KABANATA 3

2310 Words
ZHAWN POINTS OF VIEW INIKOT KO ang paningin sa buong kabuuan na aming pinagkukublihan, matataas at naglalakihang puno at nagkakapalang mga ligaw na damo ang siyang lalong naging daan upang ikubli ang aming mga sarili sa mga dadaang kalaban na mapagawi doon. Gamit ang earpeace na nakakabit sa kanang tainga ko ay kinausap ko ang isa sa member na may hawak ng mahahalagang bagay na magagamit namin sa misyon. "Santos, give me the telescope now!" Saad ko sa kabilang panig. "Okay Sir, copy!" Ganti naman ni Santos kay Zhawn. Ilang sandali siyang naghintay kay Second Lieutenant Mavy Santos ang naghahand-care ng mga gamit nila para sa misyon. "Sir, andito na si Lieutenant Santos." Bulong ng isa sa kasamahan ko. Nilingon ko ang itinuro nitong direksyon. Agad akong umayos buhat sa pagkakaupo sa malaking likod ng puno ay tumayo ako para salubungin ang pagdating ni Santos. Pinagpagan ko pa ang pang-upo ko gamit ang aking kaliwang palad at agad na nagbalik ng tingin sa harapan ko. "Sir, Lieutenant Santos as your service Sir." Sabay bigay galang nito sa'kin with a salute sign. Agad ko rin naman siyang binigyan ng respeto. Ibinaba naman ni L. Santos ang dala-dala niyang bagpack sa lupa at binuksan ito. Kinuha niya ang isa sa mga bagong gamit namin na telescope at iniabot sa akin. Tinesting ko muna ito sa malapitan, nang masigurado kong ayos naman ang setting nito agad akong pumwesto sa pinag-alisan ko kanina. Dahan-dahan kong iniangat ang telescope sa mukha ko at ilapat sa dalawa kong mga mata. Perfect at tamang-tama nasa taas kami ng bahagi ng bundok kung saan kitang-kita ang nasa ibaba nito. Iniikot ko ang telescope sa lahat ng dako na mahagip nito. Napatigil ako ng ilang sandali dahil di ako nagkamali ng desisyon na tumigil sa kinaroroonan namin ngayon. Buhat sa malayo, kitang-kita ko sa aking mga mata ngayon ang mga bahay na gawa sa pawid at kawayan. Marami ding mga kalalakihan ang nag-uumpukan sa isang gawi na malapit sa pinakasentro ng malaking bahay na yari sa yero at kawayan ang dingding. "Men, be ready, anything will gonna be attack!" Pagpapaalala ko sa kanila."We found out them!" Dugtong ko pa. Agad naman nagpwestuhan ang mga kasama ko. "Men! Come to near me! We must make a plan before taking it." Saad ko pa. Maya-maya naman lumapit na rin ang mga kasama ko sa aking gawi. "We'll make a plan right now Men! All we have to do is to make the good decisions right now and for our success will that priority! It's that clear Men?" Pagpapatuloy ko pa. Agad naman silang sumagot ng sabay-sabay. "We must protect all the victims, if we are have in short time to escape we must be a shoot to kill all that NPA, but make it sure all of you is a safe! That's only a plan A, We make plan B and C if necessary. L. Santos your always at my back to back up me! You L. Reyes and L. Sy back up for L. Guerero, And for the rest all of you men make a way para makapasok agad tayo. L. Gael, maiwan ka dito, ikaw ang sharpshooter namin. Mag-ingat ka dito L. Gael." Pahabol ko pang sabi kay L. Kristine Gael, "All that's clear men!?" Tanong ko sa mga kasamahan ko bago kami sumabak sa aming misyon. "Yes Sir!" Sabay-sabay na bigkas ng mga kasama ko. "We make a double time! Bago pa nila mapatay lahat ng bitag! Mag-ingat kayo sa lahat ng gagawin nyo! L. Santos be ready!" Baling ko kay L. Santos. Dala ang mga de kalibreng mga armas, sinuot namin ang mga nagkakapalang talahib at naglalakihang mga puno sa gubat pababa sa bundok. Nahati ang pangkat namin sa dalawa, tanging si L. Gael lamang ang naiwan sa taas ng bundok upang bumack-up sa amin sa ibaba, siya ang itinalaga kong taga-sharpshooter sa amin kapag nasa baba na kami. Si L. Gael ang isa sa mga miyembro ko ang magaling humawak ng baril, asentado sa madaling sabi, at Ms. Sharpshooter nga ang bansag sa kanya ng buong partido. Gamit ang silentcer ng baril siya ang taga back-up namin sa taas. Habang pababa kami sa lungga ng mga NPA, dobleng pag-iingat naman ang aming ginagawang hakbang, bawat hakbang namin palapit sa kuta ng mga NPA ay nagtatanim kami ng mga bomba, di naman basta-basta sasabog ang bombang aming ikinakabit dahil isa itong naka-control na system sa amin, anytime pwede namin itong pasasabugin kung iuutos ko lang sa may hawak ng control system sa aming team na nasa opisina pa mismo. Ilang kilometro nalang ang layo namin bago marating ang aming destinasyon. Muli akong nagradyo sa mga kasamahan ko. Dala-dala ang telescope, ginamit ko ulit ito sa malapitan upang makatiyak kung ligtas pa ba ang aming pagbaba. Gamit ang mga earpiece namin sa isa't-isa, kinausap ko si L. Gael. "L. Gael, L. Gael, did you hear me!" Mahinang aniya ko sa kabilang linya. "Yes sir I'm hear your voice!" ganting sagot naman sa kabilang linya. "Clear the mess if necessary! Copy!" Saad ko pa sa kaniya. "Yes sir! Copy and noted, ingat kayo sir!" Aniya sa akin. Malapit na kami sa aming destinasyon, halos iisa lang ang aming mga galaw. Tumingin ako sa automatic relos ko, tamang-tama lang ang atake namin, ten minutes before five. "Men, be ready! after ten minutes bago tayo pumasok sa kuta mismo ng mga rebelde. Andun ang mga biktima nila. Dobleng pag-iingat lang sana sa lahat dahil ang makakalaban natin ay hindi basta-basta. Medyo mahihirapan tayo sa ngayon dahil kukunte lang tayo kumpara sa kanila. Mas marami sila kesa sa atin. Pero nagtitiwala ako sa kakayahan nyo na kaya natin malusutan ang misyong ito. Uuwi tayong mga success, is that clear men!" Hataw kong sabi sa kanila. Pinalalakas ko din ang loob nila sa mga oras na iyon. "Yes sir, Copy!" Sabay-sabay na sagot naman ng nasa kabilang linya ko. Ilang segundo nalang bago magfive ay aatake na kami kaya naghanda na ko para sa sarili. "In just 5, 4, 3, 2 and 1 Men, lets go. Tapusin na natin ang laban na 'to, goodluck and safety first!" Paunang salita ko na sa mga kasama ko. Hudyat na para kami ay lumusob. Sa isang iglap lang gumagapang na kami sa mga karatig na bahay! una, wala pang may nakakapansin. Medyo nag-aalala ako kasi hindi kami mababack-up-an ni L. Gael sa taas dahil maya-maya nalang ay papadilim na. Nang makarating sa unang bahay na napasukan namin, naging alisto naman kami dalawa ni L. Santos. Isa-isa naming tiningnan ang bawat pintuan sa bahay na iyon. Wala kaming nakita. Nag-install din kami ng bomba sa bahay na iyon. Dahan-dahan naman kaming lumabas, nang masigurado na walang taong may umaaligid-aligid sa amin. Tutok na tutok ang bawat dulo ng mga baril namin sa bawat madaanan namin. Medyo kinakabahan nga ako ngayon, parang may mali sa mga oras na iyon. "L. Santos." bulong ko kay L. Santos. "Yes sir!" sagot naman nito. "Parang may mali ata ngayon, pansin mo ba!?" di ko na nakayanan at nasabi ko na nga sa kaniya. "Oo nga sir eh! Parang tayo ata ang mahuhulog sa patibong nila ah'. Halos ang bahay na nadaanan natin ay walang katao-tao, nakakapagtaka lang talaga sir!" saad pa nito habang abala ang mga mata sa kakaikot ng paningin sa paligid. "Kung ganun lang naman pala! Yung plan B na sinasabi ko kanina sa inyo kelangan na nating gawin yun ngayon. Alam mo na siguro yun L. Santos." sabay baling ko sa gawi nya. "Yes sir. Pero napakadelikado nun sir. Baka di mo kakayanin!" pag-aalala ni L. Santos sa akin. "Don't worry about me! Trust yourself, and focus. May tiwala ako sa kakayahan mo L. Santos." agad akong napahinto ng may matamaan ng mga mata ko ang isang bulto ng lalaki sa likurang bahagi ni L. Santos. Agad kong naasinta ang gamit kong baril at binaril ito sa ulo. Nagkaroon tuloy ng mga iba't- ibang kaluskus sa aming gilid. Agad kaming kumubli ni Santos sa drum na aming nadaanan. Nang mapansin kami ng ilang mga armadong kalalakihan ay pinaulanan kami ng mga bala ni Santos. Kumuha kami ng pagkakataon ni Santos para gumanti sa kanila pabalik. Agad nakaapat kami ni Santos ng napatay, lahat ulo ang tama ng mga yun. Lalong dumami ang aming mga kalaban, kaya napagpasyahan namin ni Santos na maghiwalay. Agad kaming kumilos ng mabilis. Bawat madaanan namin ang mga kalaban ay siya namang kubli namin at kung makabawi naman kami ay talagang sa ulo na agad namin pinatatamaan. Naging maingay ang buong paligid sa lugar na iyon. May naririnig din akong palahaw ng iyak. Ang mga kasama ko naman ay nagsisimula na din magpalitan ng putok ng mga baril. Di ko pa nahahanap ang pinaka-mastermined nila. Masyadong matinik. Alam kong ginagamit niya rin ang kanyang natutunang estrategy sa pagkamilitar sa ngayon. Basi sa mga nabasa ko about sa kaniya, isa siyang napakagaling at kahangang-hanga noon na alagad ng batas. Di ko lang maisip kung bakit naisipan niyang magtayo ng sarili niyang pangkat at sumapi sa mga NPA. Alam kong mayroon itong ugat na pinagmulan at aalamin ko iyon. Sa ngayon kailangan niya itong makita at makausap baka makuha niya pa ito sa usapan. Bawat galaw ko at angat ng katawan, ay ilang beses na rin akong paliparan ng mga bala galing sa mga kalaban ko na agad ko rin namang naiwasan. Gumaganti rin ako sa kanila pabalik. Nakasunod lamang si L. Santos sa akin sa likod. Nang makalapit na kami sa pinakasentro at malawak na bakuran nito, dun ko lamang napagtanto na isang patibong lang pala ang naghihintay sa akin at sa mga kasama ko. Mabuti na lamang si L. Santos ay nakapagkubli agad kaya di siya napagtuunan ng pansin. Agad akong tinutukan ng baril ng mga armadong lalaking nasa harapan ko. Isa-isa silang may ngisi sa gilid ng mga labi nila. Agad naman nilang kinuha ang dala kong baril at maingat itong ibinigay sa isang kasamahan. Nagbigay naman ng daan ang mga kalalakihan sa aking harapan sa kung sino man ang taong papunta sa akin. Agad napamulat ang mga mata ko nang mapagsino ang taong nasa harapan ko ngayon. "H-heneral Cruz?" bigkas ko sa di makapaniwalang nakikita ng mga mata ko. "Mismo Captain Lieutenant Zhawn Colonel." Punong-puno ng pagmamalaki sa kanyang boses ng mga sandaling iyon. "Welcome to my place Captain Colonel. Isang pagkakamali ang ginawa mong hakbang para sa akin." patuloy niyang salita habang mabilis na nagpalit ng reaksiyon sa pagmumukha niya. Naging mapanganib itong tingnan. Tama nga ang hinala ko, ginagamit niya ang lahat ng natutunan niya sa pagkamilitar sa kanyang buhay ngayon. Ultimong pagpapalit ng reaksiyon sa kanyang pagmumukha ay nagagawa na niya, bawat kilos at pananalita. Unti-unti ko siyang pinag-aaralan sa harapan ko ngayon, pero di pa ko nangangalahati sa pagkikilatis sa kaniya ng magsalita ulit ito. "I know your thinking Colonel." babala nitong tingin sa akin. Di ko naman naalis ang mga tingin ko sa kanya. "Men, dalhin niyo siya sa mga kasamahan niya rin at siguraduhin niyong di kayo matatakasan ng mga yan." baling nito sa mga tauhan niya. Kilala si Heneral Cruz sa isa sa mga bigatin na military. At di siya basta-basta sumusuko din sa misyon. Ngunit paanong nangyari ang ganitong pagsapi niya sa mga rebelde? Mga katanungan sa kaisipan ko na nais kelangan magkaroon ng kasagutan. Habang ipinapasok ako sa isang malaking kwarto. Agad akong napabuntong-hininga ng makita ko ang mga kasama ko na lahat sila nakagapos at may piring ang mga mata. Agad din akong itinali at piniringan din ng mga mata. Wala akong magawa sa mga oras na iyon kundi ang magdasal na muna. Kelangan makaisip ako ng solusyon kung paano kami makaalis sa aming sitwasyon ngayon. Alam kong maraming nakabantay sa amin. Lalo na ngayon na isang napakalaking tao pala ang nasa likod na ito. Inaasahan ko na ang ganitong pangyayari pero hindi sa ganitong sitwasyon. Maraming mamamatay pag nagkataon. Ang di ko lang inaasahan bakit alam niyang may susugod sa kuta niya at ito ang kaniyang napaghandaan!? Maraming katanungan sa kaisipan ko ang nabubuo. Alam kong nag-aalala na si L. Gael sa mga oras na iyon. Dahil mag-isa lang siya ng iwan namin siya sa taas ng bundok. Naging alerto din ang pandinig ko sa paligid. Alam kong isa sa mga kasamahan ko ay nag-iisip din. Ngayon lang nangyari ang ganitong misyon namin na di kami nagtagumpay sa unang lusob namin. Pero sisiguruhin ko sa oras na makaalis ako dito haharapin ni Heneral Cruz ang lahat ng mga pagkakamali niyang nagawa. Sa ngayon nag-iisip ako kung paano kami makalabas ng walang may makapansin sa amin na mga kalaban. Napaayos ako ng upo ng maramdaman ko ang pagvibrate ng cellular phone ko. May ideya na ako kung sino ang tumatawag nito ngayon sa akin. Mabuti na lamang at hindi ito naisama sa lahat ng gamit na nakuha sa akin. Nasa loob ko kasi ito ng pants, sa may garter side, pinagawan ko talaga ang lahat nang uniform ko ng secret pocket para hindi mahalata na may tinatago akong gamit na phone. Maliit lamang ito, ito na ang phone na kasa-kasama ko sa lahat ng misyon na nagawa namin ng team ko. Ito din ang gamit ko kapag nagkukuntakan kami ni Jhade lalo na kapag nasa ibang bansa siya. Gusto ko sanang sagutin ang cellphone ko pero di ko pwedeng gawin dahil kapag ginawa ko yun ay maghihinala ang lahat ng nagbabantay sa amin. Lalo ko lang mailalagay sa panganib ang mga kasamahan ko kung sakali. Saka na ako magbaback up call kay Jhade kapag wala na ako sa sitwasyong kinapapasukan ko ngayon. Sa ngayon, iisipin ko muna kung paano kami makaalis sa lugar na ito at kung paano namin magagampanan ang aming misyon. Hindi ko sure kung magiging successful pa ang magiging misyon namin ngayon after kong makilala ang nasa likod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD