ZHAWN POINTS OF VIEW
QUEZON PROVINCE
MAINIT AT NANLALAGKIT ang katawan ni Zhawn sa mahabang paglalakbay nila ng kaniyang mga kasamahan sa gubat ng Quezon Province. May nakapagtimbre kasi sa kanila sa head quarter's na nagkukuta ang mga NPA sa nasabing lugar. Base sa kumakalat na balita, laganap na sa buong probinsya ang p*****n at minsan na din ang pagkidnap at manghingi ng ransom. Kaya naman mabilis ang kanilang pagresponde sa kanilang kinauukulan na ipagbigay alam sa nakakataas at bigyan sila agad ng agaring authorization para maisatuparan ang kanilang misyon na hulihin ang pinakapinuno ng samahan. At base na rin sa mga karagdagang impormasyon, masyadong matinik ang humahawak ng samahan na ito, hindi lang isang magaling na NPA kundi isa siyang ex-military. Tinaas niya ang kaniyang kanang kamay hudyat na sila'y kailangang huminto sa kanilang paghakbang.
"Dobleng pag-iingat sa paghakbang at baka may mga bombang nakabaon sa dinadaanan natin, is that clear Men?" Aniya sa kaniyang mga kasamahan na mga Military Squat habang iniikot ang kaniyang mga mata sa kabuan ng kanilang kinatatayuan. Sampu silang magkakasama para pasukin ang gubat na ito. Dalawang araw na silang nagpaikot-ikot sa naturang lugar na iyon. Lahat ng mga kasamahan niya sobrang professional sa lahat ng mga misyon. Sa paghawak palang ng mga armas sobrang ang huhusay na at higit sa lahat ang pagkakaroon ng self defense control nila ay lalo rin talagang nakamamangha sa sobrang bilis at ang liliksi kung kumilos. Napapabilang ang kaniyang kuponan sa 'best of the best'. Wala pang misyon ang hindi nila nalulutas, they are all missions accomplish. Kaya sikat at matunog ang kanilang grupo sa loob at labas ng bansa. Nagkaroon na rin sila ng kaniya-kaniya nilang award sa lahat ng mga awardees na nagaganap taon-taon. Siya ang may pinakamataas na ranggo sa kanilang batch. Sa husay at bilis niyang mag-isip, laging misyon accomplish ang lagi niyang dala-dala kapag natapos na ang kanilang tungkulin.Sa edad niyang trenta'y singko, araw-araw niya ng kasama sa buhay ang kaniyang kamatayan. Tinanggap niya ang tungkulin na maging alagad ng batas upang puksain ang mga masasamang illegal o labag sa batas. Alam niya naman sa sarili niya, na once may sinumpaan ka, gagampanan mo yun, kahit sinasabi ng iba na 'ang buhay mo ay nasa kabilang hukay na kapag nanumpa ka ng maging isang alagad ng batas'.
NAPABALIK LANG NG kaniyang pansin sa kasalukuyan ng maramdaman ang pagvibrate ng kaniyang cellphone. Sinagot niya naman agad ito.
"What's the hell of out your mind Valderama!" Singhal niya sa kabilang linya.
"Wow! napaka-strikto naman ng bestfriend ko! How's your day my dear best friend Zhawn Colonel!" Saad ng nasa kabilang linya kay Zhawn.
"Hoy! Jhade nasa misyon ako ha! At ikaw wala ka bang appoinment d'yan!" Aniya na di na sinagot pa ang tanong ng dalaga sa kanya.
"Nasa misyon ka pa rin until now?, saan ka na naman bang lupalop ng Pilipinas nagmimisyon accomplish my dear!?" si Jhade Valderama.
"Andito kami ng buong team sa Quezon Province, kailan ang uwi mo ng Pilipinas JV?" tanong niya sa kaniyang matalik na kaibigan.
"Secret ZC," sabay halakhak ng nasa kabilang linya.
Nagpantay naman ang guhit ng labi ni Zhawn pagkarinig sa last word na binanggit ni Jhade.
"Humanda ka sa'kin pag-uwi mo, alam mo namang ayaw kong tinatawag mo ko ng ganyan! Nakakabakla Jhade!" singhal niya sa dalaga, lalong namula ng husto ang kaniyang mukha sa malulutong na halakhak na narinig buhat sa kabilang linya.
"It's my turn Zhawn! You know what I like the way your act after those words." Bungisngis pa nito.
"Stop it JV, so kailan nga ang uwi mo?" Tanong niya pa sa dalaga. Ilang buwan na kasi sa ibang bansa ang kaniyang matalik na kaibigan, aaminin man niya at sa hindi namimiss na niya ito ng sobra.Mahigit dalawang dekada na silang magkaibigan ni Jhade, nakilala niya itong halos pinagbagsakan ng langit at lupa, sobrang mugto ang mga mata,alam niyang galing ito sa iyak. Alam niya kung bakit ganun ang reaksyon at nararamdaman ng isang teenager, pinatay ito ang kaniyang mga magulang sa harapan niya mismo. Nakaligtas lang siya dahil naitago ito ng kanyang ina sa ilalim ng kama nilang mag-asawa. Mula ng mangyari ang trahedyang kinasasangkutan ng dalaga, alam niyang nais din siyang patayin ng mga kalaban ng mga magulang niya. Kaya noon palang tinulungan ko na siyang ilayo sa mga taong gusto siyang patayin. Sa edad kong thirteen at sa edad naman ni Jhade na eleven nagpasya kaming magsama sa iisang bubong, kasama ang aking lolo at lola, lumaki akong marangya na ang buhay at gayundin din naman si Jhade pero makukuha niya lamang ang mana nito kapag nasa tamang edad na siya, kaya kong anuman ang meron ako ay mayroon din si Jhade. Hanggang tumungtong kami sa tamang edad, parehong kurso ang aming kinuha, alam kong may plano si Jhade kaya ganun nalang ang dedikasyon niya sa kaniyang propesyon. Dugo't -pawis ang puhunan naming dalawa. Alam kong sa bawat pagod at pagsasakrapisyo naming dalawa ni Jhade ay magbubunga ang lahat ng ito balang-araw.
Kaya nang kami'y nakapag graduate na, sobra naming saya nung time na iyon. Pero hindi pa pala iyon ang gustong mangyari ni Jhade, may mas nais pa siyang abutin, di ko na siya tinutulan sa bagay na iyon dahil alam kong magagamit niya rin iyon balang-araw. Dahil na rin nasa tamang edad na siya, pwede niya ng magamit ang ipinamana ng kaniyang mga magulang.
"Kailangan kong ipagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa ng military, I need to complete my skills as military Zhawn," aniya ni Jhade habang nag-iimpake ng kaniyang mga gamit sa maleta.
"So, ilang taon ka dun sa ibang bansa?" tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ang mga ginagawa niyang pagpasok ng mga damit sa maleta.
"Maybe it's a four years or five, depende kung kinakailangan." maikling sagot niya sa tanong ko.
"Wow Jhade, you don't need to do that right!? Isa ka ng magaling na alagad ng batas para sa'kin, bakit kailangan mo pang mag-aral ng ganun katagal sa ibang bansa?" di pa rin ako makapaniwalang iiwan ako ng bestfriend ko sa ganung katagal na taon. Ngayon palang siya mapapalayo sa'kin ng ganung katagal kung saka-sakali.
"Oh bakit parang sambakol naman niyang mukha mo Zhawn? Ayaw mo nun, wala nang may mangungulit sayo araw-araw dito sa bahay!" sabay sara nito ang dalawang maleta niyang inihahanda, makita ko lang ang mga gamit ni Jhade sa malalaking maleta, pakiramdam ko di na kami magkikita. Unti-unti akong pinapatay ng kalungkutan. Umupo si Jhade malapit sa inuupuan kong kama.
" Uuwi at babalik ka naman dito sa bahay diba!?" habang inaayos ko ang buhok niya na nakatakas at ilagay iyon sa likod ng kaniyang tainga.
"Oo naman Zhawn, pero di ko sure kung welcome parin ako dito sa inyo-"
"Oo naman, always kang welcome na welcome dito Jhade sa bahay. Pamilya na ang turing natin sa isa't-isa diba!?" putol ko sa sasabihin niya.
"Baka kasi pagbalik ko, di na ko welcome dito eh," napapalabing bigkas nito.
"Bakit mo naman nasabi yan!" tanong ko sa kaniya. Tinitigan ko ang mga mata niya. Noon pa man alam kong may angking ganda na si Jhade, lalo pa itong naging full of atraksyon sa campus ng nag-aaral na kami sa kolehiyo, maraming gustong manligaw kay Jhade pero di ko hinahayaan na may lumapit sa kanilang lahat sa dalaga. Ako lagi ang sumasalo sa lahat ng sasabihin ng mga ito kay Jhade, pero di nila alam, unti-unti ko silang sinisira sa paningin ni Jhade, alam kong magagalit si Jhade sa mga pinaggawa ko kapag nalaman niya ang lahat ng mga ito, pero di ko hahahayaan na may sumira sa mga plano at pangarap ni Jhade. Gusto ko siyang proteksyunan sa lahat, kaya kahit sarili kong buhay kaya kong ibigay sa kaniya, h'uwag lang siyang mawalan ng pag-asa sa kaniyang sarili at sa kaniyang pangarap.
"Baka kasi magka-girlfriend ka na kapag nakauwi na ko dito,syempre may kaagaw na ako sa atensyon mo, kina lolo at lola-"
"It's that so?!" putol ko ulit sa sasabihin niya. Nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi, alam kong pinipigilan niya lamang na mapangiti sa mga sinasabi niya. Napatango naman ito.
"Look at me in my eyes Jhade!" utos ko sa kaniya.
"Anong kadramahan na naman ba ang pumapasok dyan utak mo at parang buong maghapon mo na naman akong kukulitin sa ganitong topic ah!" sambit ko sa kaniya habang tinititigan ang kaniyang mga mata.
"Anong pinagsasabi mong drama Zhawn? Sa tingin mo nagdadrama lang ako ngayon sayo dito! I am f*cking serious now!" gigil niya ng bigkas. Habang titig na titig din ito sa aking mga mata.
"Bakit kasi napunta na naman sa nobya-nobya ang topic sa pag-alis mo!" napakrus arm na ko sa harapan niya.
"Hoy Zhawn, h'uwag mo nga ko malinlang-linlang dyan, akala mo siguro di ko alam na kaliwa't-kanan ang mga babae mo nuh?!" singhal niya ng bigkas habang nanlalaki pa ang mga mata.
Napangisi nalang ako sa sinabi nya sa akin.
"Sila ang lumalapit sa akin Jhade, di ko ugaling maghabol alam mo yan!" pagmamalaki ko pang bigkas sa kaniya.
"Ang yabang mo talagang kumunoy ka! O baka nyan after five years may asawa ka na huh!" hirit pa nito.
"Hoy Jhade, tigil-tigilan mo ko sa kakaganyan mo sa'kin ha! Wala pa kong kabalak-balak lumagay sa tahimik na buhay, baka ikaw gusto mo na, sabihin mo lang ngayon sa'kin, as if naman kung pagbibigyan kita!" ganti kong pambubuska nito.
"Panu ako makakapag-asawa kung lahat naman ng lalaking gusto akong maging asawa ay tatakutin mo nalang lagi, di pa man boyfriend pero kahit asawa nalang sana!" ngisi niyang saad. Napamulat nalang ako sa mga binibitiwang salita nito,
"Hoy Valderama! di ka naman siguro yung babaeng nasisiraan ng ulo nuh? Saka ka na mag jowa kung natapos mo muna ang lahat ng gusto at narating mo sa buhay. May pangarap ka pa, kaya wag mong isipin na mauubusan ka ng lalaki sa mundo. Sa ngayon focus ka na muna sa pangarap mo, para di na ako mag-alala ng husto kapag nasa malayo ka na sa'kin, Pero pag-aaral lang ba ang pupuntahan mo dun sa ibang bansa, baka niyan pagkabalik mo dito may jowa ka na ding kasama hah!" mahabang litanya ang lumabas sa bibig ko.
"Oo Zhawn, isang magandang binibini ang bibitbitin kong pauwi at ipakilala sa inyo kapag tapos na ko sa pag-aaral ko dun." sabay ngisi nito.
"Whatever Jhade! Still no parin! Love life is not our priority remember!?" paalala ko sa naman sa kaniya.
Tumayo ito at kinuha ang tuwalya sa gilid.
"Maliligo na muna ako, hintayin mo nalang ako sa labas Zhawn." alam kong tinataboy niya na ako sa kwarto niya, kaya nagpaubaya nalang ako. Lumabas na rin ako sa silid niya at dumiretso sa sarili kong silid. Magkatabi lang ang mga silid naming dalawa dito sa ikalawang palapag ng bahay. Samantala nasa unang palapag naman ng mansyon na ito ang kwarto nila lolo at lola. Nahihirapan na kasi silang umakyat at bumaba kung sa ikalawang palapag pa ang magiging kwarto nila, kaya nagpalipat nalang sila sa ibaba. Pagkapasok palang sa kwarto ko, agad na rin akong dumiretso sa loob ng banyo at mabilisang naligo.
Nasa tapat palang ako ng kusina dinig na dinig ko na ang halakhakan ng aking mga lolo at lola, kasama nila si Jhade.
"What's funny here?!" tanong ko agad sa kanila pagkarating ko ng hapag-kainan.
"Hay naku hijo, itong si Jhade may sinasabi sa amin ng lola mo kapag nakaalis na at pupunta na sa ibang bansa." sagot ng lolo Franklin niya sa kaniya.
"What is this 'lo?" tanong ko kay lolo bagaman ang mga mata ko ay nakatingin kay Jhade na natatawa pa habang ngumunguya ng pagkain.
"Mag-aasawa daw itong si Jhade ng Kana para pag-uwi nya dito may maipakilala na sa atin." amin ni lolo sa akin.
"What the f*ck Jhade!" bulyaw ko sa kaniya.
"Hey! easy ka lang okay! atleast babae hindi lalaki." sabay halakhak naman nila lolo at lola. Natahimik nalang ako at sinabayan ko nalang sila kumain. Baka nga tama ang hinala ko, kahit marami ang nagkakagustong lalaki kay Jhade di niya parin ito magugustuhan at papatulan, baka nga tama ang ilan sa mga kabarkada ko na may pagka-tomboy ang bestfriend ko. Malalaman ko rin ito balang-araw, ang galing talagang magtago ng sekreto ang babaeng ito, pero bakit naman ganito! bakit naman tumututol ang kalooban ko sa isipin kong ganun nga ang pagkatao niya.
"Hoy Colonel! Andiyan ka pa ba?" Agaw ng atensyon ng nasa kabilang linya.
'Sh*t, si Jhade nga pala ang kausap ko sa kabilang linya.'
Bumalik sa ilang sandali ang pagkalito ng takbo sa kaisipan ko.
"Y-yes I'm here!" Sagot ko kaniya.
"Akala ko napanu ka na diyan eh! By the way I'll hang up now! And I'll call you when I've got home! Bye!" Paalam niya na sa kabilang linya. Agad ko rin naman isinilid sa bulsa ang aking mobile at agad nag-ayos ng tayo.