyon ay hindi na siya muli pang nakatulog. Why does that dream seems real? Ipinilig niya ang ulo at pilit iwinaksi ang nasa isipan. Having s*x with Phoenix is the last thing she could ever think. KINABUKASAN, nagulat si Andrea nang sumalubong sa kaniya ang isang pamilyar na bisita. Kinusot-kusot niya ang mga mata sa pag-aakalang nananaginip lang siya. "Nathalia!" Sabik niya itong sinalubong ng yakap. "Andi! How are you? Mukhang okay na okay ka na ah?" anito nang makalapit sa kaniya. Hindi mawala-wala ang ngiti ni Andrea habang hindi pa rin bumibitaw sa dalagang doctor. "I'm fine. Are you here to check me?" pagkuwa'y nagtataka niyang tanong dito. Ngumiti si Nathalia sa kaniya. "Yes? But, I'm also here for a vacation!" "Really?" Nagtitili silang dalawa sa sala. Tila nakahanap muli ng kakampi si Andrea sa katauhan ni Nathalia. Hanggang sa hapag-kainan ay panay pa rin ang kwentuhan nilang dalawa. "You know what? I know how to clean poops in the—" "We're eating," saway ni Phoenix sa kaniya. Pagkasabi ay ibinalik nito ang atensiyon sa pagkain. "Wait, what? You let her work here, Nix?" kunot-noong tanong ni Nathalia sa kaibigan. Sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat lang ang binata. Natahimik naman si Andrea nang tapunan siya nito nang matalim na tingin. "Ahm, no! I-I was the one who asked for a job para naman hindi ako mainip dito. At, ahm... 'yon lang kasi ang available na trabaho kaya..." She paused and gave an assuring smile to Nathalia that she's fine with her job. "Fine. But now that I'm here, you don't have to do that," pinal na sabi ng dalaga. Naguguluhan naman siyang napatingin kay Phoenix. Bagama't hindi ito nakangiti ay mukha namang wala itong angal sa sinabi ng kaibigan. "Just do what she said. Si Nicko na ang bahala sa trabaho." Tumango-tango naman si Andrea. Pabor din naman iyon sa kaniya. Magkatulong na naghuhugas ng mga pinagkainan sina Andrea at Nathalia habang tatawa-tawa naman silang pinagmamasdan ni Aling Susan. Sabi ng matanda ay para daw silang magkapatid sa pagiging malapit nila sa isa't isa kahit na sandali pa lamang silang nagkakilala. Sa ilang araw na pananatili ni Nathalia sa farm ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ni Andrea. Hindi na sumasagi sa isip niya ang pagkawala ng kaniyang alaala. Ngunit ang isang bumabagabag sa kaniya ay ang panaginip niyang ilang gabi na ring nauulit. At dahil palagay na ang loob niya kay Nathalia, sinubukan niyang ikuwento sa dalaga ang napapanaginipan niya. "And you had that dream again?" kuryosong tanong ni Nathalia habang nagkukuwentuhan sila sa gilid ng pool. Andrea nodded. Her hands did a nervous tap dance on her lap. "But you know what, I-I didn't felt bad about it. It's not like I'm fantasizing Phoenix but it seemed so real. I had that feeling na parang ayoko pang magising habang—" Namula sa sobrang hiya si Andrea nang humalakhak si Nathalia. "Oh, I'm sorry! Hindi naman sa tinatawanan kita, ha. Pero syempre, babae rin tayo. At imposible namang wala ka pang experience noong hindi pa nawawala ang memory mo. Don't get me wrong ha." "Naiintindihan ko naman 'yon. Sobrang weird lang talaga no'n." Naglaro ang pilyang ngiti sa labi ni Nathalia. "So, who was on top this time?" Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito at mas lalong namula. "Seryoso ka ba sa tanong na 'yan?" "Come on, don't be so KJ! Baka mamaya hindi naman totoo 'yong panaginip—" "He was. He's always on top," nahihiya man pero diretsong sagot ni Andrea. She's telling the truth. Paulit-ulit ang panaginip na 'yon kaya hindi siya maaaring magkamali. Pigil-ngiting sumagot si Nathalia. "Maybe you haven't dreamed the other scene?" She laughed. Hinampas niya ito sa braso. "Ikaw, ang halay ng utak mo!" natatawa niyang sabi rito. "Andrea." Napalingon siya nang tawagin siya ni Phoenix. He's wearing that serious face again. "Bakit?" aniya nang makalapit sa binata. "Come with me," utos nito. "Pero—" Nag-aalangan ang tinging nilingon niya si Nathalia. Mukhang nakuha naman nito ang nangyayari kaya sumenyas ito na ayos lang kung iwanan niya ito roon. Tahimik naman siyang sumunod sa binata. Nang umakyat sila sa ikalawang palapag ng bahay ay saka lang niya naunawaan kung bakit siya nito tinawag. Binuksan nito ang isa sa mga guest room at tumambad sa kaniya ang mga gamit niyang maingat na nakalapag sa ibabaw ng kama. "A-Anong ibig sabihin nito?" nagtataka niyang tanong. "This will be your new room. Ayusin mo na lang ang mga gamit mo." Gulat siyang napatingin sa binata. "W-Why are you doing this?" His lips moved but no words came out from his mouth. Mas lalong naguluhan si Andrea. Nahihiwagaan siya sa ikinikilos ng binata. Ilang araw na siya nitong hindi sinusungitan. "I have something to ask," mayamaya'y sabi nito. "The night when there was a storm, bakit gano'n ka na lang katakot sa kulog at kidlat?" kunot-noo nitong tanong. Natigilan si Andrea. Tila nangangapa siya ng isasagot sa binata. Hindi rin niya alam kung bakit ganoon ang inakto niya nang gabing iyon at hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng kahihiyan sa ginawa niyang pang-aabala rito. "I-I really don't know. Basta ang alam ko lang... takot na takot ako. Thank you for uhh... for not leaving me that night," aniya at biglang napayuko. "Look at me, Andrea," utos ng binata. Suddenly, she looked nervous. Lalo na nang magtama ang paningin nila ng binata. She was about to take a step back when he carefully hooked his arm around her waist. She heard him took a sharp breath when he pulled her closer, pressing his chest against hers. "I want to taste that lips badly, Andrea. Would you allow me to kiss you?" anas nito nang ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa kaniya. Marahas na napalunok si Andrea at hindi kaagad nakasagot. "Then I'll take that silence as a yes," he said and gently laid his lips on hers. He slightly pushed her and used his left foot to close the door. Phoenix pushed his fingers into her hair, and leaned down to deepened the kiss. He gently pushed his tongue inside her mouth, exulting at the feel of her, at the taste of her. Humigpit ang kapit ni Andrea sa t-shirt na suot ni Phoenix habang sinasalubong ang maiinit na halik nito. Napasinghap siya nang bumaba ang halik ng binata sa kaniyang leeg. He gently laid his lips on her throat, and licked. Heat glided through her veins as he reached for the bottom of her shirt. He slid his hands inside her shirt, palming her stomach. The electricity of his touch ignited and they both moaned. "I want more of you, now. May I?" he growled. But before she could answer, there was a knock on the door. Awtomatikong naitulak ni Andrea si Phoenix. Kapwa silang hinihingal nang muling magtama ang kanilang mga mata. "Andi! Are you there? Handa na raw ang lunch!" sigaw ni Nathalia mula sa labas. Naihilamos ni Phoenix ang mga palad sa kaniyang mukha bago nagpasyang buksan ang pinto. Namilog naman ang mga mata ng kaniyang kababata nang makita siya roon. "What are you doing in her room?" maang nitong tanong sa kaniya. Bahagya pa itong sumilip sa loob at nakita si Andrea. "Busy, huh?" she grinned. "Susunod na lang kami, Nathalia. Get out," ani Phoenix na sinadyang hinaan ang huling sinabi. "Fine, I'll go. Hindi mo naman kasi sinabing may balak ka palang... eh di sana, hindi ko kayo naistorbo," ganting bulong ng dalaga at humahagikhik na umalis doon. "Finish that later. Kumain na muna tayo," baling niya kay Andrea na inabala na ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit. "Uhh... mamaya na lang ako!" Kumunot ang kaniyang noo. Lumapit siya sa pwesto nito at inagaw ang hawak nitong paper bag. "I'll help you fix your things later, but for now, let's go downstairs," he said with authority. Hindi pa rin makatingin sa kaniya ang dalaga. "Okay," tipid nitong sagot at nauna pa sa kaniyang lumabas. Halos lumubog na sa kinatatayuan si Andrea nang dumako ang tingin ni Nathalia sa kanilang dalawa. Naramdaman niya si Phoenix sa likuran niya. "Let's eat. Mukhang masarap 'tong niluto mo, manang, ah!" basag ni Phoenix sa katahimikan nila. Napangiti naman ang matanda nang mapansin ang magaang awra ng kaniyang alaga. Mula nang mamatay si Julia ay ngayon lang niya ulit nasaksihan ang ganoon kagaang awra ng binata. Madalas kasi itong tahimik tuwing kumakain o 'di kaya nama'y abala sa pakikipag-usap sa cellphone habang nasa hapag. Madalas din nitong masermunan ang mga tauhan sa farm kahit simpleng pagkakamali lamang ang nagawa. Hinila ni Phoenix ang katabing upuan at iminuwestra kay Andrea. "Sit here." Nagkatinginan sina Manang Susan at Nathalia. Kaagad namang namula si Andrea at tahimik na lang na sumunod sa sinabi ng katabi. Halos hindi siya makatingin sa mga kasama sa hapag nang ipagpatuloy ni Phoenix ang kakaibang ikinikilos nito. "I've never seen him that happy since Julia died, Andi. Thank you," bulong ni Nathalia sa kaniya habang naghuhugas sila ng pinagkainan. Abala naman sa pag-uusap tungkol sa farm sina Manang Susan at Phoenix sa may hapag. "H-Ha? B-Bakit sa 'kin ka nagpapasalamat?" nahihiya niyang tanong dito. "Aysus! Painosente ka pa. It's because, you happened." Hanggang sa matapos ang buong maghapon ay laman pa rin ng isip ni Andrea ang sinabi ni Nathalia at ang nangyari sa kanila ni Phoenix. Nagpaalam pa ang binata na hindi na siya nito matutulungan sa pag-aayos sa kwarto niya dahil may kailangan daw itong asikasuhin sa farm. Sinabi naman niyang kaya na niya iyon at magpapatulong na lang kay Nathalia kung sakali. Nanghihina siyang napaupo sa ibabaw ng kama. What the hell just happened, Andrea? They just kissed. At kung hindi kumatok si Nathalia, baka kung saan pa sila humantong. Wala sa sariling hinawakan niya ang mga labing hinalikan kanina ni Phoenix. That feeling, parehong-pareho sa panaginip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD