SIA . . "Let this real party begin." bulong ko at agad kinasa ang baril tsaka pinaputukan ang sasakyang kanina pa kami binabangga. Walang masyadong sasakyan ang dumadaan kaya kahit gaano ka pa kabilis magpatakbo ng sasakyan ay ayos lang. Madilim din ang parte nato kaya siguradong walang pulis na eeksena dito. Nasira ang windshield nung kalaban dahilan para mapayuko yung driver, may kasama ito sa likuran na agad binuksan ang sunroof din nila at nagpaputok sa direksyon ko. Iniwasan ko agad ito at binaril , natamaan ang braso niya dahilan para mahulog sa daan ang dala niyang baril. Kinasa ko ulit ang baril at paputukan sana ulit ang gulong ng sasakyan nila ngunit agad ako napayuko ng makarinig ng sunod sunod na pagputok sa likuran. May dumagdag na dalawang sasakyan, hindi ko na nah

