Chapter 64 Aliyah Veda Gonzales ONE MONTH later. Isang buwang pabalik-balik ang t***k ng puso ko sa takot at pag-asa sa loob ng NICU. Isang buwang puro dasal, luha, at pabulong na kaya mo ’yan, anak. At ngayon, sa wakas, lalabas na siya. Kailangan siyang i-NICU dahil kulang siya sa buwan. Maliit, marupok, parang salamin noong una. Pero fighter ang anak ko. Huminga siya nang mag-isa kahit walang oxygen. Na-maintain niya ang body temperature niya. Umiinom na siya ng gatas mag-isa, tumataba nang dahan-dahan pero steady. Stable ang vitals. Sabi ng pedia niya, ready na raw siyang umuwi. Pero ako? Pakiramdam ko ako ang hindi handa. Nasa waiting area kami sa labas ng NICU, ako, si Doñya Carmelita, si David, at si Lolo Delfin. Tahimik, pero ang ingay sa dibdib ko parang may nagwawala. Hindi

