Chapter 65 THIRD–PERSON POV SEVEN YEARS LATER Sa malakas na tiktilaok ng manok, nagising ang batang si Jaxx. Dumilat siya, ngumiti pa, saka bumangon na parang may naka-set na alarm sa katawan. Inayos niya ang higaan, tinupi ang kumot, inayos ang unan, seryoso ang mukha, parang may inspection na magaganap. Binuksan niya ang bintana at sumilip sa labas. Huminga siya nang malalim, saka sumigaw nang buong lakas, parang announcer sa plaza. “Good morning, world! Bangon na kayo, libre na naman ang araw!” May halong tawa ang sigaw niya, may halong yabang na pambata. Araw-araw, ganyan ang eksena. Para bang responsibilidad niyang gisingin ang buong barangay. Napailing si Delfin sa ibaba. Nakatayo ito malapit sa lamesa, may hawak na sandok, at agad napatingin sa apong nasa bintana. “Jaxx, apo

