Chapter 63 Aliyah Veda Gonzales LUMIPAS pa ang apat na buwan. To be exact pitong buwan na akong buntis at batang lalaki ang pinagbubuntis. Ang saya ko, lalo na si Doñya Carmelita. Ngunit maselan ang pagbubuntis ko, halos hindi ako kumikilos sa bahay. Higa at kain lang ako, last month kasi dinudugo ako kaya pinag–iingat ako ngayon ng OB ko. Balik-eskwela na ako kahit pakiramdam ko parang bola na ang tiyan ko, mabigat. Sa loob ng campus, hindi rin ako nakaligtas. May mga bulungan sa hallway, may mga titig na dumidikit sa tiyan ko bago umaangat sa mukha ko. Minsan pabulong, minsan lantaran. May mga tsismis na alam kong galing pa kay Gillian. Pero tuloy ko pa rin ang buhay ko. Parang manhid na ang katawan ko. Kung iintindihin ko lahat ng sinasabi nila, baka hindi na ako makatayo. Ang maha

