SIA . . "Liam.." bulong ko ng makita si Liam na ngayon ay kahit bugbog sarado na ay pilit pa ring nakipaglaban. Sa sahig ay nakahandusay ngayon ang pamilyar na mukha nung mga tambay na foreigner na nakita ko kanina, mukhang tinulungan siya ng mga ito ngunit hindi sila nagwagi sa kalaban. "Ano kaya mo pa ba? hahaha." naang aasar na sabi nong kaharap niya. "Hihina naman ng mga yan tapusin niyo nayan bago pa dumating ang kasamahan nya." sabi naman nung isa pa nilang kasama na ngayon ay nanunuod lang. Sumang ayon "Give me the kid back!" sigaw naman ni Liam at agad sumugod, susuntukin niya dapat ang lalaki pero agad itong nakaiwas dahilan para mapasubsob siya sa sahig. Pinagtawanan siya ng mga ito bago pinagsisipa. Bumunot ng kutsilyo iyong sumisipa sakanya at akma na sanang saksakin

