CHAPTER 8

2073 Words
NAGISING si Andrea sa mahihinang katok mula sa labas ng kwarto niya. Dali-dali siyang bumangon sa pag-aakalang si Nathalia ang kumakatok. "Nathalia bakit ang aga—Phoenix?" Nagulat siya nang bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ng binata. She inhaled his familiar scent. Mukhang nakaligo na ito. Bigla siyang nakaramdam ng hiya nang mapagtanto kung anong oras na. Simula kasi nang pahintuin siya nito sa paglilinis ay madalas na rin siyang tinatanghali ng gising. "Sorry, late na naman akong nagising," nakayuko niyang sabi. "No, it's okay. I just wanna ask kung gusto mong sumama sa bayan. May mga ipinabibili kasi si Manang Susan," anito at muling ngumiti. Biglang napaisip si Andrea. Paubos na rin ang toiletries niya pero nakakahiya naman kung hihintayin pa siya ng binata. Nakabihis na ito at handa nang umalis samantalang siya ay kagigising pa lang. "Ah, hindi na. Nakakahiya naman kung maghihintay ka pa. Sa susunod na lang ako sasama." "No. I'll just wait for you downstairs. Take your time," pinal na sabi ni Phoenix. Magpo-protesta pa sana si Andrea pero tumalikod na ang binata para bumaba. Nasapo niya ang kaniyang noo at dali-daling naghanda ng maisusuot. "Sorry sa paghihintay," paghingi niya ng despensa nang matapos siya. Natagpuan niya si Phoenix na nagkakape sa sala. Naririnig naman niya ang tawa ni Nathalia na nagmumula sa kusina. Mukhang nagluluto pa lang ang mga ito. "No problem. Ahm, sa bayan na lang tayo mag-breakfast. Shall we?" Tumikhim ito nang tuluyang makalapit sa kaniya. "You look good with that dress," bulong nito bago siya lampasan para mauna nang lumabas. Nag-init ang pisngi ni Andrea. Paglabas niya ng pintuan ay nakasalubong naman niya si Nicko na may bitbit na basket na puno ng mangga. "Good morning, Andeng! Ang ganda ng bihis natin ngayon, ah! May lakad ba?" tanong nito sa kaniya. Nahihiya siyang ngumiti sa binatang trabahador. "Salamat, Nicko. Ah, may pupuntahan lang. Sige ha, dito na 'ko." Tumango-tango naman ito at pumasok na rin sa loob. Binuksan ni Phoenix ang pinto ng range rover nito sa may passenger's side at hinintay siyang makapasok bago umikot sa kabila. Kapansin-pansin ang pananahimik nito nang nasa byahe na sila. Ang bilis naman magbago ng mood niya. Habang nasa byahe ay may inabot itong face mask sa kaniya. Kinuha niya iyon sa kamay nito at ipinatong sa kaniyang hita. Mamaya na lang niya iyon isusuot kapag nakababa na siya. She notice what he was wearing now. A casual t-shirt and a Cotton-Twill Bermuda Shorts paired with white leather sneakers up spice up his looks. Mabuti na lang at nagpasya siyang mag-dress nang umagang iyon. Phoenix parked the car in front of the grocery store. She got out as fast as she could. Nakakahiya naman kung hihintayin pa niyang pagbuksan siya nito ng pinto. She's heading to get a shopping cart when a kid ran. Sa pagmamadali nito ay nasagi nito ang kamay niyang may hawak na pouch at tumilapon sa 'di kalayuan. Pupulutin na sana niya iyon nang maunahan siya ni Phoenix. When he bent down to pick her pouch on the floor, his shorts tightened around his legs and his sexy butt. She quickly removed her gaze before he caught her ogling "Do you want to have your own cart or..." Hinintay nito ang sagot niya bago kumuha ng isa pang cart. Nahila na kasi niya ang isa. "Ahm, kakaunti lang naman ang bibilihin ko. Makiki-share na lang ako," aniya na bahagyang nahiya. Magkano lang kasi ang pera niya sa dala niyang pouch at galing pa iyon kay Phoenix. "Okay. Ako na d'yan." Inagaw nito ang cart sa kaniya at ito na ang nagtulak niyon. Tahimik lang naman siyang sumunod sa binata. "What should we get? Nabili ko na ang mga inilista ni Manang Susan," anito nang mangalahati na ang laman ng dala nilang push cart. "S-Sa toiletries lang naman ako. Paubos na kasi 'yong uhh—gamit ko." She bit her lower lip. "Okay." Itinulak ulit nito ang cart at nagtanong sa nakasalubong na sales associate kung saan makikita ang toiletries. "Get all what you need. I'll just call someone," paalam nito sa kaniya. Bahagya itong lumayo sa kaniya nang sumagot ang tinatawagan nito. Inabala naman niya ang sarili sa pamimili ng sanitary napkin na gagamitin niya. Hinanap niya ang brand ng nabili ni Phoenix noong nakaraan. Komportable kasi siyang gamitin iyon. Napangiti siya nang makita iyon sa stand. "That's what I bought last time, right?" Muntik na siyang mapatalon sa boses ni Phoenix mula sa likuran niya. "Oh, sorry." "O-Okay lang. Ahm, oo. Hinanap ko talaga 'yong brand ng binili mo." Ibinalik niya ang tingin sa stand at kumuha ng iba pa niyang kailangan. Tiningnan muna niya ang presyo at tinantiya kung sasakto ang perang dala niya. He was pushing the cart in the cookies and chips section. He pulled some of them and filled in the cart. Out of the corner of her eye, she spotted a pack of chocolate cupcakes with peanut butter frosting on them. Natakam siya sa glittery sprinkles sa ibabaw nito. They looked like they would melt in her mouth when she ate them. Bumuntong-hininga siya at bahagyang lumayo roon. Alam naman niyang wala siyang pambili ng mga iyon. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Phoenix ang tinitingnan ni Andrea. His eyes were all on her after getting some cookies. Tahimik siyang kumuha ng dalawang pack ng cupcakes at inilagay sa cart. Hindi naman iyon napansin ni Andrea dahil nauna na itong maglakad patungong counter. Punong-puno na ang cart na tulak-tulak ni Phoenix. Mukhang marami rin ang pinabili ni Manang Susan. Umiwas siya ng tingin nang isa-isa nang in-unload ni Phoenix ang laman ng kanilang cart. Wala pa yatang limang items ang sa kaniya roon. Bigla siyang nanliit. "Ahm, miss, pakibukod na lang po yung receipt para sa toiletries," singit niya nang makitang inabot na iyon ng kahera. Kunot-noo naman siyang binalingan ni Phoenix. "No, miss. Isang receipt lang lahat. I'll pay for these." Aalma pa sana si Andrea nang hawakan ni Phoenix ang beywang niya. "Leave it to me." Hindi na siya nakatanggi. Ngunit ang atensyon niya ay nasa kamay ni Phoenix na nakahawak pa rin sa kaniya. Napalunok siya nang mapansing pasulyap-sulyap doon ang kahera sa kanilang harapan. Bumitaw lang ito nang bubuhatin na ang nakabalot na groceries. Tinulungan naman niya ito sa pagdadala. "Nagugutom ka na ba?" mayamaya'y tanong nito sa kaniya nang mailapag lahat ng grocery bags sa likod ng sasakyan. "Hindi pa naman," she lied. Kanina pa talaga mahapdi ang sikmura niya. Medyo natagalan din kasi sila sa pamimili at hindi nakatulong ang nakatatakam na cupcakes na nakita niya kanina. Parang lalo lang iyong nagpagutom sa kaniya. Akala niya ay pauwi na sila nang biglang itigil ni Phoenix ang sasakyan sa tapat ng isang coffee shop. Wala siyang nagawa nang pababain siya nito para kumain. Noong una ay nahihiya pa siya pero nagugutom na talaga siya. Paubos na ang kinakain niyang cassava cake nang may mapansin sa loob ng coffee shop. Walang ibang customer na naroon maliban sa kanilang dalawa ni Phoenix. Napansin naman agad ng binata ang pagmamasid niya. "I already called them before we went here. Ipinasara ko para walang ibang makapasok. Someone might recognize you when you remove your mask," he explained. "Sorry. Naabala ka pa nang dahil sa pagsama ko. Okay lang naman kahit sa bahay na lang tayo mag-almusal. Pero... salamat." "Don't mention it. Ako ang may gusto nito kaya wala kang dapat alalahanin," sagot naman ng binata. She bit her lower lip to suppress a smile. Panaka-naka siyang sinusulyapan ni Phoenix habang nasa byahe sila. Her heart beats faster everytime she caught him looking at her. Tinulungan sila ni Manang Susan na ilabas ang mga pinamili nila mula sa mga grocery bag. Natigilan siya nang makuha niya ang bag na naglalaman ng cookies at cupcakes na nakita niya kanina sa grocery. Nagtataka niyang tinapunan ng tingin si Phoenix. "Keep them. That's all yours. I saw you eyeing those cupcakes earlier so I get two packs of them. You can bring the cookies to your room para may kainin ka kapag nagutom ka." Her jaw almost dropped with what he has said. "A-Are you sure?" she surprisingly asked him. He only nodded while staring at her happy face. "Thank you!" Parang batang niyakap niya ang mga cupcake na binili nito. Hindi naman napigilan ni Phoenix na mapangiti sa tinuran ng dalaga. She looked happy with just packs of cupcakes. Hindi niya alam na ganito pala kababaw ang kaligayahan ng babaeng minsan niyang kinamuhian. "Hey what's going on here?" singit naman ni Nathalia na kadarating lang. "Hiniram ko nga pala si Hunter. Na-miss ko kasi mangabayo." Namilog ang mga mata ng dalaga nang makita ang cupcakes na nakalapag sa mesa. "Oh my gosh! Cupcakes! You really don't forget my favorites, Nix. Thanks for this!" ani Nathalia at kinuha ang grocery bag na naglalaman ng cupcakes at cookies. Nakaawang naman ang labing pinagmasdan ni Andrea ang kaibigan. Naalarma siya nang makitang nalukot ang mukha ni Phoenix sa ginawa ng kababata nito. "That is not—" Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng binata para pigilan sa pagsasalita. "Hayaan mo na," bulong niya rito. "Okay lang." Umiling ito at akmang pagsasabihan si Nathalia nang pisilin niya ang kamay nito. "Please don't." Marahas na bumuga ng hangin si Phoenix. Napahiya naman si Andrea nang kalasin nito ang kamay niyang nakahawak pa rin sa palad nito. Umatras siya at kagat-labing binigyan ng daan si Phoenix paalis doon. "Ang dami pala nito. Gusto mo ba?" alok ni Nathalia sa kaniya. Mabilis siyang umiling. "No, I'm fine. Thanks." Inabala ni Andrea ang sarili niya sa pag-aayos ng mga pinamili nila kanina. Tinulungan niya si Manang Susan na ilagay sa ref ang ibang stocks at naghanda na rin para sa lulutuing pananghalian. Lumipas ang maghapon nang hindi niya nakita ulit si Phoenix. Marahil ay may inaasikaso na naman ito sa farm. Alas-onse na nang gabi nang makaramdam ng uhaw si Andrea. Nakalimutan kasi niyang magdala ng tubig kanina nang umakyat siya kaya kinakailangan na naman niyang bumaba. Laking pasasalamat niya na hindi umuulan nang gabing iyon. Wala ring kulog at kidlat, dahil kung meron man, hindi na niya nanaisin pang bumaba. She's walking closer to the fridge when she noticed a silhouette of a man in the dark corner of the kitchen. Deja vu. She knew it was Phoenix. Slowly, she approached him. Ngayon lang ulit niya nakita ang binata mula pa kaninang umaga nang umalis ito. Her eyes adjusted in the darkness and she could clearly see him now. "You're drinking again. M-May problema ka ba?" lakas-loob niyang tanong dito. Ngunit gaya ng inaasahan niya, wala siyang nakuhang sagot. "Do you want to be alone?" she asked softly. Lumipas muna ang ilang minuto bago ito sumagot. "No." She nodded. Binuksan muna niya ang ref para kumuha ng tubig. Aabutin na sana niya ang pitsel nang mahagip ng paningin niya ang cupcakes na nakalagay roon. "You bought cupcakes again?" maang niyang tanong dito. "Yeah," tipid nitong sagot. "Hindi naman kailangan. Nag-crave lang nama ako kanina pero okay na ako," paliwanag niya. Umupo siya sa stool na kaharap ni Phoenix. Tila natakam naman siya sa alak na iniinom ng binata nang manuot sa ilong niya ang amoy niyon. "May I?" Kunot-noo siyang tinitigan ni Phoenix at iniatras ang bote ng alak. "No," matigas nitong sagot. "You can't drink." "But, I just want to join you." "Y-You can join me without drinking, Andi." Kahit halata na ang kalasingan sa boses nito ay bakas pa rin ang awtoridad nito sa pagsasalita. She pouted her lips. "Fine. Tubig na lang sa 'kin." "You know what, I badly want my memory back. Pero ang hirap pilitin ng sarili ko na makaalala." "Take it slow. You can't forced yourself remembering everything instantly," seryoso nitong sabi. "Okay. Eh ikaw? Why are you drinking?" His hand fusted in a tight ball as his anger surfaced. He's holding it back. "I don't want to talk about it. I'm sorry." Pain crossed his eyes but he doesn't want to tell his problems. "Don't stare at me like that, Andi. I can only have so much control before I—" "Before you what?" hamon ni Andrea sa binata. Her eyes not leaving his. "What do you want, Andrea?" mapanghamon nitong tanong. It was almost a whisper. He moved his face closer to her. "Say it or I won't do it." "Kiss me, Phoenix," matapang niyang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD