Chapter 61 Aliyah Veda Gonzales TULOY-TULOY ang lakad niya palabas ng simbahan. Hindi man lang siya lumingon. Naririnig ko ang boses ni Doñya Carmelita, ang galit at gulat sa sigaw ni Ysmael, ang ingay ng mga taong nagkakagulo sa loob, pero parang lahat iyon ay nasa ilalim ng tubig. Lahat malabo. Lahat malayo. Si Johan lang ang malinaw. Ang likod niyang palayo sa akin. Puno ng luha ang mga mata ko. Masikip ang dibdib ko, parang may nakapatong na mabigat na bato na unti-unting dumudurog sa puso ko. Bakit? Bakit kailangan niyang gawin ’to? Bakit sa mismong araw ng kasal? Hindi. Hindi puwede. Kahit nanlalambot ang mga tuhod ko, kahit nanginginig ang buong katawan ko, pinilit kong humakbang. Hanggang sa maging takbo na. “Johan!” sigaw ko, basag ang boses. “You can’t do this! Please—!

