PAGKALABAS ko ng Bus ay talagang namangha ako sa ganda ng tanawin. Hindi naman ako ignorate at hindi na rin bago sa akin ang ganitong mga bagay-bagay pero sadya talagang ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapunta ako ng Maynila.
Inilibot ko ang aking paningin at tinitingnan ang mga nagtataasang gusali. Pangarap ko rin kase noon na makapagtrabaho sa isang malaki at kilalang kompanya pero mas nangibabaw talaga sa akin ang kagustuhan ko bilang maging isang Registered Nurse pero ayon nga, hindi ko din naman natupad pero okay na rin iyon basta makatulong ako sa mga magulang ko ay ayos na ayos na sa akin.
Sabihin na nating mas maganda talaga kapag may pinag-aralan at may natapos ka pero para sa akin nasa diskarte iyon sa buhay. Kung masipag at matiyaga ka magtatagumpay ka sa buhay. Kung may dedikasyon at determinasyon ka sa buhay makakamtan mo rin ang mga inaasam mo pagdating ng tamang panahon.
Bigla naman akong napahinto sa pagtatanaw ko sa aking paligid nang may kumalabit sa aking braso. Napalingon ako at nakita ko si Tiya Marta pala iyon.
"Ano po iyon, Tiya? Hindi ko kase narinig, pasensya na po." hinging tawad ko sa kanya.
"Ang sabi ko ay dalhin mo na ang mga gamit at dahil sasakay na tayo papunta sa bahay ng amo ko na magiging amo mo na rin." ani ni Tiya na kasalukuyang kinukuha ang ilang mga gamit sa Bus Compartment.
Binitbit ko na ilang mga gamit na nandito na sa tapat ko. Naglakad na kami ni Tiya at pumara na ng Taxi para mapabilis na rin ang biyahe namin.
"Ang ganda ng Maynila, Tiya ano. Napakalawak tsaka iba iyong atmosphere dito kaysa doon sa probinsya." hindi ko mapigilang komento habang nakatingin sa labas ng bintana ng Taxi na kasalukuyang binabaybay ang daan papunta sa magiging amo ko.
Napatingin naman ako kay Tiya at nakangiti pala ito habang pinagmamasdan ako na tinatanaw ang labas ng bintana. Umurong ako palapit kay Tiya at niyakap siya na niyakap din ako pabalik. Hindi naman ako naiilang dahil simula bata pa ako'y malapit na talaga ang loob ko sa kaniya at sa buong pamilya niya.
"Ay talagang maganda ang Maynila. Masasanay ka rin sa paligid mo dahil ganiyan din ako noong unang punta ko dito." mahinang natawa si Tiya kaya natawa na din ako.
"Nakakalula iyong mga buildings Tiya, at saka ibang iba talaga ang itsura doon sa mga pictures na pinapakita mo sa akin noon." napasulyap naman ulit ako sa labas at talagang hindi ka magsasawang tingnan ang nasa paligid.
"Oo nga, ibang iba na talaga kase ngayon may mga bago ng pinapatayong mga buildings at mga estruktura. Isa pa, alam mo na may katandaan na ako. Hindi ko na kayang lumakad ng matagal kase sinusumpong na ako ng Arthritis ko, hindi na ako nakapagpicture picture." natawa kami pareho ni Tiya sa tinuran niya.
Tumitingin tingin naman ako sa labas at pagkaraan ng ilang sandali ay nandito na kami sa harap ng isang Exclusive Subdivision. Lumabas na kami ni Tiya at kinuha ang mga gamit namin sa compartment at nagbayad na rin kase bawal pumasok ang mga Public Transportation sa loob. Tinulongan naman kami ng mga guard na naroon sa may gate.
"O, kayo po pala Aling Marta. Umuwi pala kayo sa inyo?" tanong ng isang guard. Mga nasa Early Forties na ang mga ito at mukhang mga mababait naman at isa pa kilala nila si Tiya kaya medyo kampante na rin ako.
"Oo, umuwi ako sa amin at isinama ko na din ang pamangkin ko dahil inirekomenda ko siya kina Ma'am at Sir. Ay siya nga pala, si Mabelle pamangkin ko." nakangiting pakilala ni Tiya sa akin sa dalawang guard.
"Ay Hija, ako nga pala si Jun, Mang Jun." pagpapakilala ng isang guard. Hindi naman siya ganoon ka tanda pero mapapansin mo na rin talaga ang mga iilan ilang mga puting buhok niya.
"Ako naman si Wilfredo, Mabelle. Mang Fredo na lang." pagpapakilala naman ng isa. Si Mang Fredo naman ay ganoon din pero mas marami ang puting buhok nito.
"Ako nga po pala si Mabelle, Mang Jun, Mang Fredo." pakilala ko naman sabay ngumiti ng bahagya.
"Ay! Umupo muna kayo rito sa bench Aling Marta. Tatawagan ko lang ang driver nina Ma'am." sabi naman ni Mang Fredo at tsaka may tinawagan na ito.
Umupo naman na si Tiya Marta, at tumayo lang ako dahil medyo masakit na ang pwetan ko kakaupo dahil sa mahaba habang biyahe kanina. Medyo hindi din kase ako sanay sa mahabang biyahe dahil hindi pa naman ako nakakapag biyahe ng malayo sa amin.
Habang naghihintay kami ay may lumabas na sasakyan kaya napatingin ako doon. Grabe! Ang gara! Ang ganda! Hindi common ang ganoong sasakyan dito sa Pilipinas at paniguradong napakamahal no'n. Color matte black ito at ang ganda! Medyo may kahiligan ako sa mga ganoong sasakyan kahit hindi naman ako marunong mag drive. Katulad na lang ng sasakyan ni Nico, hindi don common iyon dito sa Pilipinas pero magka-iba naman sila ng brand at tatak.
Tuloyan ng lumabas ang sasakyan sa may subdivision at sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Napapitlag naman ako ng may bumusinang sasakyan sa may harapan ko. Napatingin naman ako sa sasakyan sa harapan ko at isa din itong magarang sasakyan. Hindi pang karaniwan at mamahalin. Color black din ito pero hindi siya matte, pero tinted din ang salamin.
Bumusina ulit ito kaya napatingin ako sa may likuran ko at doon ko natanaw ang nakabukas na gate sa likuran ko at talagang nakaharang pa talaga ako. Hindi ko naman namalayan na nandito na pala ako sa gitna ng daan habang sinusundan ng tanaw ang magarang sasakyan na iyon kanina. ' Tsk! Nakakahiya ka talaga, Mabelle!'
Agad naman akong umalis sa may gitna ng daan at habang nakayuko. Umusad ng konti ang sasakyan at biglang huminto sa may harapan ko. Kinakabahan na ko baka hindi na ako papasokin sa loob ng subdivision. ' Tsk! Lintik na talaga, Mab! Ayan! 'Yan napapala sa mga taong tanga! Antanga tanga mo talaga, Mariah Yzabelle Rodriguez! Ayan! Full name na yan para dama mo ang katangahan mo!'
Binuksan nito ang bintana at iniangat ko naman ang tingin ko. Tumambad sa akin ang isang gwapong nilalang— na lalake. ' Jusko! May ganitong pa pala kagwapong lalake sa mundo?!' Palagay ko'y nasa late twenties na ito. Napatitig ako sa gwapong mukha nito. Talagang mapapanganga ka sa kagwapohan nito.
Makakapal na kilay, nakakatunaw na titig. He had this pitch-black pair of eyes. Sharp and strong jaws. Pointed and proud nose. Clean cut hair. A kissable pinkish lips. And take note, Ang Bangooo!!
He's so manly in figure, and i would dare that every woman that would look at him will totally be starstruck and could lose senses even in a couple of seconds. 'Ay taray Mab! Napapa english ka na talaga!'
Bigla itong tumikhim na nagpabalik sa katinoan ko. Nakatulala na pala ako habang tinititigan siya ng maigi. Napangisi naman ito at talagang ang ganda at ang puti ng ngipin pantay-pantay pa, ang genuine pa kung ngumiti.
Napaiwas naman ako ng tingin at napayuko ng bahagya dahil sa matinding kahihiyan. ' Ang landi mo na Mabelle! Kurotin kaya kita sa singit para tumigil ka na! Nakatulala ka pa talaga sa kaniya, and worse nakanganga pa?! Seriously Mariah Yzabelle Rodriguez?!' saway ko sa sarili ko at bahagyang kinurot ang braso ko kaya napangiwi ako ng bahagya habang nakayuko pa rin.
'Jusko! Lupa! Semento! Daan! Kainin mo na ako, ngayon na! Kahiya, ano ba!' Tumikhim ito ulit kaya napaangat ako ng tingin. Ay Nyeta! Ang gwapo talaga! Ghaaaad! ' Kurotin na kaya lita sa singit ikaw na malanding babae ka! Umayos ka! Nanlalandi ka na, ha! Kukurotin na talaga kita!' sita ng isip ko.
"A-ah... A-ahm P-pasensiya na po Sir. Hindi ko po sinasadya. P-pasensiya na po talaga." hinging tawad ko at yumuko ng bahagya.
"It's okay." nakangiting sagot nito sa akin. ' Naku! 'Wag kang ngingiti ng ganiyan sa akin Sir, baka ako'y matunaw dito! Jusko! Ki init pa naman ngayon!'
"S-sige po. Pasensya na po ulit." yumuko ako at tumalikod na ng bigla na akong tawagin.
"Wait, Miss!" nahihiyang lumingon ako sa gawi ng lalake. Tinuro niya ang gitna ng daan kung saan ako nandoon kanina. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makyang nahulog pala ang wallet ko doon. ' Ano ba 'yan! Ba't nahulog ka pang pitakang ka! E, wala ka pa namang laman, tsk!' Agad ko naman iyong pinulot at pumunta sa may bintana ng lalake.
"A-ah, Pasensya na po talaga ulit Sir. And Thank You na din po." bahagya akong yumuko para magbigay galang at para ipakita dito na talagang sincere ako sa paghingi ng tawad at sa pasasalamat ko.
"Nah, it's just fine. Just be careful next time, okay?" sagot niya.
"Ah By the way, I'm Khyller. Khyller Creed Miller. And you are?" pagpapakilala niya.
"A-ah, A-ahm. M-Mariah Yzabelle Rodriguez po Sir. Mabelle na lang po." pakilala ko at nakipagkamay na rin dahil nakalahad ang kamay niya sa akin.
Ay, infairness ang lambit ng kamay tsaka ang kinis. Well mayaman nga naman. Binawi ko naman kaagad ang kamay ko ng bahagya niya itong pisilin. Nakangisi ito ng malawak sa akin kaya naiilang akong makipagtitigan sa kaniya.
"Ah, so I'll get going now. Nice meeting you, Mab. Goodbye." nakangiting ani nito aa akin kaya bahagya akong tumango at ngumiti. Bago nito isinara ang bintana ay kumaway pa talaga siya sa akin kaya kumaway na din ako.
Tuloyan ng itong nagmaneho at pumasok na sa subdivision. Pinagmasdan ko naman ang papaalis na sasakyan nito. Gulat naman akong napapitlag ng may bumusina na naman sa likuran ko. Agad naman akong tumabi dahil nandito na naman ako sa may gitna nga daan. 'Talaga Mab?! Tanga lang?! Ugh!'
Napalingon ako sa sasakyan at napansin kong ito pala iyong nakita ko kanina na lumabas ng subdivision. Tinted ang salamin kaya hindi ko makita ang nagmamaneho at nakasakay. 'Nakakahiya! Ano ba?!'
Naglakad na ako papunta sa tabi ni Tiya Marta dahil hiyang-hiya na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Tuloyan namang pumasok ng subdivision ang sasakyan. Binalingon ko naman si Tiya ng tingin at nakita kong may pinipigilan siyang ngiti sa labi kaya napasimangot na lang talaga ako sa kagagahan ko ngayon. 'Kahiya ka na talaga Mabelle! Shete!'
"Tiya naman e! Ba't hindi mo ko tinawag kanina, nasa gitna na pala ako ng daan. Nakakahiya Tiya!" pagmamaktol ko at pumalahak naman ito ng tawa at ang dalawang guard naman ay napailing na lang at halata naman talagang natatawa na rin sila dahil may pinipigilang ngiti sila sa labi. ' Ay naman oh! Lupa! Higupin mo na ako rito sa mundong ibabaw! Jusko! Kahiya ba naman!'
"Ano ka ba, malay ko bang nandoon ka sa gitna ng daan e, nag-uusap lang naman kami dito dahil medyo matatagalan pa daw ang driver nina Ma'am kase sinundo pa nila si Sir sa kompanya." natatawang paliwanag ni Tiya sa akin.
"Nakakahiya talaga Tiya." nakasimangot kong sambit sa kaniya.
"H'wag kang mag-alala. Iyong nagpakilala sayong Khyller e, napakabait no'n. Isa siya sa mga matatalik na kaibigan ng anak nina Ma'am at Sir." kwento niya sa akin kaya napatango tango naman ako.
Naalala ko na naman ang gwapong pagmumukha ni Sir Khyller. Ang matamis na ngiti nito at ang malambot at makinis na kamay nito kanina. ' Lintik naman oh! Ba't ang gwapo!'
"Mabait yon, makikita mo. At makikilala mo na rin iyon sa susunod." Dagdag pa ni Tiya.
Naghintay muna kami ng ilang sandali habang nakikipagkwentuhan na din kina Mang Jun at Mang Fredo. Tumawag naman si Nico kaya sinagot ko na muna ang tawag.
"Oo, kadarating lang namin ni Tiya dito." Sagot ko sa tanong niya.
"Mag-ingat ka diyan, miss na kita, Ysai." malungkot na saad nito.
"Miss na din kita, pero alam mo ang OA mo na sobra!" pabirong saad ko sa kaniya at narinig ko namang tumawa siya ng bahagya. 'Tingnan mo tong tukmol na to, malulungkot tas biglang tatawa. May sira na yata to sa utak eh.'
"Sige, Ysai. May duty pa ako. Tatawagan kita sa susunod pag may oras na." paalam niya sa akin.
Medyo nalungkot ako sa isiping malalayo ako sa kaniya—sa kanila. Tumatango-tango naman ako na para bang nakikita niya.
"Sige, Ba-bye! Tsaka pakamusta mo na rin ako kay Athaliah ha, ingatan mo yon." dagdag ko pa.
"Ha? Ano—" hindi ko na siya pinatapos sa ibang sasabihin niya at pinatayan ko na siya ng tawag.
Napapailing at natatawa ako sa ginawa kong yon, alam kong mabubusangot na naman ang mukha ni Athaliah kapag nalaman niyang ginawa ko iyon. Pero kahit ganoon hindi naman nagtatanim ng sama ng loob sa akin ang pinsan ko.
Bumalik na ako sa may bench at umupo sa tabi ni Tiya. Saglit lang ay kinalabit na niya ang braso ko. Napalingon naman ako sa kaniya.
"Ano po Tiya?" takang tanong ko.
"Ay kuhanin mo na ang mga gamit natin dahil nandito na sila Ma'am at Sir." sagot naman niya kaya napatayo naman ako at kaagad na binitbit ang ilang mga gamit namin. Tinulongan naman kami nina Mang Jun at Mang Fredo sa paglagay ng mga gamit sa loob ng Van.
Pagpasok ko ay nakita ko ang isang Ginang na may katandaan na pero hindi mo talaga matatawag siyang matanda dahil napakaganda niya at ang kinis ng balat. Napaka sophisticated niya. Pero medyo may wrinkles na siya sa may noo pero hindi ko talaga maiwasang mapamangha sa taglayng niyang ganda. Ito siguro ang magiging amo ko.
Napabaling naman ang tingin ko sa lalakeng nasa passenger seat ng Van. Medyo nasa mga late fifties na ito pero mapapansin mo talaga ang taglay nitong kagwapohan. Umupo na ako sa tabi ni Tiya Marta at isinirado ang pinto ng Van.
"Good Afternoon po Ma'am Zanica, Sir Khaled." bati ni Tiya sa dalawa. "Ito nga po pala si Mariah Yzabelle, pamangkin ko." pagpapakilala naman niya sa akin.
"Magandang Hapon po Ma'am, Sir. Ako po si Mariah Yzabelle. Ikinagagalak ko po kayong makilala." pakilala ko at bahagyang iniyuko ang ulo para magbigay galang.
"Oh! Hi Mariah Yzabelle. It's nice to meet you too, Hija." nakangiting bati ni Ma'am Zanica sa akin.
"Nice Meeting you too, Mariah Yzabelle." bati naman ni Sir Khaled sa akin. Bahagya naman akong ngumiti sa kanilang dalawa.
"Ahm, Mabelle na lang po ang itawag niyo sa akin. Medyo may kahabaan po kase iyong pangalan ko," nahihiyang ani ko sa kanila.
"Well, Mabelle.Hmm, nice name. Ito pala ang kinukwento mo amin na pamangkin mo, Marta." tumango naman na si Tiya at kahit na naguguluhan ako ay hindi na lang ako sumabat. Tatanongin ko na lang si Tiya mamaya.
"How old are you, Hija?" tanong ni Ma'am Zan sa akin.
"Twenty Five na po ako Ma'am Zanica," magalang kong sagot.
"Ay, Ma'am Zan. Siya nga po pala ang anak ng inirekomenda ko, anak siya ng nakatatandang kapatid kong babae na nadoon sa Probinsya. Siya na lang po ang isinama ko dahil medyo nananakit na daw ang katawan kaya siya na lang ang ipapasok ko sa trabaho kung pwede at okay lang po sa inyo ni Sir." ani ni Tiya.
"Ay, Oo naman. Okay lang sa amin basta makatulong lang kami sa iba," nakangiting sagot ni Ma'am Zan kay Tiya.
"And also, I like you, Hija. Napakabait mo, nararamdaman ko 'yon." nakangiting ani nito sa akin. Ngumiti na lang ako dahil nahihiya talaga ako sa pagpuri nito sa akin.
Nag-usap usap pa sila ni Tiya kaya nagmasid na lang ako sa labas. Natatanaw ko ang naglalakihan at naggagandahang mga bahay kung matatawag pa ba iyong bahay. Matatawag na talaga ang mga iyon na Mansiyon. Medyo magkalayo layo ang mga bahay—mansiyon dahil nga siguro ay exclusive subdivision ito, ay ewan ko ba, basta ang alam ko puro mga mayayaman ang mga nakatira dito at talagang mga bigatin at may pangalan sa industriya.
Ilang sandali pa ay huminto na ang Van, may lumabas naman na sasakyan sa may gate at iyon 'yong sasakyan na naharangan ko sa may entrance ng subdivision kanina na hindi ko nakita kung sino ang may-ari.
Pagkalabas ng sasakyan sa may gate ay pumasok naman ang sinasakyan naming Van. Pagkalabas namin ay kinuha ko na namin ang dala naming gamit. Talagang mapapanganga ka sa laki at ganda ng Mansiyon nila, mapapamangha ka talaga sa mga desinyo. Ang lawak ng garden at ang daming bulaklak na iba't iba ang klase at kulay. May malawak pa na pool sa may gilid at may dalawang maliliit na cottages.
Sa labas pa lang malulula ka na sa ganda, hindi ko akakalain na makakakita ako at makakaapak ako ng ganito kagandang mansiyon sa buong buhay ko. Tinulongan naman kami ni Mang Robert na siyang Family Driver nila.
Inuna na ding inihatid ang mga gamit namin sa silid ni Tiya at palagay ko ay iisa lang kami ng kwarto. Tinulongan pa kase namin si Ma'am Zan sa mga dala niya, galing pala siya sa Mall at nag shopping. ' Hay, mga mayayaman nga naman. Walang ibang magawa sa pera kaya ito bumibili ng mga mamahaling mga gamit. Pero teka nga, sino ba naman ako para makialam, e kung tutuosin ay magtatrabaho lang naman ako dito at sila pa ang magpapasweldo sa akin kaya tatahimik na lang ako kesa makialam.'
Pagpasok namin ay mas nalula ako sa ganda. Kung maganda ang sa labas, dito sa loob hindi lang basta maganda sobrang ganda! Inilibot ko ang paningin ko at talagang napamangha ako sa interior designs. Ang gaganda at gagara ng mga kagamitan dito, at sigurado akong napakamahal ng mga iyon. Medyo kinabahan tuloy ako kung dito ako magtatrabaho baka makabasag o makasira ako ng gamit baka hindi sapat ang sahod ko pambayad. ' Jusko naman oh! Katakot tuloy!'
Binaybay na namin ang hagdanan na gawa sa marmol na tulad ng sahig sa ground floor. Hanggang fourth floor pala ang palapag ng mansiyon at sa third floor nga ang kwarto nila Ma'am. Matapos naming maihatid ang dala ni Ma'am Zan sa kwarto nila ay pumunta na kami ni Tiya sa kwarto niya na nasa may Ground Floor, katabi ng lima pang pintuan at tiyak kong kwarto iyon ng mga ibang maids dito.
Pagpasok namin ay hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng silid ni Tiya. Sobrang lawak at dinaig pa ang kabuoan ng bahay namin sa probinsya. May malawak na kama at may sarili pang Aircon. May bedside table at isang may kalakihang cabinet. ' Ay iba! Pang mayaman talaga. Kahit katulong ka lang dito sa kanila ay maganda ang trato nila sayo.'
Pumunta naman ako sa may kama at naupo. Ibinaba ko muna ang dala dala kong backpack at inilapag iyon sa may sahig. Napakalambot ng kama. Napaka komportable at maaliwalas ang kwarto ni Tiya. Ngayon lang ako makakahiga ng ganito ka lambot na kama.
Bigla naman akong napabangon ng may kumatok sa may pintuan. Binuksan naman ito ni Tiya at bumungad sa amin si Ma'am Zanica, at pumasok naman na siya.
"Mabelle, Hija. Dalhin mo na ang ibang mga gamit mo at ihahatid na kita sa magiging kwarto mo." nakangiting ani ni Ma'am Zan at nagulat naman ako ng bahagya dahil hindi ko akakalain na may sarili pala akong kwarto dito. Napansin ko ding wala dito ang ibang mga gamit ko maliban sa backpack na dala dala ko kanina pa.
Napatingin naman ako kay Tiya at bahagya siyang tumango at ngumiti na din para iparating sa akin na sumunod na lang ako sa sinasabi ni Ma'am Zanica. Medyo naguguluhan man ay binitbit ko na lang ang backpack ko at isinabit sa may balikat ko at sumunod na kay Ma'am Zan palabas.
Namangha ulit ako sa kabuoan ng Mansiyon, ang ganda talaga ng bawat sulok at talagang pangmayaman lahat ng nakikita ko dito.
Tinatahak na namin ang hagdan papuntang itaas. Nagtataka man ay sumunod na lang din ako at kahit gusto ko ng magtanong tumahimik na lang din ako. Nang nasa kalagitnaan na kami ng hagdanan may napansin akong isang malaking picture frame. Hindi ko naman nakita 'to kanina dahil tuwid lang akong nakasunod kay Tiya kanina nang inihatid namin ang mga pinamili ni Ma'am Zan.
Family Picture ito nina Ma'am Zan at Sir Khaled. Tatlo lang sila dito at nakangiti silang lahat. Ibig sabihin isa lang anak nina Ma'am at Sir. Tinitigan ko ng mabuti ang nag-iisang anak ng mga ito.
Ang gwapo niya, para siyang isang model kung makangiti. Ang ganda ng ngipin, ang puti at pantay-pantay, makakapal na kilay, pointed nose, red and kissable lips, sharp and solid jaws, and deep gray eyes. He also had this clean cut hair that really fit in his very manly figure and posture. He seems scream dominance and power just like his dad but seems like he had much more dark aura than Sir Khaled. ' Napapa-english na tuloy ako sa pagdedescribe sa kaniya. Sobrang gwapo kase!'
Para siyang si Sir Khaled pero younger version nga lang, at ang ngiti niya namana niya kay Ma'am Zanica, napakaganda ng ngiti. He's beyond perfect sa mukha pa lang. Sa tingin ko mga nasa late twenties na siya at talagang ang gwapo sobra! 'Di ko namalayan na hinahaplos ko na pala ang malaking larawan partikular sa mukha ng anak nina Ma'am at Sir.
"Siya si Kharkov. Kharkov Zackary. Nag-iisang anak ko lang siya. Medyo may katandaan na din kase ako ng manganak ako at sabi ng OB ay mahirap akong mabuntis kaya malaki ang pasasalamat ko ng biniyayaan kami ng kahit isang anak." nakangiting kwento ni Ma'am Zan sa akin habang titingnan din ang Family Picture.
Nagpatuloy na kami sa pag-akyat sa may hagdan. Nasa second floor na kami pero nagpatuloy lang si Ma'am sa pag-akyat kaya sumunod na lang ako.
Napakunot bahagya ang noo ko at biglang nagtaka pero hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa paglalakad baka may kukunin lang si Ma'am sa kwarto niya. Sa third floor naman kase namin inihatid kanina iyong mga pinamili niya kanina.
Huminto na kami sa isang pintuan. ' Hindi naman ito ang kwarto nina Ma'am ah?' Napakamot na lang ako sa batok habang naguguluhan pa rin. Pinihit na niya ang doorknob at tumambad sa amin ang isang napakalawak na silid. Ang ganda ng interior design at base na din sa nakikita kong desinyo, pambabae itong silid na ito.
Kulay lavender ang mga dingding at talagang hindi masakit sa mata.Ang komportable tingnan. Malaki at malawak ang kama na kulay Yellow and White na mga designs pang mga daisies sa unan, kumot, bedsheet at pati na rin sa fur carpet may designs din. Ang cute tingnan.
May dalawang pintuang magkatabi at palagay ko'y banyo at walk in closet ang mga iyon. Salamin naman ang sliding door papuntang balkonahe na may malalaki at makakapal na kurtinang nakatabing na kulay lavander din.
May bedside table at ang kisame puti ang kulay pero may mga designs na daisies din, pambabae talaga. May sarili ding Aircon. Mas malaki pa ito sa bahay namin. Kung sa kanila kwarto pa lang pero para sa akin isang buong bahay na namin ito. Cozy and warm. Welcoming and comfortable.
A/N: Madaliang update ulit. Start na kase ng second sem namin so magiging busy na naman sa school works but I'll still continue to write this story. Actually, sa totoo lang marami pa akong mga stories na gustong isulat pero tatapusin ko muna 'to. I hope you'll support me through my writing journey! Sa susunod na update. Thank you sa support. Love Lots, Prettee Babies. Mwah!♡
© PretteeRoxxy