bc

ANG BESTFRIEND KONG ASTIG (JHADE VALDERAMA)

book_age18+
121
FOLLOW
1K
READ
others
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
heavy
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

WARNING❗❗❗ NOT SUITABLE TO THE MINORS ❗❗❗

SPG ALERT❗❗❗

Paano mo susukuan ang iyong matalik na kaibigan kung ang kapalit nito ay pang habambuhay mong pagsisisihan.

Mapapatawad mo pa ba ang sarili mo kung ikaw mismo tuluyan mo ng nilalayo ang sarili mo dito?

O maghihintay ka sa kaniya sa kahit na walang anumang kapalit!!!

Paano kung sa isang iglap kamumuhian ka nito, dahil sa pangyayaring ikaw mismo ang gumawa nito! Kaya mo pa ba siyang harapin bilang matalik mong kaibigan o kalimutan nalang ang nakaraan na minsan niyo ng pinagdaanan?

Handa ka bang magsakrispisyo sa pagkakaibigan niyo? O handa mong harapin ang hatol ng puso mo!?

Paano kung magbunga ang mapangahas mong ginawa sa kaniya? Kaya mo ba siyang ipaglaban bilang kaibigan? O ipaglalaban mo siya kahit pa kay kamatayan?

Handa mo ba siyang paglingkuran bilang kaibigan? O bilang isang Reyna ng iyong tahanan?

Ano ang susundin mo?

Ang Bugso ng damdamin na pilit mong itinatago?

o

Bugso ng pagmamahal bilang isang kaibigan?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
JHADE POINTS OF VIEW A NIGHTMARE "Anak h'uwag na h'uwag kang lalabas dito ha!!! kahit anong mangyari,mahal na mahal ka namin ng daddy mo.You are always my angel anak ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy sa'kin habang yakap ako ng mahigpit.Itinago ako ni mommy sa ilalim ng kama nila para di ako makita ng mga armadong lalaking pumasok sa kabahayanan namin.Lahat ng aming mga guards walang habas nilang pinagbabaril at pinagpapatay.Nasa labas si daddy at nakikipagpalitan na din ng putok ng baril sa mga armadong lalaki habang kinukubli kami ni mommy sa kwarto nila.Gusto na ni mommy lumabas ng kwarto para tulungan si daddy sa mga kalaban nito.Agad niya nga akong ikinubli sa ilalim ng malaking kama nila ng may marinig kaming papalapit sa pintuan.Bumukas ito,kita ko ang paglapit at paghakbang ng isang pares na sapatos nito kay mommy.Dahil sapatos lang naman ang natatanaw ng aking mga mata habang nasa ilalim ako ng malaking kama. "Naitago mo na ba ang anak natin love?" Tanong ng lalaki kay mommy,alam kong si daddy iyon.Pero di parin ako lumalabas sa'king pinagtataguan.Ilang sandali pa'y biglang dumami ang mga sapatos na nakita ko.Alam kong mga armadong mga lalaki yun,kaya nilooban ng sobrang kaba ang dibdib ko. "Wow,love birds long time no see tayo huh.Kumusta naman kayo?Oh!!! bakit kayo kinakabahan?Diba ito ang gusto nyo?Marahas na labanan?" Sabay halakhak ng pagkakasabi ng lalaki kina mommy at daddy. "What do you want?" Galit na tanong ni daddy sa lalaking nagsalita sa kanila. "Hey!!!just relax,okay?Di ko kelangan ang pera mo o kahit ano.Ang buhay ninyong magpamilya ay sapat na sa'kin." Dumadagundong na boses ng lalaki sa loob ng kwarto na ito.Nanlaki ang mga mata ko ng may isang lalaking lumapit sa kama.Akala ko ay sisilip ito sa ilalim,pero umupo lang pala.Mabuti naman at di nila nahalatang may tao sa ilalim ng kamang ito. "Bakit?anong kasalanan namin sa inyo?" Tanong naman ni mommy sa lalaking nagsasalita sa harapan nila. "Well,sa akin wala pero sa bosing namin meron.Masyado kayong pakialamerang mag-asawa.Dapat umpisa palang nanahimik nalang kayo para di na humantong sa ganitong sitwasyon." Saad naman ng lalaki kina mommy at daddy. "Lumabag ang amo nyo sa batas kaya dapat nya lang pagbayaran ang lahat ng pagkakasala nya." Sagot naman ni daddy sa lalaki. "Kaya nga nais nalang ni boss na ipatumba nalang kayong mag-anak." Sabay halakhak ng lalaki kina mommy at daddy. "Lumaban kayo ng patas at ibibigay namin sa inyo ang laban na gusto nyo." Sagot naman ni mommy sa lalaki. "Maganda ka sana Mrs. Valderama,kaya lang sayang ka dahil di na kayo aabutan ng umaga ng asawa mo." Sabay kasa ng baril nito. "Sabihin mo sa amo nyo na duwag sya.Di nya kayang harapin ng patas ang kalaban nya." Galit at gigil na sabi ni mommy sa lalaki. "Bakit?ano ba ang gusto nyong laban?Eh wala naman kayong binatbat kahit saan pa kayo magtago.Sino ba ang gusto nyong mauna sa inyo?Ikaw ba o ang asawa mo?" Galit na sabi ng lalaki kina mommy at daddy. "Please leave my wife.Ako nalang ang patayin nyo.H'wag nalang ang asawa ko." Pakiusap naman ni daddy sa mga lalaki. "Uhh-uhh..di naman kasama sa plano namin na buhayin ko ang asawa mo Mr.Valderama eh.Sabi ng boss namin wala kaming ititira sa inyong tatlo.Well,nasaan nga pala ang anak mong babae Mr. Valderama?" Tanong ng lalaki kay daddy. "Mamamatay muna ako bago nyo makuha at mapatay ang asawa't anak ko." Galit na sigaw ni daddy sa mga lalaki. Isang putok naman ng baril ang umalingawngaw sa loob ng kwartong ito.Maya-maya palang nakita ko si daddy na nakahandusay na sa sahig at may tama sa noo nito.No!!!Wala na si daddy ko!!!Pinatay ng mga lalaking ito ang daddy ko.Humihiyaw at tumatangis ng aking kaisipan sa nasaksihang pangyayari sa harapan ko. "Ang asawa ko!!!Wala kayong awa!!!Pagbabayaran nyo ang lahat ng mga ginawa nyo sa pamilya namin." Sigaw ni mommy sa kanila habang umiiyak na yakap si daddy.Kitang-kita ko ang lungkot at galit sa mga mata ni mommy habang umiiyak ito.Di ko mapigilang makaramdam ng galit sa kaibuturan ng puso ko sa mga lalaking nandito sa pagpatay nila kay daddy. "Pwede ka namang sumunod sa kanya Mrs. Valderama eh." Saad naman ng isang lalaki na nakaupo sa kamang kinatataguan ko. "Mga hayop kayo." Sigaw naman ni mommy sa kanila. "Masahol pa kami sa hayop Mrs. Valderama." Sabay putok naman ng baril kay mommy na ngayon nakahandusay na din sa sahig.Sa dibdib tinamaan si mommy,nakita ko pa syang inabot ang kamay ni daddy at dinala nya ito sa kanyang dibdib.Nagdurugo ang puso ko sa lahat ng nasaksihan ko.Lahat ng nangyari sa kwartong ito ay ibabalik ko sa kanilang lahat.Ipararanas ko sa kanila kung paano gumamit ng dahas at makipagpatintero kay kamatayan.Di ko mapigilang tahimik na umiiyak habang pinagmamasdan ko ang aking mga magulang na wala ng buhay.Hanggang sa huli ng aking hininga ibibigay ko ang hustisya na nararapat para sa kanila.Wala akong masabi sa mga magulang ko,sobra silang hands on sa akin mula noon hanggang ngayon.Kahit na pareho silang alagad ng batas may oras parin sila para gabayan at alagaan ako.Ipinapangako ko sa harapan mismo ng mga magulang ko ang lahat ng ito'y pagbabayaran ng mga gumawa nito sa kanila.Di ko sila titigilan hanggat di sila nauubos.Wala silang puwang na mabuhay sa mundong ito kung puro kasamaan ang kanilang ginagawa sa kapwa nila.Ako ang tatapos at puputol sa mga sungay nila.Isinusumpa ko!!!! "Boss,isa nalang ang kulang para totally burado na ang pamilyang Valderama.Ang anak nilang babae." Boses ng lalaki sa nakaupong kama. "H'wag kayong mag-alala makikita din natin sya.Kapag binurol ang mga magulang nito tiyak na lalabas iyon sa pinagtataguan nya.Di nya naman siguro matitiis ang mga magulang nya eh." Pagbibigay assurance ng pinakapinuno nila sa kanyang mga kasamahan. "Boss,kelangan na nating umalis parating na ang mga parak." Dalawang pares ng mga sapatos sa may pintuan ng kwartong ito ang nahagip ng mga mata ko.Ito ang nagsasalita na parating na ang alagad ng batas sa bahay. Agad namang tumayo ang lalaki sa pagkakaupo sa kamang ito.Dali-dali na silang lumarga at iniwang bukas ang pintuan ng kwarto.Kita ko kung paano umagos ang mga dugo sa katawan ng mga magulang ko.At doon lang ako nag-umpisang gumapang papunta sa kinasasadlakan ng mga magulang ko. Sobrang sakit sa dibdib ko na makita ang mga magulang ko na sa ganun silang sitwasyong kinuha ng kamatayan.Panay punas ng mga luha ko sa mga mata habang tiningnan na isa-isa na silang binubuhat ng mga pulis pababa ng kwartong ito.Kinausap ako ng hepe kung may nakilala akong isa man sa kanila na pumatay sa mga magulang ko.Tanging iling ko lamang ang aking isinagot kay hepe.Balot pa din ako ng kalungkutan at paghihinagpis sa pagpatay sa mga magulang ko.Wala akong pwedeng sasabihin sa mga pulis,dahil alam kong planado na ang lahat ng ito mula sa pagpatay sa mga magulang ko.Marami ang humahanga sa mga magulang ko,dahil alam kong pareho silang magagaling na alagad ng batas.Hindi mararating ni daddy ang posisyon na maging isang hepe kong hindi sa kanyang propesyon at maglingkod ng tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin.Si mommy naman isa din syang captain ng kanilang pangkat.Sa listo at galing sa paghawak ng ibat-ibang kalibre ng baril,marami na syang napatumbang mga drug pusher,user at drug lord.Mga may kinalaman sa mga illegal na gawain na labag sa batas. Ilang beses na din nanganib ang buhay ni mommy sa lahat ng mga laban nya sa buhay sa pagkapulis.Kaya mabilis ang kanyang pag-angat sa pwesto.Magaling din si mommy humawak ng grupo.Lagi nga syang pinatatawag ng may mataas na posisyon upang resolbahin ang mga kasong laging nabibitin sa ire. 'At ako ang tatapos sa mga naumpisahan nyo mommy at daddy ko.Mahal na mahal ko kayo,gabayan nyo ako sa lahat ng aking gagawin.Sana lagi nyo akong samahan sa buhay na aking tatahakin.Bibigyan ko kayo ng hustisya mom,dad.Hindi ako titigilan hanggat di nukukulong o napapatay ang taong gumawa nito sa inyo.' Nagsusumiksik sa aking kaisipan ang pagbibigay ng hustisya sa aking mga magulang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook