SIA . . "Sa tingin mo ba papayag akong makaalis ka ng ganon ganon lang? Walang makakaalis dito ng buhay." nakangisi kong sabi na ikinalunok niya. "Isusunod kita sa kapatid mo." dagdag kong sabi, maya maya lang ay bigla nalang humalakhak iyong kapatid ni Jeron bago humarap kahit pa nakatutok na sa noo nito ang baril. "If you will kill me do you possibly think that you can come out alive?" natatawa niyang tanong na ikinatitig ko lamang sakanya, akala niya ata nagbibiro ako. Agad kong binaba ang baril at pinutok ito sa paa niya dahilan para mapamura siya't umaaray na sa sakit. Akmang susugod na sana iyong mga tauhan niya ngunit napahinto ang mga ito ng matumba ang isa nilang kasama dahil may bumaong pana sa leeg nito. "s**t! May kasama ito!" sigaw nung isa pang tauhan niya at nagsiiwas

